Narnia's POV
"My goodness! Halos mahimatay ako sa gabing yun, Inday. Parang nasapian ng tatlong bad spirits yung demonyitong Sean. Siraulo talaga! Nakipagbugbugan kay Marquis. Buti na lang nandun bebe boy ko kundi baka nahimatay ako sa gulat. Kawawa nga si Dyosa eh. Sa birthday niya pa talaga nag-away ang dalawa. Di ko alam kung anong rason sa away ng dalawa pero pakshet halos sa hospital ang abot ng dalawa. Akala ata ni Sean, hindi basag ulo si Marquis eh nakikimatch ng boxing yun kay Zephyr. Siraulo talaga!"
Kanina pa si Azyl kakakwento sa nangyari noong nakaraang gabi sa birthday ni Dyosa. Pero mabuti na 'to para malaman ko ang detalye kung ano ang nangyari dahil nga nasa loob ako ng comfort room. Paglabas ko kase habang nakasunod sa akin ang siraulong Eros, ay insaktong tumigil ang kaguluhan. Nagsidatingan na rin ang mga kaibigan at kapatid sa magkabilang kampo.
Napabuntong-hininga ako habang nakikinig sa walang tigil na kwento ni Azyl. "So, ibig mong sabihin, Azyl, dahil lang sa selos kaya nagkasuntukan yung dalawang 'yun?"
"Selos?!" tumigil siya sa pagnguya ng fries at tinignan ako na parang di siya makapaniwala. "Haller! Si Sean, nagseselos? Baka naapakan ego niya kako, pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ang babaeng si Clythie."
Napatigil ako. Clythie? Napakunot ang noo ko.
"Anong kinalaman ni Clythie sa away nila? Hindi ba si Dyosa ang may birthday?"
"Ewan ko sa kanila, Inday. Pero diba si Marquis, ex ni Clythie? Tapos etong si Sean naman, hay naku, ewan ko sa lalaking yun di naman invited ganun din ang walanghiya na si Zuhair. Mga tresspassing!"
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit palaging si Clythie ang sentro ng drama kahit ayaw niya naman ng attention. Pero knowing her, hindi naman niya sinasadya ang ganitong mga eksena. Nakadikit na ata sa kanya ang pag-aawayan siya ng lalaki. Ganun din kase ang nangyari noong ligaw stage pa sila Marquis hanggang naging sila. Kaya nga naging basag ulo rin si Marquis at nakipagmatch kay Zephyr. Yan ang alam ko dahil naikwento sa akin ni Clythie noon.
"Sino pa bang nandun? Aside sa mga nabanggit mo?" tanong ko para maiba ang usapan.
"Hay nako! Kahit sino nandun, Inday. Akala mo grand ball eh! Ang walanghiya na si Zuhair, kita mo naman may sariling entrance! Pero, bakit ang tagal mo bumalik? Saan ka nagsusuot, witch?"
Muntik na akong mabulunan sa tinatanong ni Azyl. "A-Ah, sa comfort room!"
Pero syempre, ang gaga, hindi na tumigil. "Sure ka? Ba't ang tagal naman? Di mo tuloy nakita ang palitan ng suntok ng dalawang mapride."
Pilit kong iniwas ang tingin at kunwaring abala sa pag-inom ng juice. Hindi pwedeng malaman ni Azyl na kasama ko si Eros sa loob ng comfort room. Wala kaming ginawa, oo, pero utak nito ay kakaiba pa sa kakaiba. Diyos ko, ayoko na ng dagdag pang issue sa buhay ko.
"Sayang nga eh, di ko nakita," keme kong sagot.
"Kaya nga! Ang ganda sana ng eksena, Inday! Para kang nanonood ng live action ng Fight Club! Akala mo nag-audition sila para maging Hollywood stars! Tapos parehas pang mga sikat as a racers!" Excited na kwento ni Azyl, sabay iling na parang hindi makapaniwala sa nakita niya.
Napakunot ang noo ko, pilit na iniisip kung paano ganun kabilis lumala ang sitwasyon. "Paano ba nagsimula? Ano bang pinagmulan ng gulo?"
Nagkibit-balikat si Azyl. "Ewan ko ba! Basta bigla na lang nagkainitan. May sinabi ata yung kaibigan ni Marquis tungkol sa love life ni Marquis sa circle of friends nila at narinig ito ni Sean. Narinig niya ang pangalan ni Clythie sa usapan. Boom! Biglang may suntukan na! Yun ang chismis. I'm not sure pero malaki ang pusta ko na yan talaga ang dahilan."
Halos tumulo ang juice na iniinom ko. "Si Clythie? Ano bang kinalaman niya sa away ng mga ‘yun?"
"Eh kasi naman, ex siya ni Marquis, diba? Paulit-uli.""
Oo nga pala.
"...Ewan ko kung may selosan o kung ano. Basta parang ang saya nilang magsabunutan sa pamamagitan ng kamao!" Dugtong nito at tumawa habang nilalaro ang straw ng milkshake niya.
Napabuntong-hininga ako. Nag-alala ako kay Clythie pero nakakapagtaka dahil bakit ganun reaksyon ni Sean? Di naman siya ang boyfriend ni Clythie. Siraulo rin.
"Oh my gosh! Gabi na pala, day. Lagot! I'm going home na."
Tumayo na si Azyl, mabilis na kinuha ang bag niya.
"Bukas na lang tayo mag-chika ulit, Inday. Alam mo naman si Mama, curfew alert na naman 'to." Tumawa siya nang bahagya bago umirap. "Pero ikaw ha, blooming ka talaga ngayon. Sabihin mo na kasi sino ang lucky guy."
"Ulol," sagot ko, sabay tawa. "Umuwi ka na nga bago ka ma-grounded."
Habang nagmamadaling naglakad si Azyl palabas ng bahay, naiwan akong nag-iisip. Napapailing ako sa gulo na nasaksihan nila noong nakaraang gabi. Bakit si Clythie? Lagi na lang siya ang sentro ng bugbugan sa bar, kahit pa minsan wala naman talaga siyang ginagawa. Pero ang mas malala, bakit mukhang si Sean ang mas affected? May hindi ba akong alam?
Bumuntong-hininga ako at uminom ng natitira kong juice. Tumitig ako sa labas ng bintana, pilit na kinakalma ang isip ko. Pero kahit anong pilit, bumalik ang mukha ni Eros, sa alaala ko. Ang mga tingin niya, ang condition niya na hindi ko alam kung ano. Grabe ang pag-iisip na yan seryoso eh. Pinag-iisipan talaga dahil umabot ng tatlong araw.
Napatayo ako at iniligpit ang mga baso. Dinala ko ito sa kusena pati na rin ang kalat namin ni Azyl na mga junk foods at milkshakes. Inaantok na rin kase ako. Kailangan ko ng matulog dahil maaga ako bukas sa work.
Mabilis kong hinugasan ang pinggan at pinatay ang ilaw sa kusena pati na rin sa sala. Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok sa loob ng aking kwarto.
Pagkapasok ko sa kwarto, agad akong dumiretso sa bintana at sinara ito, sabay bagsak ng katawan ko sa kama. Gusto ko na sanang ipikit ang mga mata ko, pero ang daming gumugulo sa isip ko.
Unang-una, si Azyl. Lahat ng sinabi niya kanina, parang teleserye na sumiksik sa utak ko. Si Sean, si Marquis, si Clythie puro na lang drama. Pero bakit parang may malalim pang dahilan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Sean? At si Marquis, bakit parang bigla na lang itong nasangkot sa suntukan?
At syempre, hindi mawawala si Eros. Bwisit na lalaking yun. Kung bakit naman kasi napaka-presko at mapang-asar. Pero sa kabila ng lahat ng inis ko, hindi ko maialis ang tanong sa sarili ko.
Ano ba talaga ang condition na sinasabi niya? Bakit parang may malalim na dahilan din sa likod ng mga biro niya?