Kabanata 11

1602 Words
Narnia's POV "Are you okay?" Naibaba ko ang kamay ko at napatingin kay Ulysses. "Bakit?" Tanong ko. "Kanina mo pa hinihimas ang panga mo. Did someone punch you?" Tanong nito, na may halong pag-alala. Umiwas ako ng tingin at muling tinuon ang atensiyon sa ginawa ko na hindi ko pa nasimulan kahit isang page. May babasahin sana ako na isang information sa naimestigahan namin. Ang kaso, masakit panga ko kahapon pa at ang walanghiya mukhang napansin na nga ng kasamahan ko. "Ah, ayos lang. Don't mind me." Simple kong sagot. Sumulyap ako kay Ulysses. Tumango ito pero hindi kumbinsido sa sagot ko ngunit di na ako kinulit. Lihim akong bumuntong hininga ng malalim at nayukom ang kamo maalala ang dahilan kung bakit masamit hanggang ngayon ang panga at lalamunan ko. Parang may tumutusok pa rin sa lalamunan ko. Piste! Magtutos kami ng siraulong yun kapag magkita ulit kami. Pero, bakit ako pumayag sa one condition kuno niya? Gusto kong sambunutan ang sarili ko dahil sa kahihiyan at kabobo. Maliit na tite lang yun pero naging sunod-sunuran ako ng walanghiya. Maliit na t*te lang ba? Sure ka, Narnia? Bakit sumakit lalamunan mo at panga mo? Napasimangot ako at pilit inalis ang pigura ng talong ni Eros sa isipan ko na palagi akong binangungot kahit dilat ang mga mata. "Focus, Narnia," bulong ko sa sarili ko habang pilit na nilalabanan ang imaheng paulit-ulit na sumasagi sa isip ko. Pero kahit anong pilit kong magbasa ng report na nasa harapan ko, para bang lahat ng letra ay nagiging hugis ng—hindi, tumigil ka na! Napapikit ako at napailing, pilit na binabalik ang tamang takbo ng utak ko. Pero masakit pa rin talaga ang panga ko. Napansin ko ang biglang pagtayo ni Ulysses sa gilid ko, hawak-hawak ang kanyang mug ng kape. "Ano bang iniisip mo? Kanina ka pa balisa," tanong niya, may halong pagtataka habang tumitig sa akin. "Wala!" Mabilis kong sagot, masyadong mabilis na parang napatigil pa siya. "Sabi ko wala. Just tired," dagdag ko, pilit na kinokontrol ang tono ko para hindi halata. "Tired? O baka naman may nangyari?" tanong niya, nakakunot na ang noo. "Sigurado ka bang okay ka?" Napairap ako, kahit gusto kong huwag pansinin ang tanong niya. "Ulysses, trabaho muna tayo. Hindi ka ba busy?" Tumango siya, pero may bakas ng pangungulit pa rin sa mukha niya. "Fine, pero kung gusto mong mag-open up, nandito lang ako." Napahinga ako ng malalim nang lumayo na siya. Buti na lang at hindi siya masyadong mapilit ngayon. Bumalik ang tingin ko sa harap ng monitor ko, pero kahit anong gawin ko, tila ba nasa harapan ko pa rin si Eros, nakangisi at mayabang. Naaalala ko kung paano niya sinabi ang salitang—Mainit nga, na parang marka sa utak ko. At ang ungol nitong pati tenga ko binangungot na rin. Piste! Napakagat-labi ako, pilit na pinigilan ang kilabot sa katawan ko. Hindi ko alam kung galit ba ako o nahihiya o... ano ba talaga, Narnia? Hindi ko mapigilan ang mapaisip. Bakit ba kasi dumating pa 'yang siraulong 'yan sa buhay ko? tanong ko sa sarili ko habang sinisimulan ulit ang pagbabasa, ngunit kahit anong pilit kong mag-focus, talong pa rin ang bumabalik sa isip ko. P*ste ka talaga, Eros. Malaking p*ste. Wala sa sariling nahampas ko ang lamesa pero di nagulat si Ulysses instead simsim ito ng kape habang natutuwa sa inasal ko. Huminga ako ng malalim at napahilamos ng mukha. Mapapatay ko talaga ang lalaking yun ng wala sa oras. Wala akong pakialam kung ipapahunting ako ng ama niya at mga kapatid. Gusto ko lang mapatay ang siraulong yun. Para akong nakalunok ng malaking apple sa sobrang sakit ng lalamunan ko sa p*steng alaga niya. Siraulong Eros! Ba't ba ako pumayag? Tanga. Bobo ko kase! "I see. Let me handle this time. Papunta na ang iba sa head quarter. Go home, Narnia." Bumuntong hininga ako at napahalumbaba. Ayoko sana pero sige. Sigarilyo lang ang katapat nito. Huminga ako ng malalim sabay kamot ng ilong at lumingon kay Ulysses na naweweirduhan sa akin. Ako rin. Naweweirduhan din ako sa sarili ko. Hindi naman ako ganito ah! Hindi lang si Eros ang nakilala kong lalaki. Hindi nga pero siya lang naman ang natikman mo. Natikman mo ang talong niya kaya siraulo ka rin ngayon. Halos tampalin ko ang sarili ko dahil sa p*steng utak na yan. Nakakunot ang noo ko kay Ulysses at tumango. "Sige. Balitaan mo na lang ako. Pasensiya na." Paumanhin ko. Tumango lang ito at binigyan ako ng tingin bago muling tinuon ang atensiyon sa computer. Itinabi nito ang mug at muling nagtipa sa board. Napakamot ulit ako sa noo at inilibot ang tingin. Kaming dalawa lang ang nasa hide out ngayon, ang iba ay dadating na rin yun. Parang pamilya naman ang turing sa amin sa isa't-isa pero ayoko silang masalubong kahit isa man sa kanila at baka pati sila maweweirduhan sa akin. Ayoko talaga nito. Nagpaalam ako kay Ulysses bago lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong hallway. Iba't-ibang disenyo ng armas at baril ang nasa dinding. Hindi naman nakakatakot dahil sanay na ako. Munting lampara lamang ang ilaw. Tinig ng takong ko ang umalingaw-lingaw sa buong sulok ng pader. Napamulsa akong umakyat ng hagdan at paghinto ko sa isang pintuan ay agad kong pindot ang code para bumukas. Pagbukas nito ay sumalubong sa akin ang isang maaliawas na living room. Kulay puti mula sa dinding at sofa. Inilibot ko ang tingin sa buong living room. Parang bahay lang talaga. Di mo akalaing may hide out sa ilalim ng simpleng bahay na ito. Napailing ako bago naglakad papalapit sa isa na namang pinto. Hinawakan ko ang doorknob at lumabas ng bahay. Sa paglabas ay bumungad sa akin ang mga bulaklak sa gilid ng daan tungo sa gate. Palubog na pala ang araw at alam kong uuwi ngayon si Urania. Friday kase ngayon. Tahimik akong naglakad at bago binuksan ang gate, nilingon ko ang bahay. Hindi ito gaano kalaki, hindi rin gaano kaliit. Sakto lang para tawaging simpleng bahay. Pinaghalong kulay brown at chocolate brown ang pintura ng bahay. Bago ko binuksan ang gate, napansin ko ang maliit na hardin sa tabi ng bahay. Napangiti ako ng bahagya sa simpleng tanawin—mga bulaklak na kulay dilaw, pula, at asul na tila sumisigaw ng kasimplehan at kagandahan. Nakakagaan ng pakiramdam kahit papaano. Pagkatapos kong tumingin sa paligid, marahan kong binuksan ang gate. Tumama ang huling liwanag ng araw sa mukha ko, at ramdam ko ang malamig na ihip ng hangin. Nilingon ko ang daan, tahimik pa rin, maliban sa mga tunog ng dahon na hinahampas ng hangin. Habang naglalakad ako papunta sa motor ko ay hindi ko mapigilang pagtaasan ng tingin ang ilang kalalakihan na itinaas na naman sa akin ang isang basong alak. Ang mga tambay na puro alak ang ginawa. Umiwas ako ng tingin at hindi sila pinansin. Nadaanan ko sila kaya narinig ko naman ang mga salita na ayaw ng tenga ko. "Andito na naman ang tomboy." "Sayang. Ganda sana pero siga." "Mga lalaki kasama niyan tapos yung isa kasama niya ngayon. Bale sila lang dalawa." "Di tayo sure kung ano ginawa nila sa loob. Nagbahay-bahayan siguro." "Di ako naniniwalang walang nangyari sa kanila. Babae pa rin naman yan. May belat pa rin." At nagtatawanan ang hinayupak. Ayoko sanang pansinin ang mga baliw pero piste kase. Kailan ba nila ako tantanan. Gumalaw ang leeg ko para lingunin sila. "May problema ba tayo, mga boss?" Maangas kong tanong sa kanila. May ilan ay umayos pa talaga ng upo para humarap sa akin. Hubad pa ang iba pero wala namang abs. Malaki ang tiyan parang siyam na ang buwan. Maangas kuno pero mukhang adik. Tambay nga. "Ikaw...paisa naman." Sabi ng isa at sinundan ng tawa, sumunod ang iba. Humarap ako sa kanila at napatingin sa bote ng beer. Ang ilan ay hindi pa nabubuksan. Tumagilid ang ulo ko habang pinagmasdan sila. Iniisip ko kung paano ko sila ilibing ng buhay pero kawawa naman ang mga asawa nila. Pero mas mabuti na yun para mabawasan ang mga siraulong tatay na kagaya nila. Palamunin. Puro inom at babae. Bakit may nabubuhay pa na tulad nila? "Pasensiya na pero mas mabuti pang magpakap*ta sa gwapo at mayaman kesa sa panget at walang t*te." Nakangiti kong sabi sa kanila. Napatayo ang isa. "Anong walang t*te?! Gusto mo sukatin ang p*********i ko? Maraming nabaliw dito." Sumama ang mukha ko sa narinig. Mas gusto ko pang sukatin ang p*********i ni Eros kesa rito, worth it pa yun. Aba't teka, bat nasali na naman ang siraulong yun? Bigla akong namula. Natauhan naman akong nagkantchawan ang mga baliw. "Tignan mo, pre. Babae pa rin talaga. Namula oh! Pasukat na yan." Nagtuksan ang mga baliw. Napatingin ako sa tindera na sumilip pa talaga sa butas ng kanyang tindahan. Nakita ko ang pagtaas ng kanyang pekeng kilay sa akin habang tinignan ako mula ulo hanggang paa. Aba't! "Teka lang. Teka lang. Excited masyado." Muli akong napatingin sa asong ulol. Nakangiti ito. Ang yabang-yabang ng ngiti niya hindi naman pogi at ang dilaw pa ng ngipin. Pwe! Umikot ang mga mata ko. Pero nakakagulat dahil bigla niyang hinawakan ang suot niyang short at akmang ibababa niya ito nang biglang may umakbay sa akin sabay salita. "Uy boss! Bad yan. Di pwede yan. Talong ko lang ang pwedeng makita ng bebelabs ko. Wag mong subukan at baka paglamayan ka mamayang gabi. Ayaw mo naman siguro mangyari yun." Mabilis akong napalingon sa taong umakbay sa akin. Side view palang niya at pabango niya ay kilalang-kilala ko na. Nakita ko na naman ang Adams apple niya. Ba't may napadpad na isang siraulo dito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD