Chapter 2
- Lucas' POV -
Pagkagising ko ay agad akong nagbihis para pumasok. Hindi na ako nag breakfast dahil marami pa akong gagawin ngayong araw. Lalo na at kailangan kong mag-attend ng birthday ng mga kapatid ko.
By the way, I'm Lucas Sai. I'm a Chief Executive Officer, for short, I'm a CEO. Maraming naiinggit at naiinis dahil matagal na daw silang employee ng kompanya namin pero hindi daw sila napromote. Sila din naman kasi ang may kasalanan, kung umayos kasi sila, edi sana, napromote na sila.
Hindi naman sa nagyayabang ako pero hindi ko din naman kasalanan na magaling ako. At, ako naman ang anak ng may-ari at nag-training lang naman ako at nagreklamo na silang lahat ng maging CEO ako. Basta ako ay ginawa ko nalang ang best ko.
Kung sa work ay magaling ako, sa babae ay hindi nyo ako maaasahan. Noong highschool ako ay nagkagusto ako sa isang kaklase namin at tinulungan ako ng mga kaibigan kong mag-confess sa kanya pero na reject lang ako.
Simula non ay ayoko nang lumalapit sa mga babae. Hindi na din ako masyadong nakikipagmalubilo sa mga babae, maliban sa mga pamilya ko. Kahit na high school palang ako non ay hindi ko parin nakakalimutan kung gaano ako pinahiya ng babaeng iyon.
"Sab, paki cancel lahat ng meetings na meron ako today, please? Thank you." Sabi ko sa secretary ko at dumiretso na ng alis at pumasok na sa office ko.
Nagsimula na akong gawin ang mga kailangan kong gawin at hindi ako nagpagulo para matapos ko agad ang mga kailangan kong tapusin. Nang mag-lunch ay agad akong kumain at nagbreak muna ako ng 30 minutes. Binuksan ko ang phone ko at tinignan ang GC namin.
'Dynasty's Gentlemen'
Johnny: Anong oras ba?
Zai: Mamaya daw 7
Angelo: Kailangan ba talaga naming pumunta? May shift ata ako ng ganon oras.
Zeir: Magpapatulog kami ng mga anak namin.
Lucas: Umatend na kayo. Sayang, maraming bisita doon.
Zai: Gusto ko yan!!
Zeir: Wala akong pake sa mga bisita nyo.
Angelo: Wala akong kape sa mga kapatid mo.
Natawa nalang ako dahil masyadong naging masusungit ang mga ito simula noong magkaroon ng asawa. Mas madalas ang katarantadohan nila pero masusungit talaga sila. Mas lalong naging masungit ng mag-asawa na sila.
Ako lang ang lalaki sa pamilya namin. Simula nang magkaroon sila ng lalaking anak, ako, ay hindi na sila nabigyan pa ulit. Ilang beses na silang sumubok pero hindi na talaga sila binigyan. Nagkaroon pa kami ng kambal pero hindi na talaga kami nagkaroon ng lalaki.
Ako na ang pangalawang ama ng pamilya namin. Palagi akong nakabantay sa mga kapatid ko kaya umabot na ako sa edad na to pero wala padin akong girlfriend o asawa. Sila Zeir ay kaedad ko pero may mga anak na ito. Well, hindi din ako nagmamadali.
Nagpatuloy na ako sa pagtatrabaho at hinayaan ko na silang mag-ingay hanggang sa natapos ko na ang lahat ng mga trabaho ko dahil kailangan ko talagang umattend dahil magtatampo ang kambal sa akin. Sa akin pa naman sila nanghihingi at nangungulit ng regalo.
Pagkadating ko ng parking lot ay binuksan ko muna ang phone ko para tignan kung ano nang meron sa mga lalaking to dahil napakaingay ngayon ng gc namin at gusto kong malaman kung anong problema ng mga tao.
'Dynasty's Third Generation'
Kristen: Oyy, hindi na ako natutuwa dyan kay Elias, ha? Kailangan ba palagi syang headline?? Pati ba naman weeding nila last two years headline parin ngayon? ??
Jenny: Oo nga. Nung kinasal nga kami ni Zeir, wala ngang naging ganyan.?
Zeir: Jenny, matulog ka na?
Lorenze: Pwede ba magtanong?
Kristen: Ano naman?
Lorenze: Wag na pala?
Zai: Lily, nandito na ako.
Lyla: Agad?!?
Zai: Yup?
Lily: Hindi ka naman excited nyan, ano?
Zai: Not really?
Napailing ako at pinaandar nalang ang kotse ko. Maya-maya pa dumating naa ako sa venue at agad akong sinalubong ni Mommy na may kausap pa. Ibinida ako nito sa kasama nya at puno naman ng paghanga ang ginang na kasama nito.
"Naku, parang hindi ko naman kilala si Lucas kung ipakilala mo sa akin." Sabi nito at nagtawanan na silang dalawa. Ako naman ay dumiretso na sa loob ng hindi nagpaalam sa kanila.
"Kuya!" Tawag sa akin ng kambal. Lumapit sila sa akin at kinuha ang mga regalo nila na nasa akin.
"Wow! Ang ganda naman nito, kuya!" Nakangiting sabi ni Lyla.
"Oo, ayan ang gusto nyo, diba?" Tanong ko.
"Diba, limited edition lang to? Paano ka nakakuha nito, kuya?" Tanong naman ni Lily.
"Ako pa ba?" Mayabang kong sabi. Hinila akong dalawa sa kung saan at bigla ko nalang natagpuan ang sarili kong nakaupo sa tabi ng mga babae.
"Ito si Kuya. Hindi kasi sya masyadong umattend ng mga parties kasi masyado syang busy." Sabi ni Lily.
"Hi." Sabi ng babae sa tabi ng katabi ko. Tinignan ko lang sya at nag-iwas na agad ng tingin. Akmang kukuhanin ako ng pagkain na nasa harap namin ay aksidente kong nahawakan ang kamay nang babaeng katabi ko.
Nagkatinginan kaming dalawa at agad ko ding tinanggal ang kamay ko sa kamay nya. Pareho kaming nailang dahil sa aksidenteng iyon. Maya-maya pa ay napag-desisyonan ko nang tumayo dahil hindi naman talaga ako dapat nakaupo doon. Pagdating ko sa lamesa namin ay agad akong sinalubong nila Johnny.
"Muhkang binibenta ka na ng mga kapatid mo, ahh?" Nang-aasar na sabi ni Elias.
"Pwede bang tumahimik ka? Porket may asawa a na, pwede mo na akong ganyanin." Nagbabanta kong sabi.
"Hindi naman nagiging matino yang si Elias. Palagi namang isip-bata yan." Sabi ni Angelo.
"Aray ko, best friend." Kunwaring nasasaktang sabi ni Elias.
"Serves you right." Sabi naman ni Angelo na ikinatawa naming lahat.
"Ikaw, Lucas? Wala ka bang balak mag-asawa? May asawa na si Finlay at Elias. Apat na kami, humabol na kayo, ano ba." Naatawang sabi ni Zeir.
"Ano kaba, muhka ngang walang balak mag-asawa yan, ehh." Sabi ni Lorenze at dinuro pa ako.
"Ikaw, kailan mo papakasalan si Kristen?" Tanong ko. Natahimik naman ito na parang may iniisip.
"Hoy, anong problema mo? Bakit bigla kang natahimik dyan?" Tanong ni Elias. Muhkang napansin din ang pagiging tahimik ni Lorenze.
"May problema kasi kami ni Kristen, ehh. Gusto na kasi nya magpakasal." Malungkot na sabi nito.
"Ayon naman pala, ehh. Pumayag ka na." Sabi nila.
"Kaso, may problema." Nag-aalangang sabi nito. Tumingin ito sa paahan nya bago tumingin ulit sa amin at nagsalita. "Hindi kami magkakaanak." Sabi nya pa na ikinagulat namin. "Kung wala naman akong problemang ganito, hindi naman ako magdadalawang-isip pakasalan sya. Kaso, naiisip ko palang na hindi kami magkakaanak at malulungkot lang sya, parang ayoko nang ituloy yung kasal na plano ko para sa kanya." Malungkot paring sabi nito. Nagkatinginan naman kaming lahat.
Lahat kami ay makikitaan ng awa kay Lorenze dahil hindi ito masyadong nagsasabi sa amin at nagkukunwari lang na ok ang lahat. Ang ugali nyang iyan ay sa Daddy nya na magaling din magtago ng nararamdaman.
________________________________
Nandito ako ngayon sa may pantry at kukuha sana ako ng pagkain ng may mauna nanaman sa akin. Agad kong inalis ang kamay ko bago ko tinignan kung sino ang taong iyon. Maraha kong naitagilid ko ang ulo ko ng makitang sya nanaman, yung babae kanina.
"Kanina ka pa, ahh? Kailangan ba palagi kang nauuna?" Sabi ko.
"Ladies first." Maikling sabi nito at tinignan muna ako ng mata sa mata bago ako iniwan doon. Ako naman ay napatingin sa likod nya at hindi makapaniwala.
"Huh!" Hindi makapaniwala kong sabi. Kumuha na ako ng pagkain at hinayaan nalang ang sama ng loob ko.
Pagbalik ko ng upuan namin ay mga lasing na ang mga kasama ko doon. Ako naman ay wala pang tama dahil hindi din naman malakas ang tolerance ko sa alcohols. Hindi din kasi ako umiinom masyado dahil may pasok pa ako bukas.
Lumipas ang ilang oras ay natapos na ang party. Hinatid ko na sila Mommy dahil ayoko ding magtagal pa doon dahil paniguradong papainumin lang ako ng mga lalaking iyon. Nang makauwi na sila Mommy ay dumiretso na agad ako sa kwarto.
Kaming tatlo palang ang umuwi habang ang iba kong kapatid ay doon na daw matutulog dahil muhkang daw hindi na sila makauwi lahat. Pagka-akyat ko ng kwarto ko ay agad akong nag-half bath at natulog na agad dahil maaga pa ako bukas.
- Genny's POV -
Naiilang ako dahil sa lalaking iyon kanina. Parang palagi nalang namin napaghahawak ang mga kamay namin. Gusto ko nang umuwi pero kinukulit ako si Lily at ayaw akong pauwiin. Pero dahil kila mommy ay nakatakas ako.
Isinabay na nila ako pauwi at nang makauwi kami ay agad akong umakyat sa kwarto ko at naghanda na matulog. Nang matapos ako ay nagbasa muna ako ng kaunti bago ako tuluyang nakatulog. Alam kong masyado pang maaga para matulog pero itutulog ko nalang ang pag-inom nila ng alak doin sa party.
Kinabukasan ay panibagong araw nanaman. Nang magising ako ay tahimik ang bahay dahil wala ang mga kapatid ko. Hindi ko na sila inantay at kumain na ako ng breakfast at dumiretso na ng trabaho ko. Pagdating ko doon ay may mga costumers na agad kami ng ganon kaagad.
Siguro ang iba ay naroon para mag-breakfast at ang iba ay nasa counter na parang mag-ta-take-out. Agad akong pumasok sa kusina at tinulungan na ang ibang chef namin doon. Agad din namana kaming nakagalaw ng mas maayos.
Hindi kasi ganito karami ang mga tuwing umaga. Hindi namin in-expect na ganito kadami ang mga tao ngayong umaga. Nang dumating ang lunchtime ay nagkaroon ng break ang iba sa amin at pagkatapos nilang magbreak ay kami naman ang nagbreak. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng tinawagan ako ni Mommy.
"Genny, pumunta kami mamaya dyan sa restaurant nyo. May importante lang tayong pag-uusapan." Sabi nito at binaba na agad ang tawag. Ako naman ay takang napatingin nalang sa phone ko.
Hindi ko na masyado inalala ang mga sinabi nya at nagpatuloy nalang sa trabaho ko. Maya-maya pa ay dumating nga sila Mommy at kasama nito ang mag-asawang Sai at ang lalaking kinaiinisan ko kagabi pa. Hindi ko alam kung bakit narito ang mga ito.
- To Be Continued -
(Tue, November 9, 2021)