Chapter 3

1537 Words
Chapter 3 - Genny's POV - Maya-maya pa ay pinatawag ako nila Mommy at may kailangan daw akong makilala. Pagdating ko doon ay naroon na silang lahat habang nag-uusap at ang lalaki kagabi ay tahimik lang na parang ewan. Naupo ako sa bakanteng upuan, sa tabi nya. "Ayan, nandito na ang anak namin." Sabi ni Mommy. "Genny, I want you to meetーーー" "Lucas." Walang pakialam kong sabi at pinutol ang sinasabi ni Mommy. "Yes." Malakas na sabi nito. "Kilala nya naman pala, ehh." Sabi nito kay Mrs. Sai. "Ano bang meron dito? Bakit nandito kayo?" Tanong ko. Ngumiti silang dalawa. "Nandito kami, para pag-usapan ang kasal nyo." Nakangiti sabi nila. At, sabay pa, ha. "Ano?!" Sabay naming sabi ni Lucas. Ako ay napatayo pa. "Anong kasal?" Tanong ko. "Kayo, ikakasal kayo." Sabi ni Mrs. Sai. "Mom, please. Stop playing around. It's not a funny joke." Sabi ni Lucas. "Who says we're joking?" Sabi naman ng mommy nya. Napahawak naman ako sa noo ko dahil sa kilis nilang pambata. "Mom, hindi na kami mga bata." Sabi ko. "Kaya na naming gawin yan." Sabi ko pa. . "Kung kaya nyo, bakit hindi nyo gawin?" Parang batang sabi ng Mommy ko. Napabuntong-hininga naman ako dahil sa sobrang frustration. "Basta, hindi ako papayag at walang magpapakasal." Sabi ko at tumayo na sa kinauupuan ko. ________________________________ Lumipas ang ilang araw ay ikinasal nga kami ni Lucas. Mas mabilis pa kadi sa kidlat gumalaw ang mga ina namin at parang pumikit lang kami at pagdilat namin ay mag-asawa na kaming dalawa. Hindi pa sila nakuntento, kailangan pa daw naming magsama sa iisang bahay para makilala namin ng husto ang isa't isa. Kahit labag sa loob namin ay napilitan parin kaming dalawa dahil magaling manakot ang mga magulang namin. Tinakot nila si Lucas na kukunin ang posisyin nito sa kompanya nila at ako naman ay tatanggalin na bilang empleyado at isa sa may-ari ng restaurant namin. Dahil pareho naman naming ayaw mangyari ang mga sinasabi nila ay napilitan nalang kaming sumunod. Wala na kaming nagawa ng sila na mismo ang naghatid ng mga gamit namin papunta sa bahay ni Lucas sa D' Villas. Nandito kami ngayon sa kotse nya at sinundo nya ako sa restaurant namin dahil inutos daw ng Mommy nya na sunduin ako. Dahil may panakot nga ito sa amin ay palagi namin sinusunod ang mga sinadabi ng mga ito. No choice kami, ehh. "Nakakainggit naman pala kayo. Kayo alang ang binigyan ng ganitong village." Sabi ko habang nakatingin sa labas ng kotse nya habang nag-di-drive sya. "Sisihin nyo si Tita Luna." Sabi nito. Gulat naman akong napaharap sa kanya. "Ayoko nga." Mabilis kong sabi. Maya-maya pa ay nakarating na kami ng bahay nya. Pagdating namin doon ay agad nya akong inikot sa bahay niya at nang matapos ay dumiretso na kami ng kwarto ng isa't isa. Pero dahil mautak ang mga magulang namin ay iisang kwarto lang daw ang dapat naming gamitin. Natural ay labag parin sa loob namin iyon dahil gusto ko parin ng sariling privacy at mawawala iyon dahil may kasama na ako, hindi lang sa bahay, kung hindi sa kwarto din. "Ahm..." Naiilang kong sabi. "I-Ikaw muna." Sabi ko. Papasok kasi kami ng banyo at nagbibigayan kami kung sino ang mauuna. "Ikaw na. Doon nalang ako sa baba." Sabi nya. Napatango-tango nalang ako at pumasok na sa loob. Nang matapos akong maligo ay pumasok na din si Lucas habang nagpapatuyo din ng ulo nya. Pareho kaming napatingin sa isa't isa at parang pareho pa kaming nagulat. Nakasuot sya ng sandong puti at nakashort habang ako naman ay nakasando din na puti at nakashort din. Pero, maikli ang ako at yung sando na suot ko at manipis lang at kita din ang buong balikat ko dahil strap lang ang parang suporta nito. Pareho kaming nailang sa suot naming dalawa. Muhkang pareho naming nakalimutan na magkasama na nga pala kaming dalawa sa iisang bahay. Pareho kaming naging tahimik at halata talaga ang ilang namin sa isa't isa. Nakahiga na kami pareho at nananatili parin ang ilang sa buong paligid namin. Naisipan kong tumatilid para mawala ang tensyon at nagulat ako ng pagtagilid ko ay nakaharap na kami sa isa't isa. Sabay kaming tumagilid at humarap na kami sa kabilang gilid. Nakatalikod na kami sa isa't isa. ________________________________ Kinabukasan. . . Nang magising ako ay natutulog parin si Lucas. Nagulat pa ako ng makitang nakayakap na kami sa isa't isa at talagang mahigpit na mahigpit pa ang yakap ko sa kanya. Parang gusto ko na ding lumubog sa lupa dahil ang gulo-gulo na ng damit ko. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo dahil papasok pa ako. Nang makarating ako ng kusina ay nagluto ako ng agahan at nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ko ng may marinig akong yakap galing sa taas at pababa na at papalalit na sa kusina. Maya-maya pa ay dumating si Lucas at halatang bagong gising palang ito dahil sa anyo nito. Muhkang naamoy nya ang niluluto ko kaya agad syang bumaba ng hindi manlang niniisip kung anong itsura nya. Napaiwas ako ng tingin at nagpigil nalang ng tawa. Sya naman ay nakatingin parin sa mga niluto ko at parang hindi parin napapansin ang itsura nya. Napatingin sya sa akin at nagtaka kung bakit siguro ako nagpipigil ng tawa. "What are you laughing for?" Masungit nitong tanong. "Just look at the mirror." Natatawa ko nang sabi. Napakunot naman ang noo nito at inilabas nya ang phone nya. Nanlaki ang mata nito at biglang tumakbo paakyat. Ako naman ay tuluyan nang natawa. Nang bumalik sya ay maayos na ang magulo nyang buhok kanina. Muhka na din syang kagalang-galang hindi katulad kanina na parang hindi ko maintindihan kong ano ba ang itsura nya kanina. Basta, sobrang matatawa ka. "Let's eat." Sabi ko at naupo na. Naupo na din ito. - Lucas' POV - Hindi ako makatulog dahil hindi pa ako dinadapuan ng antok. Dahil muhkang natutulog na ang katabi ko ay dahan-dahan akong umalis ng kama at kinuha ang laptop ko para tignan kung may mensahe ba ang mga kaibigan ko. 'Dynasty's Third Generation' Elias: Congrats, bro!! Luke: How did it happen? Zeir: Akala ko ba wala syang girlfriend? Angelo: Are you kidding? Finlay: How? Chanel: Grabe kayo, ha? Pwede bang wag kayong OA? Kristen: Oo nga. Tyaka, wag kayong maingay dahil kailangan na naming matulog. Julian: Pwede na din ba akong ikasal? Pakisabi nga kay Tita kung pwede din ako hanapan? Ara: Ehh, kung magtrabaho ka kaya? Julian: I don't know to woo a girl Bigla akong inantok sa mga usapan nila kaya isinara ko na ang laptop ko at nahiga na ulit sa tabi ni Genny. Nagpaimbitoga ako sa babaeng to at muhkang hinding-hindi kami magkakasundo. Nang makahiga ako ay napahinga ako dahil sa sarap ng pakiramdam. Nanlaki ang mata ko nang gumalaw si Genny at yumakap sa akin. Hindi ako makagalaw at makahinga dahil ayokong magising ko sya. Maya-maya pa ay nakatulog na din ako. Bigla akong naalimpungatan at nang mapatingin ako sa bintana ay malapit na magliwanag. Napatingin nanaman ako sa babaeng katabi ko, na yakap parin ako ngayon. Walang pinagbago ang posisyon nya kagabi. Amg damit nya ay nakaluwa na ang nakikita ko na ng buo ang malaki nyang dibdib. Napalunok ako nag-iwas nalang ng tingin pero dahil nakita ko na iyon ay hindi na mawala sa isip ko, lalo na nakadikit din ito sa katawan ko ngayon. - Genny's POV - Akala ko ay magiging ok na kami simula ngayon, katulad kahapon, pero mali pala ako. Pareho kaming may sarili mundo mas gusto naming kung ano ang amin, ay amin lang. Nagsimula na kami mag-away ng mag-away ng walang dahilan. Nagsisigawan na din kaming dalawa at nagsisimula na ding akong mainis sa Lucas na yon. May party kaming pupuntahan at nag-aaway na agad kami sa kotse palang. Pagbaba namin ng kotse ay inirapan ko sya at agad akong pumasok sa loob. Pero hindi pa ako nakakapasok sa pintuan ng venue ng biglang may humihila sa akin. Nang tignan ko kung sino iyon, nakita ko si Lucas. "Mali ang daan mo, intrimitida." Sabi nito at iniwan na ako. Ako naman ay napabuntong hininga nalang dahil sa kasungitan ng asawa ko. Pag pasok namin ay agad kaming sinalubong ng triplets. "Ohh, nandito na ang bagong kasal." Sabi ng tao sa likod namin. Napairap naman ako sa hangin. "Ohh, ito na regalo ko." Sabi ko at ibinigay na ang regalo ko sa kanila at lumapit ako kila Lily. Pag-upo ko sa table nila ay agad nila akong binato ng mga tanong. "Kumusta na kayo ni Kuya?" Tanong agad ni Lily. "Well..." Hindi ko na natapos ng may magsalita ulit. "May nangyari na sa inyo?" Tanong naman ni Lyla. Umiling naman ako. Sila naman ay napasimangot. "Alam, maganda ka. Sexy. Sobrang ganda ng katawan mo. My gosh, gamitin mo naman." Sabi ni Ate Ara. "Anong ibig mong sabihin, Ate?" Naguguluhan kong sabi. "Akitin mo sya!" Sabay-sabay nilang sabi. Nagulat ako peo agad din naman akong nakabawi. Napatingin ako kay Lucas at masasabi kong healthy naman sya kaya kung aakitin ko sya ay madali lang. Napailing ako bigla dahil sa naisip ko. - To Be Continued - (Thu, November 11, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD