Chapter 14
- Lucas' POV -
Pagkabalik nya galing sa banyo ay agad ko syang pinaupo sa tabi ko at muli syang niyakap. Muhkang wala na talaga syang maisip na paraan para matakasan ako kaya yumakap nalang din sya sa akin. Kaming dalawa lang din kasi ang nasa sala.
"H-Hindi pa ba tayo susunod sa kanila?" Biglang tanong ng asawa ko. "Tayong dalawa lang kasi ang nandito, ehh." Sabi nya pa.
"Maya-maya na. Dito muna tayo." Sabi ko habang nakayakap parin sa kanya. Hindi na ito sumagot pa ulit at muhkang hinayaan nalang ako. Maya-maya pa ay naroon parin kami ng biglang may dumating. Pumasok ang mga ito at kami agad ang napansin.
"Oh, nandito pala kayong dalawa?" Tanong ni Elias sa akin.
"Sino sya?" Tanong ni Genny.
"I'm Elias." Sabi nito at kakamayan sana ang asawa ko pero tinitigan lang ni Genny ang kamay nya.
"May pagka-savage parin talaga tong si Genny." Natatawang sabi ni Jenny.
"Pumasok na kayo dito. At kayo? Kanina pa kayo wala, nandito lang pala kayo? Pumasok na din kayo." Sabi ni Ara at shempre mataray parin. Pumasok na silang lahat at sumabay na kaming dalawa ni Genny.
"Anong meron? Bakit ang daming tao dito?" Pabulong na tanong ni Genny.
"Birthday mo." Nakangiti kong sabi. Nakitaan naman sya ng gulat at pagtataka na ikinatawa ko.
"Birthday?" Tanong nya. "Ano yon?" Tanong nya pa na nagpatawa pa lalo sa akin.
"Ang cute mo talaga." Sabi ko at hinawakan ang pisnge. Sya naman ay nagtataka parin pero hinayaan nalang ako.
"Buti pumasok na kayo dito. Kanina pa kaya kayo nandoon sa loob ng sala." Sabi ni Sarah pero hindi ko nalang sya pinansin. Akmang lalampasan na sana namin sya ng bigla nyang hilahin si Genny sa akin at niyakap ang asawa ko. "I miss you, sis." Sabi nya habang yakap ang asawa ko.
"Ano ba, Sarah." Reklamo ko. Binigyan nya naman ako ng mataray na tingin.
"Ayy, may reklamo ka?" Mataray nyang tanong. Pinagtaasan nya pa ako ng kilay. Hindi nya ulit ako pinansin at tumingin ulit sa ate nya.
"Genny, hindi ka pa ba nagugutom?" Tanong ko at binawi na sya kay Sarah.
"Medyo." Sabi naman ng asawa ko kaya agad ko syang hinila papunta sa lamesang pumuno ng mga pagkain. Agad akong kumuha ng pagkain at ibinigay sa kanya. Agad din naman nya itong tinanggap at sabay kaming naupo sa malapit na bakanteng upuan na naroon.
"Kailangan nyo ba talagang maglandian sa harap ko?" Biglang sulpot ni Gemmy. "Kumusta na ang kakambal ko?" Tanong nya sa akin.
"Ayos naman sya. Wag kang mag-alala, aong bahala sa asawa ko." Pagpapalakas ko ng loob nya.
"Iyon nga, ehh. Wala pa sa sarili ang kambal ko, baka naman pagsamantalahan mo sya." Sabi nito.
"Grabe ka naman sa akin." Nagrereklamo kong sabi.
"Uhh,shut up." Mataray nitong sabi at umalis na at binigyan muna ng halik sa pisnge ang asawa ko. Agad ko namang pinunasan ang pisnge nyang hinalikan ng kapatid nya.
"Sya ba yung sinasabi mong kambal ko?" Tanong ni Genny. Agad naman akong tumango at nginitian sya.
"Kain ka na." Sabi ko pa at nginitian ulit sya. Maraming mga taodin ang lumalapit sa kanya pero ng iba ay hindi ko kilala. Siguro ang iba ay mga kakilala nya pero dahil nga may amnesia ay hindi nya matadaan ang mga ito. Hindi din ako umaalis sa tabi nya dahil alam kong hindi din ito makakatagal kasama ang ibang tao bukod sa akin.
________________________________
Lumipas ang mga araw at naging maayos na si Genny. Hindi parin nagbabalik ang ala-ala nya pero unti-unti naman naming pinapaalala ang mga bagay na dapat nyang maalala. Madalas na din ang pagsama nya sa ibang tao at magaling na din sya makisama.
Marami ding nagsasabi na wala parin daw pinagbago ang ugali ni Genny dahil mainipin at masyado parin daw itong tahimik. Ako naman ay sanay nang ganon ang asawa ko. Ayoko din kasi ng masyadong maingay kaya ayokong may nakadikit palagi sa akin.
"Lucas, nasaan na yung phone ko?" Tanong nya.
"Nandoon sa may table sa sala." Sagot ko. Nagluluto kasi ako ngayon dahil malapit na ang hapunan namin. Kakadating ko lang kasi sa trabaho at hindi parin kasi sya marunong magluto. Maya-maya pa ulit ay may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Shempre, alam ko na agad kung sino iyon.
"Lucas, hindi mo ba gustong magkababy?" Tanong nya habang may malungkot na tono at parang pagod na pagod din. "Alam mo, sila Kristen, ang sayanila tignan habang kinakausap nila yung anak nila sa tyan nya. Naapaisip tuloy ako kung paano nalang kung buntis din ako ngayon, magiging masaya din kaya tayo?" Sabi nito. Agad kong ihininto ang ginagawa ko at inayos na ang kakainan namin bago ako sumagot.
"Nagbuntis ka na dati." Mahina kong sabi bago humarap sa kanya.
"Talaga?" Natutuwang sabi nya. Agad naman akong tumango.
"Nawala lang sya nung naaksidente kayo." Sabi ko at pilit na ngumiti. Sya naman ay kikitaan mo ng awa sa muhka. Napahawak sya sa tyan nya at biglang napakunot ang noo at biglang sumama ang muhka at nagsimula nang dumuwal.
Agad ko syang inilapit sa lababo at doon sya dumuwal ng dumuwal pero wala naman syang inilalabas. Agad akong kumuha ng tubig at ipinainom sa kanya. Agad nya itong ininom at agad ko syang pinaupo sa malapit na upuan.
"May masakit ba sayo?" Tanong ko.
"Nahihilo lang ako." Sabi nya tapos uminom ulit ng tubig. Inayos ko na sa mesa ang mga pagkain namin at nilingon sya.
"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Agad syang tumango at agad kumain na parang gutom na gutom at parang hindi sya sumuka at nahihilo ngayon-ngayon lang.
"D-Dahan-dahan lang..." Mahina kong paalala. Inabot nya ang tubig kaya agad ko syang kinuhaann at agad nyang naubos ito. Bumalik ulit sya sa pagkain na parang gutom na gutom at hinintay ko muna syang matapos bago ako kumain.
________________________________
Lumipas ang mga oras ay nandito na kami sa kwarto at kakatapos lang naming maligo. Nauna akong maligo pero wala pa akong damit dahil tinatamad pa akong kumuha ng damit at magbihis. Maya-maya pa ay biglang lumabas ng banyo ang asawa ko ng nakatiwalya lang ay basa pa ang buhok.
Agad bumaba at naging madumi ang utak ko ng bumaba ang mga mata ko sa hita nyang basa parin hanggang ngayon. Tumayo ako ng kama at lumapit sa kanya at akmang yayakapin ko sya ng bigla nalang syang umiwas at binigyan ako ng tingin.
"Lucas, wag ngayon. Masakit ang bewang ko at ewan ko kung bakit." Agad nyang sabi at nagbihis na habang ako ay wala nang nagawa kung hindi ang magbihis nalang din. Nahiga na ako at tumabi sa kanya habang makikita sa muhka nya na may masakit talaga.
"Gusto mo bang ipatingin na natin yan bukas?" Tanong ko. Tumango naman sya at tahimik na yumakap sa akin. Hindi pa lumipas ang mahabang oras ay nakatulog na sya habang nakayakap sa akin. Napangiti ako at hinalikan sya sa noo. "I love you, good night." Sabi ko bago ako nahiga at nagpa-anod sa antok.
- To Be Continued -
(Thu, December 9, 2021)