Chapter 15
- Lucas' POV -
Nang magising kami kinabukasan ay naulit nanaman ang nangyari kagabi kay Genny. Parang gusto kong ilipat sa akin ang sakit at ako nalang ang makaramdam noon dahil halatang nahihirapan si Genny.
Maya-maya pa ay umalis kami ng bahay at pumunta na sa ospital dahil magpapahingin kami. Makalipas ang ilang minutong byahe namin ay agad kaming nakarating sa ospital at agad kaming pumunta sa doktor na madalas tumitingin sa amin.
"So, dok. Anong meron sa asawa ko?" Nag-aalala kong tanong sa doktor. Kakatapos lang ng laboratory test nya at nandito na ngayon ang resulta at hawak na ito ng doktor.
"Wala nang problema kay Genny. Actually, I want to congratulate you." Sabi nito habang malaking nakangiti. "Mrs. Sai is 2 months pregnant." Dagdag nya pa na lalong nagpatulala sa akin.
________________________________
Nakatulala parin ako hanggang ngayon at hindi ko din alam kung paano ako nakapagmaneho ng sasakyan kanina habang wala ako sa sarili ko kanina.
Papunta kami ngayon sa dynasty at hindi ko alam kung anong meron. Pagpasok namin doon ay naroon na talaga ang lahat at parang kami nalang ang huli.
"Lucas, what's happening?" Tanong ni Genny sa akin. Nilingon ko sya at nginitian.
"It's ok." Sabi ko at naghanap na kami ng mauupuan.
"Kayo? Ni Matias?" Tanong ni Elias. "Ehh, kulang na nga lang isumpa nyo ang isa't isa sa sobrang inis nyo sa isa't isa, ehh." Angal nito.
"So what? Hindi parin meaning non na hindi kami pwedeng magkagusto sa isa't isa." Sabat ni Matias.
"Matias, shut up." Sabat ni Sia.
"Ako nanaman?" Tanong naman ni Matias kay Sia.
"Yeah, tumahimik ka nalang." Sabi ni Sia at inirapan pa si Matias. Binigyan naman sya ng hindi makapaniwalang tingin ni Matias.
"What's happening?" Tanong ko sa kanila.
"Ayon, si Sia, buntis daw at nagbabalak daw silang magpakasal ni Matias." Sabi ni Zeir.
"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang tango lang ang ibinigay nito sa akin.
________________________________
Makalipas ang ilang minuto ay umuwi nalang kami ni Genny dahil baka ma-stress lang sya doon. Nang makarating kami ng bahay ay agad ko syang pinagpahinga habang ako ay nagluto ng tanghalian naming dalawa.
Maya-maya pa ay natapos na akong magluto at sakto namang bumaba si Genny galing sa itaas. Ngumiti sya sa akin ng napakatamis tapos lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit.
"Kain na tayo." Sabi ko ng magbitaw na sya sa yakap naming dalawa. Nakangiti parin syang tumango sakin at naupo na sa harap ko.
"Lucas, I love you."
Bigla akong napatulala sa hangin at parang huminto ang buong mundo ko. Nag-angat ako ng tingin kay Genny at napatulala sa kanya. Sya naman ay nakangiti lang sa akin na parang napakasaya nya.
"A-Ano yung sinabi mo?" Gulat ko paring tanong.
"Sabi ko." Nagpapacute pa nito sabi. "I love you. Hehe." Sabi nya pa at sinundan pa ng nakakatunaw na maliit na tawa. Wala sa sariling napangiti nalang ako at nagpatuloy na din sa pagkain.
"Gusto mo bang lumabas mamayang gabi?" Tanong ko sa kanya. Nakangiti nya naman akong nilingon at magkakasunod na tumango.
"Gusto ko." Ayon parin ang boses nyang parang bata.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Kahit saan." Sabi nya at nagpatuloy na ulit sa pagkain. Tumango-tango ko at nag-isip na agad ng plano kung anong gagawin ko ngayong gabi.
________________________________
Sumapit na ang alas-syete ng gabi at handa na kaming dalawa para sa date naming dalawa. Naisipan kong gawing simple pero memorable ang gabi naming dalawa. Nagdadasal din akong sana hindi nya mahalata ang kaba ko.
"Grabe. Feeling ko, ito ang first time na lalabas tayo." Sabi ni Genny habang nasa sasakyan kami habang hinihimas ang tyan nya at nakangiti.
"Actually, ito naman talaga ang first time." Nahihiya kong sabi at kinakabahang tumawa.
"Talaga?" Gulat nyang tanong.
"Oo nga." Nahihiya ko paring sabi. Natahimik naman sya hanggang dumating kami. Agad ko syang dinala sa loob at kinuha ang mga gamit namin.
"Hindi ko alam na may dala kang gamit?" Sabi nya sa akin. Napatingin naman ako sa mga gamit namin at napangiting nilingon sya.
"We're going to stay here for 5 days." Sabi ko.
"It's our date but it's like our honeymoon." Natatawang sabi ni Genny.
"Yeah. I think so too." Pumunta na kami sa receptionist at agad naman nilang ibinigay ang susi ng room namin. Sa pinakababa lang kami nagbook dahil ayokong pagodin ang asawa ko sa pag-akyat baba.
"Bakit dito tayo sa first floor?" Tanong nya ng makapasok kami sa loob ng kwarto namin.
"Gusto ko lang na dito tayo para hindi ka na mapagod kaka-akyat-baba." Sabi ko pa at pinaupo sya sa kama. Agad namab syang nahiga at napangiti. Dahil sa ngiti nyang napakasarap titigan ay kusa nalang akong napangiti.
"Nagustuhan mo ba yung kama natin?" Tanong ko pa.
"Yes." Nakangiti nyang sabi. Wala sa sariling napatingin ako sa tyan nya at kusa nalang akong lumapit sa kanya. "W-What are you doing?" Nauutal nitong tanong. Hindi ko naman sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglapit sa kanya.
Nang marating ko sya ay humarap ako sa kanya at hinawakan ang tyan nya. Pinatayo ko sya sa kinahihigaan nya at hinawakan ang tyan nya. Agad akong napangiti dahil parang sobrang laki na agad ng anak namin sa laki ng tyan nya.
"I can't wait to see you." Bulong ko sa tyan nya bago ko ito tinaniman ng maliit at malambing na halik. Pinahiga ko na ulit si Genny at saka ko na inayos ang mga gamit namin. Nang matapos ako ay natutulog na ang asawa ko kaya natulog na din ako.
Kinabukasan. . .
Maaga akong nagising dahil sa ingay galing sa paligid ko. Nang tignan ko kung ano iyon ay agad akong napatayo ng makita ang asawa kong sumusuka nanaman. Hinihimas ko an likod nya habang patuloy lang sya pagduwal na wala namang lumalabas.
Maya-maya pa ay nanghingi ito ng tulong tumayo dahil nanghihina pa sya. Agad ko syang pinaupo sa sofa na nandito din sa kwarto namin. Agad din akong kumuha ng tubig para ipainom sa kanya.
"Ok ka na?" Nag-aalala kong tanong. Agad naman syang tumango. Itinabi ko ang baso ng tubig at niyakap sya. Hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay nakatulog ulit sya. Dahan-dahan ko syang binuhat at pinahiga sa kama.
Ako naman ay lumabas ng kwarto para kumuha ng pagkain namin. Pagbalik ko sa kwarto namin ay natutulog parin sya. Sandali akong nag-ayos ng mga susuotin namin mamaya at makalipas pa ng ilang minuto ay nagising na ulit ang asawa ko.
Agad itong nagtanong kung may pagkain na ba at agad syang kumain ng makita nag pagkain na binili ko kanina. Hindi ko pa nagagalawa ang akin ng bigla nya itong kinuha sa akin at kinain din. Napangiwi naman ako at tinignan nalang ang pagkain kong kinakain na nya. Natawa nalang ako at tumayo para bumili ulit ng pagkain. Maya-maya ay sumunod sa akin si Genny.
"Bibilhan mo pa ako ulit?" Tanong nya sa akin. "Gutom pa ako." Nakanguso nya pang sabi. Nguiti ako at hinalikan sya sa noo.
"Bumalik ka muna sa kwarto namin. Dadadlhin ko nalang doon yung food mo." Sabi ko na agad din naman syang sinunod. Makalipas ang ilang minuto ay naluto na ang mga pagkaing binili ko kaya agad akong bumalik sa kwarto namin.
Agad nya itong kinuha sa akin at agad itong nilamtakan. Ako naman ay kinain ang sa akin. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa labas ng kwarto namin. Pinagbihis ko sya saglit pagkatapos ay agad kaming pumunta sa tourist attractions dito sa Batangas.
Nandito nga pala kami sa Batangas. Matagal ko na kasing gustong pumunta dito. Mas masaya din ngayon dahil kasama ko ang asawa ko. Nang lumipas ang ilang minuto ay narito na kami sa best view para makita ang Mayon Volcano.
"Ang ganda..." Namamanghang sabi nya. Ako naman ay napangiti.
"Ang ganda nga." Wala sa sarili kong sabi habang nakatingin parin sa kanya.
"Napakaganda talaga." Sabi nya habang pinapalibot parin ang tingin sa buong paligid namin.
- To Be Continued -
(Tue, December 14, 2021)