Chapter 16
- Lucas' POV -
Sa dami nang pinuntahan namin, tanging 'ANG GANDA' lang ang narinig kong sinasabi ng asawa ko. Masyado din syang malikot kahit na medyo malaki na ang tyan nya. Malapit na maggabi ngayon at hinihintay ko na ang pinagawa kong 'SPECIAL' dinner para sa amin.
Bumalik na kami sa kwarto namin at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay agad ko syang dinala sa paggaganapan ng dinner naming dalawa. Akala nya ay mag-di-dinner lang kami sa labas pero hindi nya alam na may surprise pa ako sa kanya.
Dahan-dahan lang kaming naglakad habang dinadama ang simoy ng hangin hanggang sa marating na namin ang lokasyon ng dinner namin. Agad napakunot ang noo nya at nilingon ako. Ngumiti ako sa kanya bago sya lumingon ulit sa harap nya.
"Lucas, what is this?" Tanong nya sa akin. Mahina akong natawa at hinila ang upuan na nasa harap ko.
"Ahm... Let's say... It's a date?" Pilyo kong sabi tapos naupo na din. Ngumiti ako ulit habang sya ay pinalibot ang mga mata sa kapaligiran namin. Para kaming nasa isang pelikula ngayon.
May isang table doon na may dalawang upuan na magkatapat. Ang paligid ay puno ng mga bulaklak at mga kandilang mababango. Hindi lang din kandila ang nagsisilbi naming liwanag, naroon din ang liwanag ng buwan at kitang-kita parin namin dito ang bulkang mayon.
"You're so sweet." Sabi nya sa akin at binigyan ako ng ngiting napakasarap titigan.
"You're welcome." Nakangiti kong sabi.
"Kelan mo pa to plinano?" Tanong nya pa.
"Hmm. Kanina lang, nung nandoon tayo, nag-iikot." Nakangiti kong sagot. Bahagya naman syang natawa at napatango-tango.
"Napakaganda dito sa Batangas. Parang gusto kong dito nalang." Sabi nya habang nakatingin sa bulkang mayon.
"Oo nga. Pwede naman tayong pumunta dito anytime kung gusto mo." Sabi ko. Nilingon nya ako at binigyan pa ako ng ngiting nagniningning sa mga kandilang nakapaligid sa amin.
"I'm so glad na ikaw ang naging asawa ko." Bigla nyang sabi. Parang may kakaiba akong naramdaman at kusa nalang gumalaw ang kamay ko at hinawakan ang kanya. Tinignan ko sya sa mata nya mismo at binigyan ng maliit at malambing na halik ang likod ng palad nya.
"I love you." Sabi ko pagkatapos ay ngumiti.
"I love you more." Sabi nya at nginitian din ako. Dumating na ang pagkain naming dalawa kaya agad ko syang binitawan at agad din namang umalis ang waitress at agad akong ngumiti sa asawa ko.
"Sana magustuhan mo yung pagkaing in-order ko para sayo." Sabi ko habang nakangiti parin. Nakangiti naman syang tumango sa akin. Nagsimula na kaming kumain at nagpatuloy lang kami sa pag-ku-kwentuhan.
Maya-maya pa ay biglang naging tahimik si Genny na ipinagtaka ko. Kanina ay napakasigla nito pero bigla itong naging tahimik. Nag-aalala na ako na baka ayaw nya ng pagkain kaya napagdesisyonan ko nang magsalita.
"Genny, may problema ba?" Nag-aalala kong tanong. Doon ko na napansin ang pamumula nya. "Anong nangyari sayo?" Tanong ko at napatayo na sa upuan ko para lapitan sya.
"H-Hindi ko alam." Mahihinarapan nitong sagot. "H-H-Hindi ako makahinga." Sabi nya tapos napahawak na sa leeg nya. Nagsimula na din akong mataranta at tumawag na din ako ng ambulasya.
Maya-maya pa ay nawalan na ng malay ang asawa ko kaya agad na syang isisnugod sa ospital. Hindi ko parin alam kung anong nakain nya at bigla nalang syang naging ganito. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa ospital at agad nilang tinignan ang asawa ko.
Habang busy silang lahat ay naroon lang ako sa labas at naghihintay ng resulta. Maya-maya pa ay lumabas na sila at ililipat na daw ng kwarto ang asawa ko. Agad ding lumapit ang doktor sa akin at saka ako kinausap.
"Dok, ano pong nangyari sa asawa ko?" Tanong ko kaagad,
"Mr. Sai, hindi naman po masyadong malala ang lagay ni Mrs. Sai. Mabuti po at naisugod po sya sa ospital at naagapan kaagad ang allergies nya. Hindi nyo po ba alam na may allergies sya sa sea foods?" Tanong nito. Napailing naman ako at napabuntong-hininga. Nagpaalam na itong aalis na kaya naiwan na akong mag-isa doon.
Agad akong pumunta sa kwartong pinagdalahan kay Genny. May nurse pa doon na muhkang paalis na din at kakatapos lang ding i-check ang lagay ng asawa ko. Sinabihan nya akong pwede na daw makalabas si Genny bukas kapag nagising na ito.
Umalis na din sya kaya naiwan nalang akong mag-isa dito na ang kasama lang ang asawa kong natutulog parin hanggang ngayon. Sandali ko syang tinitigan at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa malapit na receptionist at ipinaalam na aalis muna ako at bantayan ang asawa ko sandali.
Agad akong bumalik sa hotel at agad nila akong sinalubong ng pahingi ng kapatawan. Sinabi ko sa kanilang wala naman silang kasalanan dahil ako ang namili ng pagkain at kasalanan ko din dahil hindi ko alam na allergic pala sa sea foods ang asawa ko.
Agad ko ding sinabi sa kanila na uuwi na kami bukas at wala na silang dapat ipag-alala. Nang maakyat na ako sa kwarto namin ay niligpit ko na ang mga gamit namin at balak ko na itong dalhin kasama ko. Paglabas ko ay nag-check-out ako at bumalik na ng ospital.
Pagkabalik ko ay gising na ang asawa ko. Naroon pa ang mga doktor kaya muhkang kagigising lang nito. Lahat sila ay napatingin sa akin maliban lang sa asawa kong nakatingin sa kawalan. Agad sinabi sa akin ng doktor kung ano na ang lagay nya.
Maayos naman na daw ito pero hindi daw ito nagsasalita. Nagpaalam na silang aalis at sinabi din nilang pwede na syang makalabas bukas. Naiwan naman kaming dalawa ng asawa ko sa loob ng kwarto habang napakatahimik parin nya.
Naupo ako sa tabi ng kama nya at akmang hahalikan sya ng bigla nya akong tignan ng may pagtataka at parang naiinis. Agad tuloy akong umatras sa paghalik ko sa kanya at nagtaka kung bakit bigla nalang syang naging ganon.
"Anong problema?" Nagtataka kong tanong.
"Wala." Sabi nito at nag-iwas nanaman ng tingin sa akin at tumingin nanaman sa kawalan. Natahimik nanaman ang buong paligid namin. Tumayo ako para bumili ng pagkain dahil nagutom ako dahil sa mga nangyari.
Pagbalik ko sa kwarto ay hinihimas ni Genny ang tyan nya. Para din nya itong kinakausap sa pamamagitan ng tingin nya dito. Napunta naman sa akin ang tingin nya ng makita nya akong pumasok ng kwarto.
"Gusto mong kumain?" Tanong ko pagkatapos kong maupo sa tabi nya. Umiling lang sya at nag-iwas na ulit ng tingin. "Bakit ba sobrang tahimik mo?"
"Naaalala na kita." Sabi nya na ikinatahimik at ikinagulat ko. Agad ko syang hinarap at parang maluluha nang humarap sa kanya.
"Talaga?" Tanong ko sa kanya at akmang yayakapin na sya ng bigla nya akong pigilan.
"Lucas, baka nakakalimutan mong ako ang sinisi mo sa pagkalason mo." Puno ng pait nyang sabi. "Lucas, mahal kita. Pero hindi ako marunong tumanggap ng pangbibintang, lalo na't ikaw ang may gawa non." Sabi nya at nag-iwas ulit ng tingin sa akin.
Ako naman ay napatahimik nalang sa kinauupuan ko at wala nang nagawa kung hindi ang magpatuloy nalang sa pagkain. Nang matapos ako ay sandali akong lumabas para bumili ng tubig. Pagbalik ko sa kwarto ay natutulog na ang asawa ko.
Ako naman ay isinara ang pinto at nahiga na sa kalapit na sofa ng kama nya. Nang tignan ko ang oras ay alas-nuebe na din pala ng gabi kaya pala medyo inaantok na ako. Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na din ako.
Kinabukasan ay agad kaming umuwi ni Genny at naging tahimik kami sa buong byahe. Ang mahabang byahe namin ay parang mas humaba pa dahil sa tensyon na nasa paligid namin dalawa hanggang sa makauwi kamisa bahay.
Hindi na sya nagsalita at agad nya akong iniwan sa parking namin at mabilis na pumasok ng bahay ng walang pasabi. Hindi man lang nagpaalam sa akin o nagsabing papasok na sya. Pagdating ko sa kwarto ay nakahiga na sya sa kama at hawak ang tyan nya.
"Ayos ka lang?" Tanong ko. Tumango lang sya.
"Medyo sumakit lang." Sabi nya habang lumalapit ako sa kanya.
"Ipahinga mo nalang." Sabi ko at hinawakan ang tyan nya at dahan-dahan iyong hinimas. Pagkatapos ay ibinalik ko ang mga gamit namin sa mga dapat nitong kalagyan bago ako nagbihis at nahiga sa tabi ng asawa ko.
Ngayon ko lang napagtantong kailangan nya din palang magpalit kaya dahan-dahan akong tumayo at kumuha ng damit pampalit nya. Tapos dahan-dahan akong lumapit at akmang hahawakan ko na ang damit nya ng bigla syang magsalita.
"Anong gagawin mo?" Tanong nya.
"Papalitan lang kita ng damit." Sabi ko at ipinakita ang damit na kinuha pero agad nya itong kinuha sabay sabingー
"Ako na." Sabi nya tapos tumayo na at sya na ang nagbihis mag-isa. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas din sya habang ako ay nakahiga na sa kama.
"Bagay sayo." Komento ko.
"Tsk." Singhal nya at umirap pa sa hangin. Nahiga na sya sa tabi ko at inagaw ang ibang bahagi ng kumot. Napangiti naman ako at hinalikan ang ulo nya.
"I love you, too." Sabi ko at umayos na ng higa sa tabi nya. Maya-maya pa ay nakatulog na din ako.
- To Be Continued -
(Thu, December 16, 2021)