Synopsis

208 Words
Nakatuon lang ang atensyon ni Gabriel sa kaniyang dalawang anak sa namayapa niyang asawa na si Allysa Henderson-Moore. Ngunit isang araw ay nakilala niya si Areana De Villa isang sikat na Fashion Designer sa New York ay muling binuksan ng babae ang kaniyang natutulog na puso na para lang sa namayapang asawa. Hindi alam ni Gabriel kung paano ligawan si Areana, kung paano niya ito paamuhin muli dahil sa subrang kamalditahan nito ay hindi n'ya alam kung paano nya ito suyuin na hindi maiba ang kaisipan ng babae. Ang turing niya kay Areana ay parang mamahaling babasagin na kailangan maingat niyang hawakan o patutunguhan na hindi ito masasaktan. Napaka-sensitive ni Areana at kailangan maingat si Gabriel sa mga kinikilos niya o pananalita. Ayaw niyang masaktan ang damdamin ni Areana dahil wala itong maalala mayroon itong Amnesia. Ngunit kahit anong gawing pag-iingat ni Gabriel ay nasaktan niya pa rin ang damdamin ng babae lalo na at unti-unti na itong makaalala. Ipagpatuloy kaya ni Gabriel ang pagmamahal sa babae gayong nasaktan niya na ang kalooban nito o lalayo na lang siya para hindi niya makitang lumuluha ito? Siya na naman kasi ang naging dahilan ng lahat ng pasakit na nararamdaman ng babae. Paano niya ito haharapin na hindi ito masaktan at lumuha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD