Chapter 7

1683 Words
ALMIRA Inalis ko ang headset ko sa lakas ng tili ni Jessy. "Talaga? Niyakap ka n'ya? Tapos tinawag ka pang girlfriend?" tili ni Jessy habang nagvi-video chat kami. Hindi pa kasi ako inaantok kaya nakipagchika na muna ako sa kanya. Nasa baguio pa kasi siya and hindi pa daw siya makakapasok bukas. Hay naku naman! Nabo-bored na ako sa school wala akong kachika. Nand'yan naman nga si Tori, pero mas feel ko parin kausapin ang bestfriend ko. "Sabi ko na sa 'yo, may gusto siya sayo eh." pahabol niya. I rolled my eyes. "Tsss, wala noh! It's just one of his plan para mabullied ako ng mga fangirl niya at ng mga girlfriend niya! At ayon pa kay Tori, kaya daw ginawa 'yon ni Evan sa akin, dahil baka daw pinahiya ko ang mokong na 'yon." "Hmmm... siguro girl, 'yong pagsuntok mo sa kanya kahapon o kaya naman 'yong tinawanan natin siya classroom." "I think so... pero kung inaakala niya na magpapatalo na lang ako sa kanya, at mga mukhang sadako niyang girlfriends. Hell! Hindi noh!" "Yeah right girl! Kung nandoon lang siguro ako, nasabunutan ko ang babae na 'yon " sabi ni Jessy saka tumawa. "Eh, kung magkaganoon baka nahalata ka." Tinutukoy ko ang pagiging beki niya. Tumawa uli si Jessy. "'Yon na nga eh. Buti na lang talaga wala ako doon. Kasi baka hindi ko mapigilan sarili ko sa babaeng 'yon... Argghhh! bigla tuloy akong nanggigil sa kanya." Napatawa na lang ako sa kanya. And after some minutes, ay nagpaalam na siya kasi inaantok na daw siya. Ako naman pumunta ako terrace ng room ko at tumingala sa kalawakan na punong-puno ng stars. Napahinga ako ng malalim. Ang gaganda nila... walang tao sa mundo, na hindi nagagandahan ang liwanag ng mga stars. "A penny for your thought, my darling?" tanong ni Mommy at saka lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang balikat ko. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Nilingon ko siya at nginitian. "Hindi pa po ako inaantok eh..." sagot ko saka muling tumingala sa langit. "Are you searching for a heart shape constellation?" tanong niya, at saka tumawa ng mahina. Napatingin ako kay mommy na nakatingala din. Heart shape constelation. Lagi niyang sinasabi sa'kin ang constelation na 'yon, kahit noong bata pa ako. Na kapag nakita mo daw ang heart shape constelation na 'yon, kung sino ang kasama mo, siya daw ang magiging special sa buhay mo. 'Yon daw ang sabi sa kanya ni Daddy. But unfortunately, hindi nila nakita 'yon nang magkasama silang naghahanap. Ang paniniwala na iyon ay parang sunset lang na kung sino ang kasama mo manood ng paglubog ng araw, siya din daw makakasama mo hanggang sa sunset ninyong dalawa. But this heart shape constelation? It's wierd, but I am really curious about this thing. "Hindi naman po siguro 'yon totoo... Kalokohan lang 'yon ni Daddy." I said. Umiling si Mommy. "No... It's real, kahit hindi ko 'yon nakita alam kong totoo 'yon." Siguro shooting star maniniwala pa ako na nakikita ko 'yon. Pero ang heart shape? I don't even think na kaya ko 'yon mahanap. Ang dami kayang stars! Ang hirap bumuo ng constellation, lalo na kung heart shape pa. Well like my mom said... makikita ko lang daw 'yon, kapag kasama ko na ang special na tao, sa buhay ko. Tss... wala na palang pag-asang makita ko ang bagay na 'yon, dahil never akong nangarap na magkaroon ng boyfriend. ******** Napabalikwas ako ng bango nang marinig ko ang tunog ng alarm clock. Nang tingnan ko ang oras ay nanlaki ang mga mata ko. "Syete!! Late na ako!" At dahil nabigla ako bigla kong natapon 'yong alarm dahilan para mabasag ito. "OMG!" kukunin ko na sana para ayusin but I change my mind. "Hmf! Mamaya na nga lang, late na ako!" Eh paano ba naman hindi ako malalate, eh halos 12:00 na ako natulog kagabi. Tinapos ko pa kasi 'yong dalawang episode ng k-drama. Ewan ko ba! kahit parang wala man lang akong nararamdaman kilig, sa katawan ko pag dating sa mga lalaking nagkakagusto sa akin, pero pag sa k-drama ang lakas makahatak ng kilig sa akin. "Oh? Almira? Hindi ka na ba magaalmusal?" tanong ni Mommy. "Hindi na po Mom. Late na kasi ako." nagmamadaling sabi ko at saka nag-kiss na lang ako sa cheek niya. At pumunta na ako sa parking lot kung saan naghihintay si Manong. "Manong, pakibilisan lang po, late na kasi ako." Halos lumipad ang kotse sa bilis. Buti na lang at alam ng driver ko ang daan kung saan walang masyadong traffic. Pagkaparada ng kotse bumaba agad ako at agad akong tumakbo papunta sa room.. May kalayuan pa naman 'yon mula sa parking lot. Kung pwede nga lang lumipad ginawa ko na. Lumiko ako sa isang building. Taena! Malapit na ako sa classroom. Sana hindi ako atakihin ng asthma sa kakatakbo ko. Nang biglang may nakabungguan ako. Nagliparan ang ang mga gamit ko. Syete! Kung kelan nagmamadali saka naman may nakabunguan pa. At ang masaklap ay bumagsak ako sa ibabaw niya. And worst than worst ay nahalikan ko ang labi niya! My eyes grew wider nang tingnan ko kung sino ang nakabanggaan ko. He is... He is... He is... Evan Fernandez! And we kissed again! Nagkatitigan kami sa isa't isa. Bakit of all the people in this school ay siya pa nakabunggoan ko. Hindi makapagloading ng maayos ang utak ko. "Atat ka talaga sa lips ko noh?" sabi ni Evan. Doon lang ako biglang natauhan at kumawala sa kanya. Dali-dali kong kinuha 'yong mga gamit ko, na nagkalat at tumakbo na papuntang room. Bakit.... Bakit parang...ang bilis ng t***k ng puso? Yes tumakbo ako pero... hindi ganito ka unsual ang t***k ng puso ko. ******* EVAN Kinuha ko ang notebook na naiwan sa kotse ko, hindi ko mapigilan matawa nang mahina. Nakakatawa ang babaeng 'yon. Gulat na gulat siya kanina nang aksidenteng naglapat ang labi namin sa isat-isa. Pero kanina nang kinuha ni Almira ang mga gamit niya, na nag nagkalat sa hallway, ay nahagip ng mata ko ang isang bagay sa bag niya. May evil plan agad na pumasok sa isip ko, kaya naman dali-dali akong pumunta sa room. Nang pumasok ako sa room. Nakaupo na siya sa upuan niya, at nagsusulat na para bang walang nangyari, habang si Mr. Gomez naman naghahalungkat sa mga bag ng girls... para tingnan kung may makeup kit. "Mr. Gomez," taas ko ng kamay, para makuha ko ang atensyon ng teacher namin. "Yes?" "Why don't you look at the back of thier bag. Malay mo may secret pocket sila." sabi ko, napatingin bigla sa 'kin si Almira na talaga naman nagulat. Nginitian ko lang siya ng nakakaloko, at saka kinindatan pa siya. Nakita kong bigla siyang kinabahan sa sinabi ko. Sakto! Si Almira na ang susunod na titingnan niya ng bag. Yukong-yuko naman ang mokong, dahil talaga mahuhuli siya na meron siyang secret pocket. "Ok? What is this?" sabi ni Mr. Gomez nang makita ang makeup ni Almira na nasa secret pocket niya. Hindi nagsalita si Almira. Nakayuko lamang siya. Alam kong namumula na siya sa hiya. "'Di ba sinabi ko na sainyo na wala dapat akong makitang make-up sa bag niyo? Its just a simple rule Ms. Schalante, is it a difficult?" sabi ni Mr. Gomez. Feel ko hiyang-hiya si Almira, dahil nakuha ang make-up niya. "No, Sir." she said. "I will not give it to you anymore." "W-What?" bigla niyang tanong. "Why?? Is there any problem, Ms. Schalante?" "Ah-ahm... n-nothing." sabi niya saka muling yumuko. Nagtawanan ng mahina nina Kris at Darren. Nakipag-apir pa sa akin ang dalawa. Nang pumunta sa unahan si Mr. Gomez, ay galit na nilingon ako ni Almira. "Iniinis mo ba talaga ako? alam mo pakealamero ka din 'no?!" "Why? Did I do something wrong?" painosente kong tanong sa kanya. "Don't play like an innocent! Alam kong sinadya mo na sabihin kay Mr. Gomez, ang tungkol sa secret pocket, dahil ako na ang susunod na titingnan niya ng bag!" low voice lang ang pagsasalita niya pero madiin ang bawat salitang binibitawan niya, na talaga naman galit na galit na. Kumibit-balikat ako. "Well... I just have an idea na baka meron secret pocket ang mga bag niyo. And unfortunately, isa ka pala sa merong ganoon." "Don't make me fool! You! stupid, jerk!" this time talagang napalakas na ang boses niya. "MS. SCHALANTE! GET OUT NOW!" gigil na sigaw sa kanya ni Mr. Gomez. Yukong-yuko na lumabas siya sa room. ********* ALMIRA "Bwisit na lalaking 'yon! Nakakainis siya!" inis na sabi ko, at saka pumunta sa openfield. Eh eto nga napalayas ako sa classroom, dahil sa lalaki na 'yon. "Bwisit!" "Mukhang inis na inis ka sa 'kin ah?" narinig kong sabi mula sa likuran ko, saka tumawa nang malakas.. Napalingon ako. Ang mokong! "Tss... get lost!" sabi ko kanya. Wait! Bakit pala nandito siya? "Ba't ka nandito? Pati ba naman dito aasarin mo pa ako?" "Nope! Napalayas din ako sa room dahil sa 'yo." Nakangiting sabi niya. Ang saya niya pa na napaalis siya ah? Pero ba't ang cute niya pagnakangiti? T-teka ano ba 'tong sinasabi ko. Wait! Kelan pa naging malandi ang isip ko? "Hi babe..." lumapit ang babae sa kanya at saka hinalikan siya sa lips. Hindi naman nagdalawang isip si Evan na tumugon. Hinawakan niya ang mukha ng babae Napaawang naman ang bibig ko sa gulat. Mga walaghiya! Dito pa talaga sa harap ko naglaplapan ang dalawa? "Oh, Who is she babe?" turo ng babae sa 'kin. Ni-head to toe ako ng babae. "She?" lumapit siya sa 'kin at hinapit ako sa bewang. Pumalag ako pero sobrang lakas niya talaga. Isang malawak na ngiti ang pinakawalan niya sa babae. "She is my girlfriend." Pareho kaming napasinghap ng babae. "What?!" sabay namin sabi. Agad ko s'yang tinulak. "Yes! You heard it right?" at saka kinindatan pa ako. "How dare you Evan!" 'Yon na lang ang nasabi ng babae at maluluha- luha naman na umalis. "Nangiinis kaba talaga?" galit na sabi ko kay Evan. He smirked. "Yup! gumaganda ka kasi lalo kapag nagagalit ka." Akma niya sanang aayusin ang strand ng buhok ko, pero marahas kong tinapik ang braso niya. "I think you're crazy." irap ko sa kanya saka tinalikuran ko na siya para umalis. Girlfriend what the f*ck, girlfriend niya mukha niya. Kala niya madali akong makuha tulad ng babae niya. Hell no! ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD