ALMIRA
Lunch Time. Pumunta kami ni Tori sa cafe para maglunch. Napaka-elegante ng cafeteria ng Eislerville Academy. Ang ganda ng ambiance, at sobrang instragramable ng dating, ang bawat sulok nito.
"So 'yon ang gustong ipalabas ng Evan na 'yon?" tanong ko matapos kong marinig ang sinabi ni Tori.
"Oo... kaya pinapalabas ni Evan na ikaw ang nanghalik mismo sa kanya, hindi lang dahil gusto ka niyang inisin. It's because, he wanted you to get bullied, with his other girlfriends."
Tumaas ang kilay ko.
"Girlfriends?? As in with S? Ilan ba ang girlfriends, niya?" kunot-noong tanong ko.
"I don't know... pero marami sila. At saka 'yong pagyakap sa 'yo ni Evan kanina. I know may nakatingin na girlfriend n'ya sa eksena niyo kanina. Kaya naman... OMG! Ayan na siguro sila." Turo niya sa likuran ko.
Napalingon ako sa likuran ko.
Tatlo silang babae. At 'yong nasa gitna... Parang kamukha siya ni Sadako. Actually, silang tatlo ang kamukha ni Sadako sa dami ng foundation, at ang kapal ng pagkakalipstick nila.
"So? You are Almira Schalante, right?" taray ng babae na nasa gitna. At nakapamewang pa. Ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa lamesa, para tingnan ako ng mabuti.
"Yes I am... am I know you?" kalmado kong sagot saka lumabi.
"You should know me, and you should know us." may diit ang bawat salita niya. "Ako lang naman ang girlfriend ni Evan. At kung lalandiin mo siya, 'wag kayong masyadong pa-expose sa public ok?" tsaka pinakita 'yong I-phone niya na may picture namin ni Evan.
Eto! Eto 'yong scene kanina. 'Yong niyakap niya ako.
Pero mas lalo pa akong nabigla nung pagscroll ng babae, tumambad 'yong kahapon!
'Yong kahapon na hinalikan niya ako!
"Remember! Don't dare to flirt Evan again, kasi...." kinuha niya ang juice na iniinom ng kasama niya, at nabigla ako sa sumunod na nangyari...
Dahan-dahan niyang binuhos ang juice sa ulo ko.
Narinig kong napasinghap si Tori, habang ang dalawang kasama ng babae ay natawa sa ginawa niya.
"Hindi lang 'yan ang mapapala mo." she smirked. "And! warning pa lang 'yan."
Pero imbis na magpatalo, at matakot sa ginawa nila, ay tumayo ako.
"If you really think, that I'm flirting with your boyfriend, you're wrong!" I emphasized the word 'boyfriend' on her. "Dahil s'ya mismo ang nakikipaglandian sa 'kin, Ok? At tsaka..."
"T-teka..." pigil sana ni Tori, pero hindi na niya ako napigilan sa ginawa ko.
Kinuha ko din ang juice ni Tori at binuhos sa kanya, pati na rin ang lunch box namin, binuhus ko din sa kanya ang laman. So nagkalat ang spaghetti, at ang dala ni Tori na Caldereta, at kanin sa ulo at damit niya..
Napasinghap sila. Pati na rin ang mga estudyanteng nagkukumpulan, para makiusyoso sa kasalukuyan nagaganap sa paligid.
"Alamin mo muna kung sino ang kinakalaban mo!" mataray na sabi ko sa kanya.
Kinuha ko na ang gamit ko, at umalis na. Sumunod naman si Tori, na halatang nasiyahan sa eksena.
"Oh wait!" pahabol ko pang sabi sa kanila.. "Ang ganda ng itsura mo. Bagay sayo, but you look like a human trash."
I love this scene... kelan ba ako huling nagkaroon ng kaaway?
Iniwan namin ang tatlo na nakatulala, at halos hindi makapaniwala sa nangyari.
"Astig! Alam mo sa lahat na kinalaban ni Mildred, ikaw lang ang nagpahiya sa kanya, as in ikaw lang talaga Almira!" bilib na sabi ni Tori.
"Well, They should know who I am. Before making their wrong move." I said.
Baka nakakalimutan nila. Daddy ko ang dean ng school na ito. Kaya naman kaya ko din mag- expel ng students kung talagang gugustuhin ko.
*****
EVAN
"Ba't nandyan ka pa? Akala ko ba pupunta tayo ng Gym? Nauna na 'don si Kris." sabi ni Darren sabay tapik sa balikat ko.
Hindi ko siya pinansin, deritso lang ang tingin ko.
I chuckled a little bit dahil sa nakikita ko.
"Later. I'm enjoying this scene now."
"Anong tinitingnan mo d'yan?" tanong ni Darren at saka sinundan ng tingin ang tinitingnan ko. "Oyyy... si Mildred 'yon 'diba? At saka si Almira. What the! Don't tell me..."
"Manood ka nalang." I smirked.
Nasa bench si Almira, nang lumapit si Mildred. Siyempre naman kahit malayo ang agwat namin sa kanila, alam kong ako ang pinaguusapan nila.
"For sure ikaw ang pinaguusapan nila. Obsessed sa 'yo 'yang girlfriend mong si Mildred eh." sabi ni Darren saka tumawa.
"Correction! Obsessed ex-girlfriend."
"What?! Kelan pa?"
"One week ago."
"Pero bakit parang pinapalabas pa rin ni Mildred, na girlfriend mo pa rin siya?" kunot-noong tanong niya.
"Obsessed nga kasi." I chuckled.
"Woah!" nasabi ni Darren. Binuhusan kasi ng juice si Almira, hindi na ako nabigla sa eksena na 'yon. Ganoon si Mildred eh. Talagang bibigyan ng paunang parusa, ang sinumang nakita niyang may nakikipaglandian sa akin.
'Yong kaninang umaga... sinadya ko 'yon, sinadya kong yakapin si Almira, dahil nakatingin ang isang kaibigan ni Mildred sa akin, at ginawa ko 'yon, para lalong mainis si Mildred sa kanya. Halata kasing inis na si Mildred sa kanya, lalo pa't nakita niyang hinalikan ko si Almira kahapon. Hindi na bago sa 'kin, ang awayin ni Mildred ang lahat na babae, na nakapaligid sa'kin.
Obsessed nga kasi 'di ba??
"Woah!" mas lalong lumakas ang boses ni Darren, at napaawang naman ang bibig ko sa pagkamangha. Lahat ng students na nakatingin din sa eksena nila, ay napanganga dahil sa ginawa ni Almira.
Binuhusan lang din naman niya ng juice si Mildred, at isa pa pati 'yong lunch box nila, na may laman, tinapon din sa ulo ni Mildred, na talaga namang kinabigla nito.
"Matapang pare... matapang." bilib na sabi ni Darre, saka tinapik ako sa balikat. Napangisi ako.
Well, sa mukha palang ni Almira, talagang masasabi ko na, she is not a loser..
"Her attitude is just like your-"
"Drop it! 'Di ba sabi ko sa 'yo ayoko ko na marinig ang pangalan niya?!" medyo inis na sabad ko sa kanya.
"Ah-ahm... pasensya."
Tumalikod na ako, saka naglakad papunta sa school gym, sumunod naman si Darren na nagkakamot sa ulo.
Yeah! Sa una palang na nakita ko si Almira... Noong sinuntok niya ako.
She reminds me of her...
But at the same time, galit ang nabuo sa kalooban ko.
*********
ALMIRA
"Almira Schalante, pinapatawag ka sa guidance council." sabi ng teacher namin. Tae! Mukhang alam na kung bakit.
Dahil sa babaeng 'yon. At siya pa talaga may ganang magsumbong? Huh! Wierd niya na din noh?
Loser na nga, sipsip pa!
Tinahak ko ang daan papuntang guidance council office.
And as expected nandoon nga si Mildred. Nilingon ko siya. Bigla na lang ako natawa sa itsura niya.
"Woah! Is it one of your fashion for today? Or a props?" Nakakatawa siya. Ilang minuto ng nakalipas ang lunch break namin, kung saan binuhusan niya ako ng juice pero eto parin siya, hindi pa rin nagbibihis at isa pa nasa buhok niya pa rin ang nagkalat na kanin, at saka caldereta na tinapon ko sa kanya..
The hell! Ako nga nakabihis na. Lagi kasi akong may dalang extra uniform, in case of emergency you know! Just like kanina.
"No! Because it's a proof!" tumingin siya sa dalawang disciplinarian na nandoon. "See? She looks so fine ako ang naagrabyado dito."
Napatingin ako sa kanila. Tatlo ang nandoon sa unahan namin. Dalawang disciplinarian, a-at si Daddy.
Yes... he is Mr. Philip Chrisford ang dean ng school ns ito.
"Is it true Ms. Schalante?" tanong ni Daddy sa'kin.
Hindi ako nakapagsalita kaagad. Parang biglang umurong ang dila ko, habang nakatingin kay Dad. Huling beses ko s'yang makita ng personal ay last year pa.
Noong umuwi ako ng Pilipinas, at tinanaw ko siya sa bahay niya mula sa kanyang subdivision. The rest, ay puro updated pictures n'ya lang sa kanya social media accounts.
"So you don't deny about it? See? totoo ang sinasabi ko." sabi ni Mildred noong hindi ako nagsalita.
"Sa tingin niyo, sino ba ang mas naagrabyado sa 'min? I know kilala n'yo naman si Mildred right? And as far as I know, suki na siya dito... sino pa nga ba ang maniniwala sa kanya?" I smirked
"You look so fine dear..." insulto pa ni Mildred. "Kitang-kita naman sa itsura natin kung sino ang nanakit."
"It's not about that, Ms. Schalante. Ang tinatanong namin dito, If you are the one, who did that thing to Mildred." Mr. Philip said.
Medyo nagalit ako sa sinabi niya. Anong pinapalabas niya, ako ang nagsimula ng gulo?
"So? Pinapalabas niyo na ako ang nagsimula, gano'n? Yeah! Ako ang gumawa ng bagay na 'yan sa kanya. Pero natanong niyo man lang 'po' ba, kung sino ang nauna?" inis na tanong ko sa kanya.
Ewan ko ba, medyo sumikip ang dibdib ko Ang sakit ng nararamdaman ko. Parang aatakihin na naman ako ng asthma.
"Fine! do whatever you want. Expel me? Then go!" matapang na sabi ko at tumalikod para umalis. Ang sama ng loob ko sa kanya. Sabagay hindi niya alam eh, wala siyang alam.
"I think tama si Ms. Schalante.. " sabi ng isang disciplinarian "Marami ng record 'yan si Mildred sa atin. Baguhan lang si Ms. Schalante. Siguro napagtripan na naman siya ng Mildred. Kaya naman..."
"WHAT!?" sigaw ni Mildred.
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Mildred nakalabas na ako ng office.
"Ms. Schalante." tawag sa akin ni Daddy nang makalabas siya sa office.
Nilingon ko siya.
"Look... I did'nt mean to said those thing on you, Ms. Schalante. Hindi ka namin i-expel kasi napakababaw na dahilan 'yon."
"Ok then." wala sa loob na sagot ko.
Napadako ang tingin niya sa bracelet na suot ko. Actually, kanina niya pa ito tinitingnan.
"Sino nagbigay n'yan sa 'yo? " tanong niya sa 'kin at saka tinuro ang bracelet na suot ko.
"Ahh... this?" tinaas ko ang kamay ko para lalong makita niya. "Bigay lang naman ito sa 'kin ni Mommy. Galing daw ito, sa magaling kong ama, na sumama lang naman sa kabit niya."
Nabigla si Daddy sa sinabi ko. Pero hindi ko na siya hinintay pang magsalita, dahil tinalikuran ko na agad siya. Naiinis ako sa kanya, kanina nagkaroon ng konting katuwaan ang puso ko, nang nakita ko siya.
Gusto ko sana siyang yakapin. I never hugged him since then... pero nang magsalita siya, na para bang mas pinapaniwalaan niya si Mildred, hindi ko mapigilan mainis sa kanya.
*****