Winisikan ko siya ng tubig sa mukha at baka sakaling matauhan siya sa pinagsasabi niya. Lumukot ang noo niya at napapikit ng mariin. "Lumayo ka nga at baka hindi kita matansya." Pagsusungit ko. Kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig, eh. Nagtagis ang bagang niya bago idinilat ang mga mata. "I'm getting pissed, Aza. Hindi ka na nakakatuwang ka-bonding. What do you want? Sa kama na lang palagi? Puwede naman—" mabilis kong tinakpan ang bibig niya at pinanlakihan ng mata. "Puwede bang—" his eyes darkened when he removed my hands forcefully. "Pierce, n-nasasaktan ako." Nakangiwing sambit ko sa higpit ng paghahawak niya sa aking pulsuhan. Marahas niyang binitawan ang kamay ko. "Now, nagrereklamo ka? Pero no'ng kinama kita, hindi ka nagreklamo kahit masakit—" Napasinghap si Sheena at n

