Five Years Later
KABANATA 1: KASUNDUAN
"COME in.." She bit her lip as she heard the deep voice of a man inside the office. Isang marahas na paglunok ang ginawa ni Vivian. Bago pinihit ang seradura ng pinto. Nagtataka siya kung bakit bigla siya ng pinatagwag ni James ng ganung oras. Kaya hindi niya maiwasang makadama ng kaba.
Dapat nasa US ito para dalawin ang ina nitong may sakit. Pero kahapon ay nagkagulo ang mga board of directors sa biglaang pag-uwi ni James. Wala naman sanang issue iyon mas gusto niyang lagi itong nakikita.
Pero ang balitang kumakalat sa opisina ang nagbibigay ng kaba at takot sa kanya. Takot dahil posibling matapos na ang lahat sa kanila. Ayos sa mga narinig niya. Ikakasal na umano si James. Boung gabi niyang iniyakan ang balitang 'yon. Dahil mismong sa assitant nito nangaling ang balita. Iyon ang dahilan ng biglaang pag-uwi nito.
Mukhang nabigo siya. Nabigo siya sa mahigit isang taong pagsisikap na makamit ang isang mahalagang misyon sa kanyang buhay---ang mabawi ang lalaking mahal niya.
Mahigit isang taong na rin mula noong makipagkasundo siya kay James Leviste and CEO ng Leviste Corporation---his ex boyfriend.
Lumunok siya bago nangpasyang magsalita. "Pinapatawag mo ako Sir," napapalunok pa niyang tanong. Nakayuko si James mula sa binabasang papeles sa harap nito.
As expected kaagad nagsalubong ang makapal nitong kilay at nanliit ang malalim nitong mata, kasabay nang pag-igiting ng perpektong jawline nito.
Umangat ang gilid ng labi ni James kasabay ng makapal na kilay. Saka siya pinasadahan ng tingin. "What took you so long?" formal nitong tanong. Giving her that sharp glare na nagpa-urong ng kanyang dila. Nauuunahan ang t*bok ng kanyang puso ng magtama ang kanilang mga mata.
"May..." kusa niyang pinigil ang sasabihin alam naman niyang hindi nito tatanggapin ang paliwanag niya kung bakit ngayon lang siya. Inutusan pa kasi siya ng masungit niyang supervisor na laging badtrip sa kanya. "Bakit mo ako pinatawag, Sir?" sa halip ay tanong na lang niya. Sa lahat nang rank and fine na empleyado sa Leviste Corp ay siya, lang ang nakaka-akyat sa opisina ni James.
Iyon ang dahilan kaya maraming galit at ingit sa kanya sa buong building.
"Mamaya darating ang isang importanting bisita, I want you to personally assist her. Make sure she use the VIP lift, ayaw kong makikisabay siya sa mga empleyado." tumingin ito sa papel na nasa harap nito. Isang resume at isang picture ng babae. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang matamis na ngiti na sumilay sa labi ni James, dahilan upang makadama siya ng pait at selos.
Mukhang totoo nga ang balita. Matatapos na ba ang kasunduan nila? Marahas ang ginagawa niyang pagtulak ng bara sa kanyang lalamunan.
Nakikita na naman niya ang mapang-akit nitong ngiti. Ngiting hindi na minsan man nakatuon para sa kanya.
Seeing him that excited makes her heartaches. Kaya lihim niyang kinagat ang kanyang dila. Napadiin iyon kaya napangiwi siya.
"Ano pang ginagawa mo d'yan. Umalis ka na!" kunot noong taboy nito ng makita siyang nanatiling nakatayo sa harap nito.
Kailangan niyang nang kaliwanangan sa mga bagay na nagpapagulo sa kanyang isipan. "To--totoo ba?" halos hindi lumabas sa lalamunan niya ang tanong na 'yon. Dahil natatakot siya sa magiging sagot ni James.
"What?" walang emosyong tanong nito na saglit siyang tinapunan ng tingin.
"Ikakasal ka sa babaing 'yon. Iyong babaing matagal mo nang hinahanap?" Lakas loob na tanong niya dito. At kitang kita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Ngiting nang-iinsulto saka ito tumayo at naglakad palapit sa kanya.
"Why Vivian, are you jealous?" sarkastiko nitong tanong ng nakalapit sa kanya. Saka ngumiti--ngiting nanunuya, then he made a tongue click sound. "Kung oo, mabuti 'yan. Dahil gusto ko talagang makita kang nasasaktan, alam mo 'yan hindi ba." isa iyong kompirmayson mula dito. Oo gusto nitong nasasaktan siya. Kaya nga harap harapan nitong ipinapakita sa kanya kung gaano siya ka walang halaga sa isang James Leviste.
Napasinghap siya nang hilahin ni James ang braso niya. Madiin ang pagkakahawak noon kaya alam niyang magkakapasa naman 'yon. Pero hindi siya maaring magreklamo. He bend closer to her face. Saka nito pinagapang ang kamay sa likod niya patungo sa kayang pang-upo. Sabay pisil ng umbok niya, as he pull her closer to him. Halos dumikit ang labi nito sa mukha niya. At amoy na amoy niya ang pabagong gamit nito na nanoot pa sa kanyang ilong.
It was the same scent she love about James. Pinigil niya ang sariling magpadala sa sensasyong binubuhay nito sa kanyang katawan. Kung bakit kasi kahit nasasaktan siya, mabilis pa rin siyang naakit kay James. Ganun siya kabaliw sa kanyang ex-boyfriend.
Yes, James was her ex boyfriend dahil sa kasalanan niya dito noon. Kung alam lang sana----isang marahas na pag-iling ang ginawa niya. Kasalanan niya kaya umanot sila sa ganito. James used to love her so much. Pero hindi na ngayon.
"Kahit magpakasal ako sa kahit na sinong babae, Vivian." umigting pa ang panga nito at nanliliit ang mata nitong nakatitig sa kanya. "O kahit magkama ako ng mga babae sa harap mo, wala kang karapatang magreklamo, o masaktan. Dahil sa kama rin lang ang pakinabang mo sa akin. So don't raise your hope to much. Kaya gawin mo lang ang trabaho mo, dahil iyon ang nararapat para sa'yo." anito sabay tulak sa kanya.
Mabuti na lang at napahawak siya sa armrest ng sofa na naroon, kung hindi baka natumba na siya. Sa kabila nang pait na kanyang nararamdaman ay pilit niyang sinikil ang nagbabadyang luha sa kanyang mata.
Ewan niya kung bakit sa mahigit isang taong secret affair niya kay James hindi pa siya nasanay dito. Nasasaktan pa rin siya.
Kaya naman niyang tiisin ang lahat dahil kasalanan naman niya kung bakit sila naghiwalay noon. Pero minsan may pagkakataong gusto niyang sumuko na lang. Dahil natatakot siya at nasasaktan. Subalit ang isiping mapupunta na ito sa ibang babae ng tuluyan, iyon ang nagpapasakit ng kanyang dibdib.
Noon ayos lang sa kanya kahit parausan ang tingin sa kanya ni James, pero kung ikakasal na ito sa iba, ibang usapan na 'yon. Paano niya matatangap ang katotohanang tapos na ang lahat ng pinaghihirapan niyang bawiin. Na wala na talagang pag-asa.
"Now, get out of my office! And do your job." pasinghal na utos nito.
Walang nagawa si Vivian kundi ang hayaang palihim na tumulo ang kanyang luha saka humakbang palabas sa opisina ni James. Nakasalubong pa niya si Alfred---ang assistant nito, kaya mabilis niyang pinahid ang luha.
"Are you alright?" bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Kung may isang tao mang nakaka-alam ng sekreto nilang relasyon ni James. Si Alfred lang iyon. Lalampasan na sana niya ito ng magsalita ito. "Hanggang kailan mo planong magpakamartyr, Miss Vivian. Matigas pa sa bato ang puso ni James pagdating sa 'yo." nahahabag na saad nito.
Tipid niyang nginitian ito."Ayos lang ako Alfred, pinasok ko naman ito eh, saka mahal ko si James. Kaya hindi ako susuko hanggang hindi niya ako napapatawad." determinadong saad niya dito na sinamahan pa ang pinasiglang ngiti. Na ikina-iling naman ni Alfred.
Oo 'yon lang naman ang gusto niya, ang mapatawad siya ni James para maging masaya siya. Dahil mahal niya si James. At magiging maligaya lang siya kapag nakamit na niya 'yon.
Kung kailan? Hindi rin niya alam. At mukhang malabo na rin. Oras na magpakasal na si James sa iba, baka kusa na siyang sumuko. Pero sa isiping 'yon ay isang matalim na punyal ang tila tumatarak sa kanyang dibdib sa sandaling 'yon.
Mabigat ang bawat hakbang niyang nagpaalam kay Alfred saka naglakad patungo sa hagdan upang makarating sa lift sa susunod na palapag. Bawal kasi niyang gamitin ang VIP lift. Maingat niyang pinindot ang open button. Matamlay siyang pumasok doon. At parang gusto niyang matawa ng pipindutin na niya ang ground floor button.
"Masyado na ba akong nagiging ambisyosa?" mapaklang tanong niya sa sarili. Paano nga ba niya aabutin si James. Nasa tuktok ito samantalang siya sa edad niyang dalawangpu't lima ay wala pa siyang nararating, hindi nga nya nagawang tapusin ang pag-aaral niya sa kolihiyo gaya ng pangako niya sa kanyang ama noon.
Puwede siyang magtapos pero sa pagbabalik niya sa bansa si James kaagad ang hinanap niya. Pero hindi niya inaasahang napakalayo na pala nito at isa nang CEO ng isang napakalaking manufacturing company ng mga computer parts na nagdidistribute sa buong bansa, may ilang subdibisyon rin itong pag-aari, sa Batangas, Laguna at Antipolo.
Noon isa lang itong empleyado sa manufacturing sa pagkaka-alam niya. Kaya nang makita niya ito na ibang iba na sa James na kilala niya noon, gusto niyang manliit sa kanyang sarili.
At para makalapit muli dito nag-apply siya bilang receptionist sa Leviste Corporation, para lang sana makita ito. Wala naman siyang planong magtrabaho dapat sa kompanya nito. She just wanted to see him again at humingi ng tawad. Undergraduate siya kaya alam naman niyang hindi siya matatanggap.
But things went upside down ng matangap siya sa trabaho.
Para sa isang malinaw lang na dahilan. He wanted his revenge on her. Alam na niya iyon at lalo niyang nakompirma nang alukin siya nito ng isang indecent affair sa unang araw mismo ng kanyang trabaho.
"It's payback time Vivian, at lahat ng mararanasan mo sa affair na 'to. It's what you deserve from me." malinaw pa sa alaala niya ang mga salitang 'yon ni James noon. Pero umasa siyang posible siyang mahalin ulit ni James--sana puwede niyang bawiin ang lalaking noon ay halos sambahin siya.
O baka masyado siyang naging kampante. At sa buong durasyon ng secret affair nila, hindi pa rin siya nasanay na nasasaktan. Dahil iyon naman ang ipinangako niya sa sarili ng tangapin niya ang aluk nito. Ayos lang kahit may ibang babae ito maliban sa kanya. Madalas naman sa apartment niya ito umuuwi o kaya siya ang nasa condo nito. Pero nitong nakaraan inutos nitong sa condo siya manatili. Akala niya sa iisang condo na sila titira, pero nagkamali siya--magkaiba ang tinitirahan nila kahit nasa iisang building pa sila.
At alam niyang gusto lang nitong iparamdam sa kanya kung gaanu kalayo ang pagitan nila. Tulad na lang ng mga numero ng elevator. Napakalayo nila sa isa't isa.
Natigil lang ang pag-iisip niya nang bumukas ang lift. Subalit makasalubong niya si Marites ang number one marites ng Leviste Corp.
"Galing ka kay Boss?" Taas kilay na tanong nito. "Alam mo Bebang ang suwerte mo talaga nakaka-akyat ka sa CEO's office, kaso nagtataka ako, mag-two years ka na dito, pero receptionist ka pa rin. Kung sabagay, mukhang ikaw ang habang buhay na receptionist ng Leviste Corp. Kaya kung ako sa'yo mag-aral ka ulit para mapromote ka naman." sa makakarinig iisiping nag-aadvice lang si Marites sa kanya. Pero sa mata niya. Tinutuya siya nito. Dahil alam niya ang kumakalat na tsismis sa kompanya tungkol sa kanila ni James at alam niyang hanggang sa kasalukuyan tsismis pa rin naman.
Dahil wala naman silang ebidensya tungkol doon. Pero sa tuwing pinapatawag siya ni James sa opisina nito. Madami talagang nakakakita o kaya nakakarinig. Kasi sa halip na tawagan o itext siya nito. Mag-uutos pa ito sa iba para lang pakyatin siya.
Kaya maraming inis sa kanya sa opisina, hindi lang ipinapahalata. Pero ramdam niya ang discriminasyon ng mga single na babae sa kanya. Kaya wala siyang masasabing kaibigan sa kompanya maliban kay Freda.
Pagbalik niya sa puwesto niya ay nakatingin sa braso niya si Freda. Madaldal ito pero mabait naman at tandem sila sa reception area. "Sabihin mo nga napano naman 'yang braso mo, Bebang? Nabanga ka na naman ano?" naiiling nitong saad. Madalas kasi talagang magkapasa ang braso niya lalo na kung nagagalit sa kanya si James at talagang napipisil nito ang braso niya ng madiin.
"OO," tipid niyang sagot na ikinailing lang nito. "Mag-ingat ka kasi." paalala nito. Saka siya bumalik sa kanyang puwesto. Mas gusto niyang maging tahimik na lang at huwag nang magkuwento pa. Wala naman siyang dapat ipagmalaki tungkol sa affair nila ni James.
"KANINA KA pa nakatingin sa mukha ko, Alfred. Speak the hell up." asar na baling ni James sa kaharap. Nag-uusap ang mga ito para sa meeting mamaya. Pero panay ang buntong hininga nito at iling kaya nababanas lang si James.
"Naisip ko lang kung hindi ka ba naawa kay Vivian?" nagulat si Alfred ng masamang tingin ang ibinato ni James dito. Kasabay ng pagtangis ng bagang nito.
"Awa!" sarkastikong tinitigan ni James ang kaharap.
"Magdadalawang taon na, sir?" formal nitong saad.
"Two years o kahit limang taon o sampung taon pa... I'll hate Vivian for everything!" walang gatol na saad ni James sa kaharap puno ng kombiksyon pero ngumiti si "What!"
"Mukhang totoo ang sabi nila, mas galit ka kapag mas mahal mo ang taong nanakit sa'yo, mas mahirap pagpatawad, but she---"
"Are you trying to question me? Ikaw nga eh hindi ba kaya ka single hanggang ngayon dahil iniwan at ipinagpalit ka rin sa iba. Kaya alam mo dapat ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Vivian. At mali ka hindi ko na siya mahal. Pinarurusahan ko lang siya. Hindi ko na kasalanan kung ayaw niyang umalis at mas gusto niyang tanggapin ang lahat ng parusa ko. At kung ayaw mong magretiro ng maaga, tumahimik ka na lang, okay." pikong saway ni James dito. Masyado ba siyang mabait lately?
"Ah okay, Sir. Baka mali lang ako." sagot nitong halatang hindi kombinsido kaya asar na binalingan ni James ang kaharap.
"Babae ko lang si Vivian, at ipagpapasalamat ko kapag sumuko na lang siya! Magpaparty pa ako kapag nangyari 'yon." madiing saad ni James kay Alfred at masamang tinitigan ito.