Kabanata 2 : Subukang Sumuko
NAAGAW ANG atensyon ni VIvian sa magandang babaing papasok ng entrance ng building. May pait siyang nadama, kahit saglit lang niyang nakita ang larawan ng babae sa table ni James kanina. Tumatak sa isip niya ang inosente at maamong mukha nito.
At hindi siya makapaniwalang mas maganda nga ito sa personal. Bigla siyang nakadama ng labis na ingit sa babae. Ito ang magiging Mrs. Leviste balang araw. At siya isang babaing naging laruan lang ni James.
Kumurap kurap siya upang pigilin ang luhang gustong mag-unahan sa kanyang mga mata. Mukhang mabait ang babae. Halatang mahiyain rin ito.
"Ang ganda naman niya," dinig niyang saad ni Freda, sana all na lang talaga.
"Maganda ka rin naman, friend." aniyang pilit pinasigla ang tinig. Ayaw niyang malaman ni Freda na selos na selos siya sa bisita ni James.
"Hi, I'm Nika Miranda... My appointment ako with Mr. Leviste the CEO." ngumiti pa ito ng matamis kaya mabilis siyang kumilos.
"Ah yes... welcome ho Ma'am." magalang na bati niya dito. Even her voice was soft and kind. Bagay nga ito kay James dahil malambing rin ang boses nito sa mga taong pinapakitunguhan nito ng maayos. Kaagad siyang kumilos upang ihatid ito sa VIP lift. Malinaw ang instruction sa kanya ni James kaya kailangan niyang sundin 'yon.
Sumulyap ito sa kabilang elevator kung saan may mga empleyadong nag-aantay. Mukhang kuryos rin si Nika kung bakit nakatingin sa kanila ang iba. Kaagad itong nagpasalamat ng bumukas ang lift sa harap nila.
"Hoy Bebang sino 'yon ha?" kaad na usisa ni Marites sa kanya nang sumara ang VIP elevator. Lihim siyang napa-ismid.
"Malay ko, sabi ni Boss VIP visitor niya daw eh." asar niyang sagot. Pikon na nga siya gusto pang lalo siyang pikunin ni Marites. Tuwang-tuwa ata itong lalo siyang saktan.
"Talaga? Kaya ba napauwi ng wala sa oras si Boss dahil sa babae, ang alam ko one week siya sa abroad kasi diba may sakit ang mommy ni Boss."
"Alam mo Marites, bagay talaga sa'yo ang pangalan mong Marites, masyado kang marites." Napapaingos na saad ni Vivian saka tinalikuran ang mga babaing nakatingin sa kanya.
Kung puwede lang sana siyang magalit, dahil sa selos na umaalipin sa kanya ngayon. Maganda si Nika Miranda at mukhang mabait rin ito. Kaya hindi niya maiwasang masaktan. Lalo siyang natatakot ngayon. Paano na lang siya kapag nagpakasal na ang mga ito.
Kailangan na ba niyang subukang sumuko sa paghahabol kay James. Pero sa isiping iyon ay napangiwi lang siya. Kaya sa halip sa puwesto niya siya bumalik nag tungo siya sa CR upang ayusin ang sarili.
Noon niya nagawang pagmasdan ang sarili sa harap nang salamin. Hindi naman siya pangit na babae, marami ang nagsabi noon na maganda siya. Pero maraming ipinagbabawal sa kanya si James, bawal ang makapal na make-up o mas mabuting wala. Laging nakatali ang kanyang maalunong buhok para hindi humarang sa kanyang mukha. She's always in her uniform ang red and black receptionist uniform ng Leviste. Sexy naman sana iyon sa kanya. Kaso ayaw ni James na fitted ang sout niya sa uniform. Kaya pinapalitan rin niya ang sukat bilang pagsunod dito.
"Bebang, anong ginagawa mo dito?" Taas kilay na puna ng kanyang supervisor na si Kathy. Mas matanda ito sa kanya ng halos isang taon din. Pero mula nang siya ang madalas pinapaakyat ni James sa opisina nito, madalas nang mainit ang dugo nito sa kanya.
"CR Break lang Ma'am." sagot niya dito.
"Puro ka CR break." sikmat nito saka siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, sabay taas kilay. "bakit ba ganyan ang outfit ng isang receptionist. Ginagawa mo ba 'yan para magpapansin kay Sir James?" akusa nito. "Saka nalaman ko lumipat ka sa building kong nasaan ang condo ni Sir James. Afford mo ba?"
Saglit siyang nagulat dahil doon. Sa totoo lang naasar na siya sa supervisor niyang ito. Pero dahil ayaw niya ng gulo at pag-usapan sa kompanya kaya deadma na lang niya ito. Besides wala naman siyang mapapala kapag pinatulan niya ito.
"Sa tingin mo ba, maakit mo si Sir James sa pamanang effect mo, ha Vivian?" nanunuya ang tinging ibinigay nito sa kanya mula sa salamin na ikinatigil niya sa pag-ayos ng kanyang uniform.
"Eh sa sout mo, naakit ba siya?" ganting tanong niya dito. Napipikon na siya sa babaing akala mo inaagawan ng boyfriend. Siguradong kapag nalaman nitong madalas niyang kasalo sa kama si James baka hindi lang araw niya ang sirain nito lagi. Magsasalita sana ito ng unahan niya ang babae. " Hindi ako interesado kay Sir James," dahilan niya na ikinagulat nito. "Pero kung gusto mong mapalapit ka sa kanya, bakit di mo subukang ikaw ang maging janitres ng opisina niya ngayong hapon. Sasabihin ko na lang na gusto mong ikaw ang maglinis sa office niya. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang ginagawa niyang katulong gayong madaming janitres sa kompanya." mahabang lintaya niya.
"What? Ako? Janitres!" bulalas nitong na halos manlaki pa ang mga mata. " Hell no..." sikmat nito. "Kunwari ka pa, I'm sure nilalandi mo si Sir sa hapon kaya panay ang patawag niya sa'yo. Janitres..." giit pa rin nito. Wala naman kasing naniniwala na siya ang personal na tagalinis ng office ni James. Dahil walang nakakakita sa kanya. "Stop lying to my face, Vivian."
"Kung hindi ka naniniwala, bakit hindi ka pumunta sa office niya sa hapon para malaman mo ang totoo. I'm working for our Boss dahil kailangan ko ng pera." dahilan niya. Nasanay na siyang gumawa ng dahilan kaya hindi na mahirap ngayon. Totoo naman kasi Janitress siya ni James sa opisina nito. Ang affair nila ay sa pagitan lang nila sa loob ng apat na pader ng condo nito kapag pinapatawag siya ni James.
"Whatever! Hindi pa rin ako naniniwala. Alam kong ang mga tulad mo ay makati pa sa higad, isipin mo wala kang natapos pero nagtatrabaho ka sa Leviste Corp. Oo maganda ka at presentable. But you don't belong here, Vivian."
"Kung ganun saan ba ako nararapat Miss Kathy?" seryosong tanong niya nito. Her words hits her. Tila isang malakas na sampal sa kanyang mukha ang mga salita nito. Saan nga ba siya nararapat ngayon may babae nang pakakasalan si James.
Kita niya ang pagkagulat sa mata ni Kathy. Saka walang paalam na tinalikuran siya.
Pagdating nang hapon ay naabutan niya si James na nagbabasa pa nang mga dokomento sa harap nito. Pero nagulat siya nang makita ang isang janitres na galing sa kabilang pinto.
"Sir natapos ko nang linisin ang magiging office ni Ma'am Nika." anunsyo si Perla. Nasa late forties na ito pero maayos pa rin at laging makapal ang lipstick. "Lilinisin ko rin ba ang office n'yo, sir?"
"No, don't bother. I had my personal cleaner here." baliwanang saad nito saka itinaboy na ang babae, na kaagad na rin namang umalis. Saglit siyang nanatiling nakatayo doon ng baliwalang tinapunan siya nang tingin ni James.
Nangangati na siyang itanong dito kung sino si Nika Miranda, pero natatakot naman siya.
"Ano tatayo ka na lang ba d'yan?" umarko pa ang kilay nito. Isang malalim na paghinga ang pinawalan niya bago siya nagpasyang kumilos.
Nabalot ng katahimikan ang paligid kaya napa-angat siya mula sa kanyang ginagawang pagliligpit para lang makita si James.
Nakasandal ang ulo sa back rest at nakapikit. Kalmado ang mukha nito at mukhang pagod. Saglit niyang pinagmasdan ang mukha ng binata, iyon lang kasi ang mga pagkakataong maari niyang pagmasdan ang mukha ni James ng hindi siya maiilang na hindi sasama ang mukha nito at magalit. Nang magsawa ay saka niya ipinagpatuloy ang kanyang trabaho.
Tahimik naman siyang nagligpit ng mga papel sa lamesita sa harap ng couch. Saka iyon pinunasan ng malinis na basahan. Abala siya sa ginawa nang magsalita ito.
"Be at my condo tonight." basag nito sa katahimikan sa pagitan nila, nakapikit pa rin ito. Nakadama naman siya nang awa dito. Natutukso na siyang lapitan ito. Noon gustong gusto nitong niyayakap niya ito kapag pagod ito galing sa trabaho. Mula kung saan ay tila agos ng tubig ang mga masasayang alaala nila noon.
Mga alaala. Iyon na lang iyon ngayon pero nagiging sandalan niya para patuloy na magtiis sa piling nito.
Mabigat ang dibdib na yumuko siya. "Okay." tipid niyang sagot. Pero muli siyang nag-angat ng tingin ng marinig niya ang mahinang tawa nito, nag-uuyam.
"You always love being fvck by me, don't you?" sambit nitong ikina-init ng kanyang mukha. Nagmulat na ito nang mata, saka sinalubong ang titig niya kaya kusa siyang umiwas. "Lahat talaga gagawin mo para lang sa pera." sarkastikong akusa nito.
"Anong masama..." napapalunok niyang sagot. Maliban sa pagiging cheater sa paningin nito, babaing mukhang pera din ang tingin ni James sa kanya ngayon. Naniniwala rin kasi itong dahil nalaman niyang mayaman pala ito, kaya sinadya niyang balikan ito. "...kung mabubuhay naman ako ng komportable sa pamamagitan ng pera mo, bakit hindi diba? Being a gold digger isn't bad at all right." lakas loob niyang sagot nito saka siya yumuko upang kunwa'y ipagpatuloy ang ginagawa. But secretly, lumunok siya. Dahil kahit ilang ulit pa nitong tawagin siyang mukhang pera at cheater hindi talaga siya nasasanay.
Masakit pa rin.
Sakit na pilit niyang nilulunok dahil sa pag--ibig niya kay James. "Sa lahat ng gold digger ako lang ang nakatago." tahimik niyang dagdag.
"Tang *na talaga!" sikmat nito pero hindi na lang niya pinansin 'yon. "Confident ka pa talagang sabihin yan sa pagmumukha ko ha, Vivian?"
"Iyon naman ang gusto mong marinig lagi diba?" napakahina niyang sagot dito. Hindi naman ito nagreact kaya malamang hindi siya nito narinig. Ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa nang maramdaman niyang naglakad ito palapit sa kanya.
Kaya napaangat siya ng tingin dito. Kita niya ang pag-igting ng panga nito, mukhang narinig ata siya.
"Oo, iyon talaga ang gusto kong marinig sa'yo para lalo lang kitang kamuhian," naupo ito sa sofa paharap sa kanya. Ipinatong ang paa sa ibabaw ng lamesita na kakalinis lang niya. "Sige lang ituloy lang natin ang larong ito, Vivian, hanggang gusto mo. At bilisan mo na d'yan. Don't come late dahil alam mo ang parusa kapag nalate ka." tila haring mando nito saka mabilis nang tumayo at bumalik sa table nito upang kunin ang susi ng kotse nito at umalis na.
Naiwan siyang tigagal at walang magawa maliban sa pagbuntong hininga. Saka nagmadali na siyang iayos ang iniwan nitong mesa. Patapos na siya nang mapansin niyang nakaawang ang isang pinto ng drawer sa ibaba. Isasara sana niya 'yon ng umagaw sa atensyon niya ang isang maliit na velvet red box na hula niya ay singsing ang laman. Sa kung anong dahilan ay natempt siyang buksan ang munting box para makita ang magandang singsing na sigurado siyang para doon kay Nika Miranda na hinatid niya sa VIP lift kaninang umaga.
Nabalot ng paninibugho ang dibdib niya habang nakatitig sa magandang singsing, it was simple but elegant white gold ring na napapalibutan ng munting diamond. Sa inis niya ay gusto niyang itapon 'yon kung saan para mahirapan itong maghanap. Pero malamang may CCTV sa opisina nito, kaya siguradong siya rin ang maghahanap at mahihirapan kapag ginawa niya 'yon, kaya muli niyang ibinalik na lang ang box sa drawer.
At mula kung saan ay dinig ng utak niya ang sinabi ni James sa kanya. "Wala kang karapatang magselos at masakatan." subalit iyon ang damdaming hindi niya kayang pigilan.