Kabanata 18: Hindi Mahalaga "JAMES SANDALI." habol ni Vivian sa binata na tuloy tuloy lang naglakad pabalik sa hotel. Hindi na siya naka pag-usisa kanina dahil sadyang pinigilan siya nitong magtanong. Pero hindi siya mapakali sa nalaman. Dahil ba sa aksidente nito kaya ito nagkaroon ng peklat sa dibdib nito? At siya ang dahilan? "Ano ba?" pikang sikmat nito ng maabutan niya ito. "Ang bilis mo naman kasing maglakad. Let's talk." nahahapong saway niya dito ng maabutan niya ito sa may lift. Kanina pa nanganati ang dila niyang tanungin ito pero pinigilan siya nito. "Can you not do that again, hindi tamang nakiki-usyoso ka sa sa mga kameeting ko." balik na sermon nito. "Gusto ko lang naman malaman eh, 'yan bang ano sa dibdib mo..." napakurap-kurap siya. Mula kung saan ay dumaloy sa isipa

