Kabanata 19: Bullied "GRABE KA girl ang hirap mong kontakin." usig ni Freda sa kanya nang pumasok siya sa opisina araw ng Martes. "Bakit naman?" kunot noong tanong niya ditong pilit nagpaskil ng ngiti sa kanyang labi. "Anong bakit ka d'yan usap-usapan ka sa boung buiding dahil sa ekesena n'yo ni Sir James noong huwebes tapos bigla kang absent. Umamin ka nga kayo ba talaga si Sir?" usig nitong ikinagitla niya saglit. "Pinagalitan lang niya ako, hindi lang ako pumasok noong Friday dahil may inasikaso ako." dahilan niya dito. "Pero humanda ka girl, since Friday ka pa topic ng mga kamag-anak ni Marites dito. Viral ka sa boung kompanya. Sinasabi nila na inaagaw mo daw si Sir James sa fiancee niya. Pinagbawalan kasi ako ni Sir James na magkuwento sa iba na may asawa na si Ms. Nika. Saka a

