Kabanata 20: Pagbabago "GIRL alam mo na ang latest chika!" nagmamadaling saad ni Freda ng lapitan siya nito. Mukhang may bagong sagap na balita kaya napa-iling nalang siya. "Si Miss Kathy terminated na pala. "What!" gulat niyang saad na ikinangat niya ng tingin kay Freda. Parang kanina lang nagmamayabang sa kanya si Kathy. "Ano bang nangyari?" "Ewan ko, pero sa tingin ko may kinalaman doon sa mga tsisimis niyang ipinakalat tungkol sa'yo. At ito pa, si Sir James ang personal na kumausap sa kanya. Grabe, lakas mo talaga kay Sir, girl. Kaso baka pagselosan ka naman ni Ms. Nika n'yan." tudyo nito. "Naku, imposible naman 'yon. Saka ano namang laban ko doon." sagot niyang pilit itinago ang pait sa kanyang lalamunan. "I'm sure may dahilan si Sir James kaya niya ginawa 'yon." dagdag niya pero

