Chapter 30 "Alam ko ang mga sinasabi ko Vivoree dahil ako ang nakakaramdam nito," seryosong sabi ni Roch sa kanya. Naiisip ni Roch na walang karapatan si Vivoree na sabihing nagkakamali lang siya sa nararamdaman niya para sa dalaga. Dahil si Roch naman ang nakakaramdam non. "Masyado kasing mabilis Roch," seryosong sabi na rin ni Vivoree sa kanya. "Kakakilala pa lang natin at alam mong galing ako sa break-up. Hindi madali sa akin na nagtatapat ka ng nararamdaman mo." "Hindi naman kita minamadali ang mahalaga ay nasabi ko na sa 'yo kung ano ang gusto kong sabihin at ang totoong nararamdaman ko," hinawakan ni Roch ang baba ni Vivoree para naman iharap niya ang muka nito sa kanya dahil sa ibang direksyon nakatingin si Vivoree. "Tignan mo ako sa mga mata ko Vivoree," malambing na pagkakasab

