bc

The Billionaire's Temptation (The Billionaire Series 6)

book_age18+
5.8K
FOLLOW
33.1K
READ
billionaire
revenge
possessive
boss
drama
twisted
bxg
city
wild
like
intro-logo
Blurb

A collaboration with Hestia_GAD, Camillebratz, Gorgeous Journey, Criptica_G, LavenderPen, FilipinangManunulat, and MYSTICALROSE

MATURED CONTENT R-18

The Billionaire Series #6: Roch Ian Fajardo

Hindi lubos akalain ni Roch Ian Fajardo na mapagkakamalan siyang isang staff ni Vivoree sa resort ng kanyang kaibigan. Nandoon siya sa nasabing resort upang makipag meeting sa mga Japanese investor at engineer tungkol sa malaking proyekto na binabalak nilang gawin.

Roch is known as a competitive businessman at all times and doesn't know how to give up easily. Gusto niya ay nasa ayos lahat ng kanyang transaction dahil ayaw niyang nagkakamali. Para sa kanya ang salitang pagkakamali ay para lang sa mga baguhang negosyante. He wants his grandfather, the Don of the Fajardo Clan, to be proud of him.

And because of that incident, Vivoree caught his whole attention.

Hindi na ito tinigilan ni Roch lalo na nang malaman ng lalake kung sino ang ama ng dalaga. Ang nais niya ay sa kanya lang ang buong atensyon ng dalaga. Lahat ng pang-aakit na alam niya ay ginamit niya makuha lang ang dalaga. Ika nga ng lalake what Roch wants, he gets.

At hindi rin akalain ni Vivoree na napakayaman at isang bilyonaryo pala ang nasungitan at napagkamalan niyang staff sa resort. Bagay na bahagyang kanyang pinagsisisihan dahil hindi na siya nito tinigilang kulitin araw-araw.

Will Vivoree be able to avoid the warmth temptation of a billionaire?

"You can't resist my temptation kitty."

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Rejection
Taong 1991... "Isa kang kahihiyan sa pamilyang Gomez!" isang malakas na sampal ang natanggap ni Jasmin sa kanyang ama na si Mayor Manuel Gomez. "Papa, p-patawarin ninyo ako ni mama," paghingi ni Jasmin ng tawad sa kanyang mga magulang habang hawak ang pisngi na sinampal ng kanyang ama. Nalaman kasi ni Governor Manuel sa ibang tao na buntis ang panganay niyang anak na si Jasmin. Kalat na kalat na iyon sa lungsod ng Bacoor kung saan siya ang Mayor. Kilala bilang isang konserbatibong pamilya ang Gomez idagdag pa na relihiyosong tao ang ina ni Jasmin. Kaya naman labis ang kahihiyan nila na buntis pala ang panganay nilang anak kahit na wala naman itong kasintahan o asawa man lang. "Hindi naman kami nagkulang sa'yo ng pagmamahal at pangaral Jasmin," mangiyak-ngiyak na sabi ng kanyang inang si Elena habang taimtim na nakaupo sa isang upuan na yari sa kahoy ng narra. Hindi na makalabas ng kanilang mansyon ang kanyang ina dahil ang mga amiga nito ay si Jasmin ang pinag-uusapan. Wala siyang mukhang maihaharap dahil totoo ang mga paratang nila sa anak niya. Tatlong buwan pa lang ang nakakaraan ng mag-debut si Jasmin ibig sabihin ay labing walong taong gulang pa lamang si Jasmin. "Sino ang walanghiyang nakabuntis sa'yo?!" galit na wika ng ama ni Jasmin habang nakatingin sa nakayukong si Jasmin. Hindi makasagot agad si Jasmin. Nanginginig siya sa takot. "Sino?!" napahagulgol na nang tuluyan si Jasmin dahil sa sigaw ng kanyang ama. "H-hindi ko po alam," iling-iling na sagot ni Jasmin. "Paanong hindi mo alam? Ano ba ang nangyayari sa iyo Jasmin?" malumanay na tanong ng kanyang ina ngunit ramdam niya ang pagkadismaya nito sa kanya base na din sa tinig niya. Totoo ang sinabi ni Jasmin na hindi niya alam kung sino ang ama ng batang dinadala niya. Ang natatandaan niya lamang ay pinilit siya ng kanyang kaibigan na si Sophia na pumasok sa isang bar dahil na rin sa nasa legal na edad na rin naman sila. Noong una ay ayaw pa sumama ni Jasmin dahil pinagbabawalan pa siya ng kanyang magulang. Pero sa huli ay napapayag na din siya ng kaibigan dahil sa kakulitan. Natatandaan pa niya na iniwanan siya ni Sophia at sumama sa ibang lalake at nakipagsayawan sa dance floor. Pagkatapos noon ay may lumapit sa kanyang lalake at inalok siya ng alak. Dahil nakainom na din si Jasmin ng mga oras na iyon ay napapayag siya ng lalake na inumin ang inaabot niyang alak. Pagkatapos nun ay wala na siyang naalala. Nagising na lang siya mag isa na nasa isang kwarto at walang suot na kahit anong saplot sa katawan. Ni hindi niya rin maalala ang mukha ng lalakeng nagdala sa kanya doon. At labis niya pinagsisihan na pumayag siyang sumama sa kaibigan. "Ipalaglag mo ang bata! Ipapadala kita sa ibang bansa," napaawang ang labi ni Jasmin sa sinabi ng ama. "Dise otso ka palang Jasmin at nag-aaral ka pa! Alam mong madami kaming pangarap ng mama mo sa'yo." "P-pero papa, hindi ko po kaya ang pinapagawa niyo," iling-iling na wika ni Jasmin. "Manuel, alam mong kasalanan sa Diyos ang sinasabi mo," hindi makapaniwalang sabi ni Elena sa asawang si Manuel. "Anong gusto niyo?! Pagtawanan tayo ng mga tao kapag ipinanganak yang batang iyan kahihiyan lamang ang dulot sa ating pamilya!" galit na wika ng ama ni Jasmin. May balak kasing tumakbo si Mayor Manuel bilang Governor ng Cavite kaya labis niyang iniingatan ang pangalan nila. Ngunit dahil sa pangyayaring ito ay nakikita niya na magiging hadlang ang bata sa hinahangad niyang posisyon. "Hindi ko po ipapalaglag ang bata papa, mama. Kahit bunga siya ng aking kamalian ay anak ko pa din siya. Papalakihin ko siya," determinadong sabi ni Jasmin na siyang ikinagulat ng kanyang magulang lalo na ng kanyang ama. Tumalikod muna ang ama ni Jasmin bago nagsalita. "Kung ganun ay lumayas ka sa pamamahay ko. Wala akong anak na disgrasyada!" "Manuel!" napatayo ang ina ni Jasmin at niyakap si Jasmin. Kahit na dismayado si Elena sa kanyang anak ay hindi niya kakayanin na mapalayo sa panganay niyang anak. "P-papa," mahinang usal ni Jasmin dahil hindi niya lubos akalain na magagawa siyang palayasin ng sariling ama. "Manuel, pinapangunahan ka lamang ng iyong galit pakiusap huwag mong palayasin ang anak natin," "Layuan mo ang babaeng iyan Elena! Isa siyang maruming babae!" bawat salitang lumalabas sa bibig ng kanyang ama ay parang kutsilyong bumabaon sa kanyang dibdib. "Manuel," tawag ni Elena sa kanyang asawa na may pagsusumamo. "Mamili ka Elena, ako o ang babaeng iyan?" matigas at may awtoridad na tanong ni Manuel sa kanyang asawa. Napatingin si Elena kay Jasmin at hinalikan niya ito sa noo. Mahirap para sa kanya ang mamili dahil parehas niyang mahal ang anak at asawa niya. Ngunit nangako si Elena noong kasal nila na hinding-hindi niya iiwanan si Manuel. Paglilingkuran niya habang nabubuhay silang dalawa bilang mag asawa. "Simula sa araw na ito pinuputol ko na ang ugnayan natin. Hindi na rin pwede banggitin ang pangalan mo sa pamamahay kong ito. Ang sumuway sa akin ay maaari nang umalis!" puno ng awtoridad ang boses ng ama ni Jasmin. Hagulgol na lamang ang tanging nagawa ni Jasmin ng talikuran siya ng kanyang mga magulang. Alam niyang kahit na anong gawin niyang pakiusap sa kanyang ama ay hindi na magbabago ang kanyang desisyon. "Pasensya na anak kung nararanasan mo na ang hirap kahit nasa tiyan pa lang kita," kausap ni Jasmin sa kanyang anak habang hinihimas niya ang kanyang tiyan. Kasalukuyang nasa kwarto niya si Jasmin at nag iimpake ng kanyang mga damit nang pumasok ang kapatid niyang babae na si Maliya, kinse anyos na ito. Dalawa lang silang anak ng kanilang magulang. "T-totoo ba ate?" base sa mukha ni Maliya ay hindi rin siya makapaniwala. "...na buntis ka?" tuloy ni Maliya sa kanyang tanong sa ate niyang si Jasmin. "O-oo Maliya, buntis nga ako," nakayukong sabi ni Jasmin. Kahit na nakayuko si Jasmin ay naririnig niya ang hikbi ng nakababatang kapatid. Alam niyang nasaktan din niya si Maliya. "B-bakit ka kasi nagpabuntis ate? Ang sabi mo ay hindi tayo magkakalayo?! Sinungaling!" sigaw ni Maliya at tumakbo ito papalabas ng silid ni Jasmin. Hindi kasi matanggap ni Maliya na aalis ang ate niya sa bahay nila. Madami kasi silang plano para sa hinaharap. At dahil buntis na ang ate niya ay alam niyang uunahin na nito ang anak niya. At labis niya iyong ikinakasama ng loob. Hindi rin masisisi ni Jasmin kung bakit ganun na lang ang tinuran ni Maliya. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ni Jasmin ang kanilang mansyon mula sa labas. Dala-dala na niya ang isang bag at isang maleta na puno ng kanyang damit at ibang gamit. Napaiyak siyang muli nang patayin ang lahat ng ilaw sa mansyon. Naglakad na siya sa medyo kadilimang subdivision nila. Wala pang masyadong nakatayong bahay sa subdivision nila dahil isang private subdivision iyon. Madalang na din ang dumadaang tricycle sa lugar nila dahil puro may mga kotse ang mga nakatira doon. Kaya no choice si Jasmin kundi ang maglakad papalabas ng kanilang subdivision. Nakatulala lang na naglalakad si Jasmin at iniisip kung paano nangyari ang bagay na ito sa kanya. Sa isang iglap lang ay nawala ang lahat sa kanya. Iniisip din niya kung saan siya tutuloy ngayon. Hindi siya maaaring makituloy sa ibang kamag-anak dahil alam niyang hindi siya patutuluyin dahil sa kahihiyan na dulot niya. Tinawagan din niya si Sophia kanina ang kaibigang sinama siya sa bar ng gabing iyon. Tinanong niya si Sophia kung maaari bang makituloy sa kanila kahit ilang araw lang ngunit tinanggihan siya ng dalaga. Sinabi pa nito na huwag na muling tatawag sa kanya dahil baka madamay pa siya sa kahihiyang dala ni Jasmin. Si Sophia lang ang nag-iisang tinuring niyang kaibigan pero mukhang kaibigan lang siya ni Sophia sa kasiyahan. Napatigil sa paglalakad si Jasmin dahil nakaramdam siya ng pagkahilo. Simula kasi ng malaman niyang buntis siya ay hindi na siya nakakatulog at nakakain ng ayos. Sinusubukan niyang kumain para sa batang nasa sinapupunan niya. Pero sa tuwing naaamoy niya ang pagkain niya ay naduduwal lamang siya. Kahit na hilong-hilo ay sinubukan pa ring maglakad ni Jasmin. Pero umiikot na talaga ang paningin niya. Nagpagewang-gewang na din ang paglalakad niya. Tumingin siya sa paligid para sana tignan kung may tao siyang mahihingian ng tulong pero wala. Hanggang sa hindi na niya kinaya, bumagsak siya sa lupa at napahiga na lang. Ilang minuto pa siya sa kalagayang iyon. Hindi naman siya nawawalan ng malay pero wala siyang lakas upang idilat ang kanyang mata. "Kuya, tulungan mo akong buhatin siya sa kotse," maya-maya pa ay may narinig si Jasmin na boses at naramdaman niyang sinusubukan siyang buhatin. Pinilit niyang aninagin kung sino ang mga taong iyon. May kokonti lang siyang naaaninag. Dalawang lalake iyon. Naramdaman at naamoy niya ang amoy ng kotse ng makapasok sila sa loob at mas lalo siyang nahilo dahil doon. "Miss? Miss okay ka lang ba?" rinig niyang tawag sa kanya pero hindi naman siya makasagot dahil nahihirapan din siyang huminga. "Mukhang nahihirapan siyang huminga Sir. Eh, kung dalhin na kaya natin siya sa hospital?" "Mabuti pa nga kuya, tayo na," Ramdam din ni Jasmin na umaandar na ang kotseng sinasakyan nila. Pero hindi pa din malinaw ang kanyang paningin. Hanggang sa pinahilig ng katabi niyang lalake ang ulo niya pahiga sa braso niya at hinaplos ng lalake ang buhok niya. Hindi niya maintindihan ang sarili biglang inantok si Jasmin sa ginagawa ng lalake sa buhok niya. Bago siya tuluyang nakatulog ay narinig pa niya ang sinabi ng lalake. "Miss? Dadalhin ka namin sa hospital. Pakatatag ka lang ha? Hindi kita pababayaan." ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.7K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.9K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.5K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook