Chapter 2: Birth

2686 Words
"Gising ka na," pagdilat pa lang ng mga mata ni Jasmin ay isang nakangiting lalakeng may matangos na ilong at naka-navy blue na polo hanggang leeg ang kwelyo ang bumungad sa kanya. Nailang siya sa titig ng lalake kaya naman inikot niya ang sarili niya sa paligid. Puro puti ang kanyang nakikita. Alam niyang nasa hospital siya base sa kanyang nakikita at may swero siya. "Sabi nga pala ng doctor ay na-dyhydrate ka daw. Kailangan mo din daw magpahinga gawa ng na-sstress ka at nakakasama iyon sa baby mo," nang marinig niya ang salitang baby ay napatingin siya sa lalake. Ngayon alam na din ng lalake na buntis siya. "S-salamat nga pala," kahit masama ang pakiramdam niya kagabi ay tandang-tanda niya na siya ang tumulong sa kanya. "Ano ba ang ginagawa mo doon kagabi? Naglayas ka ba? Ang dami mo kasing dalang bag ar maleta," hindi akalain ni Jasmin na may pagkachismoso din pala ang lalake. "Pasensya na kung matanong ako," tila nahiyang sabi ng lalake at nagkamot pa sa kanyang batok. "Ayos lang," tipid na sagot ni Jasmin. "Nandoon nga pala ang bag at maleta mo," turo ng lalake sa gamit ni Jasmin at sinundan naman niya iyon ng tingin. "Ahm... kanina pa tayo magkausap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo at hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa'yo," muli nanaman nahihiyang saad ng lalakeng nasa harap ni Jasmin. "Sige mauuna na ako. Ako nga pala si Leandro," nakangiting wika ni Leandro at inilahad ang kanang kamay para makipag-shakehands kay Jasmin. "J-Jasmin, Jasmin ang pangalan ko," at tinanggap naman ni Jasmin ang pakikipagkamay ni Leandro sa kanya. "Jasmin, napakaganda namang ngalan mo," nakatitig si Leandro sa mga mata ni Jasmin habang sinasabi ang mga katagang iyon. Tila nakalimutan ni Leandro na hawak niya ang kamay ni Jasmin dahil nakatitig lang ito sa kulay kayumangging mata ni Jasmin. Si Jasmin na ang bumawi ng kanyang kamay dahil nahihiya siya kay Leandro. Saka naman natauhan si Leandro. Tatlong araw pa nagtagal si Jasmin sa hospital at sa loob ng tatlong araw na iyon ay lagi siyang dinadalaw ni Leandro. Naging kapalagayan na din ng loob ni Jasmin si Leandro. Nakikita niya naman kasi na mabuting tao si Leandro. Napag alamanan ni Jasmin na bente uno anyos na pala si Leandro at nagtapos na ito sa kursong B.Tech Automotive Engineering. Kakagraduate lang ni Leandro pero nagsisimula na siyang pamahalaan ang automotive business ng pamilya nila. Nais pa nga ni Leandro na kuning secretary si Jasmin kahit na dise otso pa lamang ang dalaga. Bagay na ikinahihiya ni Jasmin dahil apat na araw palang sila magkakilala ni Leandro at hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral niya sa kursong Political Science dahil nga sa kanyang kondisyin ngayon. Iniisip din ni Jasmin na baka madamay sa kahihiyan ang pangalan ni Leandro kaya naman tinanggihan niya ang binata. Halata sa mukha ni Leandro ang pagkalungkot nang tanggihan siya ni Jasmin pero ng tanungin niya ang dalaga kung may matutuluyan ba siya ay hindi ito nakasagot sa kanya. Kaya naman naging mapilit si Leandro hanggang sa napapayag niya si Jasmin. Sa condo ni Leandro sa Makati pasamantalang naninirahan si Jasmin. Paminsan-minsan lang naman daw nauwi doon si Leandro dahil sa mansion nila nauwi si Leandro. Sobra-sobra na daw ang tulong ni Leandro sa kanya ani ng dalaga pero hindi iyon alintana ni Leandro. Ipinaalam ni Leandro sa kanyang daddy na si Don Rodolfo ang tungkol kay Jasmin. Ipinaalam pa ni Leandro na nasa condo niya ito naninirahan pansamantala at nais niyang maging secretary ang dalaga. Ngunit hindi niya ipinaalam ang kalagayan ng dalaga. Alam niya kasi na magagalit ang kanyang ama. Noong una ay tutol si Don Rodolfo sa gusto ni Leandro lalo na ng malaman niyang dise otso palang si Jasmin. Pero naging makulit si Leandro at lahat ng bagay na gustuhin ni Leandro ay binibigay niya dahil si Leandro ang panganay niyang anak. Kaya naman pumayag na din si Don Rodolfo. Pantay-pantay naman ang pagmamahal niya sa pito niyang mga anak yun nga lang ay mas spoiled sa kanya si Leandro. Kay Leandro nga niya ipapamana ang Fajardo Automotive Group, Inc. Ito ang pangunahing business ng Fajardo Clan. Nagising si Jasmin dahil sa ingay banda sa may kusina. Sa condo na kasi ni Leandro siya tumutuloy. Kahit na nahihiya siya sa binata ay tinanggap na rin niya. Naisip niya din kasi ang batang nasa sinapupunan niya. Dahan dahan siyang naglakad patungo sa kusina. Hinanda niya rin ang kanyang sarili sa mangyayari. Baka kasi kung sino ang nakapasok sa condo. "Oh! Gising ka na pala," napapitlag si Jasmin nang sumulpot sa harap niya si Leandro na may suot-suot na apron. "Pasensya na nagulat ba kita?" natatawang tanong ni Leandro kay Jasmin. "Medyo lang. Akala ko kasi ay may nakapasok na ibang tao sa condo mo," paliwag ni Jasmin at napatingin siya sa lamesa na may nakahain ng pagkain. "Tara kain na tayo. Sabay tayong papasok sa office," aya ni Leandro kay Jasmin at ang binata na din ang nag ayos ng mga plato nila. "Hindi ba nakakahiya iyon?" mahinang tanong ni Jasmin habang nakatingin sa kanyang plato. "Bakit ka naman mahihiya eh ikaw ang secretary ko. Ibig sabihin nun makakasama mo ako palagi," paliwanag sa kanya ni Leandro. Napansin ni Leandro ang pagkatahimik ni Jasmin kaya naman pinalakas na lang niya ang loob ng dalaga. "Kumain na tayo para maaga tayo makarating sa office ko. Ililibot din kita sa pagawaan ng mga engine. Ipapakita ko din sayo kung paano kami nagdedesign ng mga sasakyan," nakangiting saad ni Leandro. "Jasmin, trabaho ang gagawin mo doon at tutulungan naman kita. Gagawin mo ito dahil sa magiging anak mo," sa wakas ay nakuha na niya ang atensyon ni Jasmin dahil napatingin na sa kanya ang dalaga. "Tama ka. Kailangan ko mag ipon para sa anak ko," sabi ni Jasmin at hinawakan niya ang kanyang tiyan. Ganun nga ang ginawa nina Leandro at Jasmin. Ipinakilala ni Leandro sa buong team ng bawat department si Jasmin bilang bago niyang secretary. Nagkataon din na nandoon si Don Rodolfo kaya naman ipinakilala din siya ng binata sa kanyang ama. Ngunit hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Don Rodolfo. Agad nagpaalam ang ama ni Leandro dahil may iba pa daw itong pupuntahan. Gaya ng sinabi ni Leandro ay inilibot siya nito sa pagawaan at kung saan dinedesenyuhan ang isang sasakyan. Nakita din ni Jasmin kung paano nila iassemble ang mga parte ng sasakyan. May nakaharang naman na salamin kaya malaya kang makakapanuod mula sa labas. Nakita din ni Jasmin kung saan at paano gawin ang mga makina ng isang sasakyan. Doon nila ginagawa at inuupgrade ang mga makina. Maging ang testing area kung saan tinetest ang isang sasakyan kung tama ba ang pagkakagawa ay ituro sa kanya ni Leandro. Talagang nalibang si Jasmin. Madami rin siyang natutunan tungkol sa sasakyan. Ang ama niya kasi ay mahilig sa mga makabagong sasakyan. Hindi lubos akalain ni Jasmin na sobrang laki at malawak pala ang building ng Fajardo Automotive. Namangha din siya sa disenyo ng gusali. Hiwalay ang mga opisina at actual na pagawaan ng sasakyan. Bawat parte ng sasakyan ay hiwalay ang kwarto na pinapagawaan. Sabi ni Leandro ay upang mabusisi ng todo ang mga piyesa at maging organize ang lahat. Nasa likod din ng gusali ang lugar kung saan ang testing area sa bawat sasakyan na kanilang matatapos na gawin. Tinuro din ni Leandro kay Jasmin kung ano ang gagawin ng isang secretary. Agad naman iyong nakuha ni Jasmin. Kilala ang Fajardo Automotive Group, Inc. sa pag-ma-manufacture ng iba't ibang sasakyan. Maging ang bus at trucks ay nagma-manufacture na din sila. Madami silang kabusiness partner na iba't ibang brand ng mga sasakyan na kilala sa buong mundo. Kilala din sila sa pag-u-upgrade ng mga engine ng sasakyan lalo na sa sports car. Pinasok na din ng Fajardo ang paggawa ng mga tires at battery bagay na wala sa ibang kumpanya na nahahanay sa automotive industry. 8 months later... "Wala pa ba si Jasmin? Anong oras na. Mag uumpisa na ang meeting," tila aligagang wika ni Leandro sa kanyang sarili. Ngayong araw kasi mag-pre-present ng kanyang design si Jasmin sa mga investor na ka-meeting sana nila ngayon. Pero sampong minuto na lang ay wala pa din si Jasmin. Hindi maiwasan ni Leandro na mag-alala. Lalo na at kabuwanan na ngayon ni Jasmin. Sa walong buwan na pagtratrabaho ni Jasmin sa Fajardo Automotive ay madami na siyang natutunan. Umaattend pa nga si Jasmin ng mga seminar na patungkol sa automotive industry. May balak din si Jasmin na mag-shift ng kanyang course katulad ng kay Leandro. Talagang na-enjoy ng dalaga ang pagtratrabaho sa Fajardo Automotive. Ngayon ay nakahiligan na din niya ang mga sasakyan. At sa walong buwan ding iyon ay laging magkasama si Leandro at Jasmin. Sa lahat ng check-up ni Jasmin ay Leandro ang kasama niya. Minsan nga ay akala ng obgyne ni Jasmin si Leandro ang ama ng bata. Bagay na hinihiling ni Leandro na sana ay siya na lang sana ang ama ng dinadala ni Jasmin. Sa walong buwang nagdaan ay mas lalong lumalim ang pagtingin ni Leandro kay Jasmin. Kahit pa noong unang pagkikita palang nila ay nabighani na ni Jasmin ang puso ni Leandro. "Sir Leandro? Nagtatanong na po ang mga investor kung nasaan na si Miss Gomez," tanong ng isang Manager sa isang department ng Fajardo Automotive. Hindi na nag abala pang sumagot si Leandro sa Manager at tumakbo na ito palabas ng building. Tinatawag pa nga siya ng Manager pero hindi na niya alintana iyon. Talagang nag-aalala siya kay Jasmin. Pakiramdam niya ay may masamang nangyari sa dalaga. Agad siyang sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot iyon papunta sa kanyang condo. Nang makarating siya sa building kung nasaan ang kanyang condo unit ay agad siyang lumabas sa kanyang kotse at tumakbo papunta sa elevator. Nasa 15th floor pa ang kanyang unit. Mabuti na lang ay bumukas agad ang elevator at saktong walang tao. Pagbukas pa lang ng pintuan ni Leandro ay bumungad na sa kanya ang nakahandusay na katawan ni Jasmin at walang malay. Agad niya itong nilapitan at natigilan siya nang makita niya ang dugo sa may sahig kaya naman napatingin siya sa binti ni Jasmin na may dugo din. Nanlaki ang mata ni Leandro. Kinabahan na din siya para kay Jasmin at sa batang nasa sinapupunan ni Jasmin. Tarantang binuhat ni Leandro ang walang malay na si Jasmin at dinala sa pinkamalapit na hospital. Agad namang inasikaso ng mga nurse at doctor si Jasmin. Agad siyang ipinasok sa operating room. "Sir? Kayo po ba ang asawa?" tanong ng doctor na kakalabas lang ng OR. "Opo ako nga. Kamusta na po si Jasmin? Ang bata?" "Tatapatin ko na kayo Sir, dahil madaming dugo ang nawala sa misis niyo nanganganib ang buhay nilang dalawa ng anak niyo. Kinakailangan din namin siyang i-cesarean," halos bagsakan ng langit si Leandro sa sumunod na sinabi ng doctor. "Kapag nagkataon kailangan niyong mamili kung sino ang ililigtas sa kanilang dalawa. Ang asawa niyo o ang bata," "Doc, iligtas niyo po silang dalawa. Pakiusap Doc. Kahit magkano pa ang gastusin ko mabuhay lang silang dalawa. Kahit ibigay ko Doc ang dugo ko. Pakiusap Doc," pagmamakaawa ni Leandro sa Doctor. "Huwag kayo mag alala Sir gagawin namin ang lahat para mailigtas silang dalawa," sabi ng doctor at bumalik na sa OR. Ilang oras pa naghintay si Leandro sa labas ng OR. Pakiramdam niya ay napakabagal ng oras. Gusto na nga niya hilahin ang oras o di kaya ay pumasok sa OR. Talagang hindi siya mapakali. Nais na niyang makita si Jasmin. Hindi rin alintana ni Leandro ang gutom dahil sa pinaghalong kaba at takot. Lahat na rin ng santo ay nahingian na niya ng tulong. Napalingon agad si Leandro ng bumukas ang dalawang pintuan ng operating room. Agad siyang lumapit sa doctor na seryoso ang mukha. "Doc? K-kamusta na po ang mag ina ko?" nauutal at kinakabahang tanong ni Leandro. "Tagumpay ang operation," nakangiting sabi ng doctor at halos naiiyak sa tuwa si Leandro. "Congratulations Mr. Fajardo lalake ang anak niyo. Ililipat na ang misis niyo sa recovery room at pwede niyo na makita ang anak niyo maya-maya," halos mapatalon si Leandro sa nabalitaan. Pakiramdam ni Leandro ay siya ang tunay na ama ng anak ni Jasmin. Napatayo sa sofa na inuupuan si Leandro ng makita niyang gising na si Jasmin. Ilang oras din siyang naghintay bago magising si Jasmin. "Salamat sa Diyos at gising ka na din Jasmin. Alam mo bang nag-alala ako sayo?" mahinahong wika ni Leandro habang hawak ang kamay ni Jasmin. "L-Leandro?" tila hindi makapaniwalang na nasa tabi niya si Leandro. Ang huling naaalala niya ay papasok na sana siya sa trabaho pero sobra siyang sinakitan ng tiyan. Alam niyang manganganak na siya ng mga oras na iyon dahil naramdaman niya na pumutok na ang kanyang panubigan. Tatawagan niya sana si Leandro upang humingi ng tulong pero sa di inaasahan ay nadulas si Jasmin at tumama ang ulo niya sa kanto ng lamesa. Masama ang pagkakauntog niya kaya naman nawalan siya ng malay. Agad na nataranta si Jasmin ng mahawakan niya ang kanyang tiyan. "Leandro! Ang anak ko? Nasaan ang anak ko?" hagulgol at tila nagwawala sa sariling tanong ni Jasmin agad siyang napadaing dahil kumirot ang tahi niya. "Ssssh! Kumalma ka lang Jasmin baka bumuka ang tahi mo," agad na niyakap ni Leandro si Jasmin at pinakalma dahil tuloy pa din ang kanyang paghagulgol ng iyak. "Ang anak ko..." "Ligtas siya Jasmin, isa ka ng ganap na ina ngayon," balita ni Leandro kay Jasmin at hinalikan niya si Jasmin sa kanyang noo. Napatigil sa paghagulgol at napatingin kay Leandro. Tila nangungusap ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa binata. "T-talaga?" kung kanina ay umiiyak siya sa pag aalala ngayon umiiyak na siya sa labis na kasiyahan. "Oo Jasmin, ang gwapo ng anak mo. Ako yata ang pinaglihian mo eh," hindi rin maiwasan ni Leandro na hindi mapaluha habang sinasambit iyon. "Lalake siya? Lalake ang anak ko?" walang mapagsidlan ng tuwa si Jasmin sa mga oras na ito. Sabay na napatingin sina Jasmin at Leandro ng bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babaeng nurse na may karga-karga sa kanyang bisig. Nakangiting tumayo ang nurse sa harap ni Jasmin. Maingat na ipinakarga ng nurse ang bagong silang na sanggol kay Jasmin. Noong una ay nag-aalangan pa si Jasmin pero nginitian at tinanguan siya ni Leandro. Nang makarga na ni Jasmin ang kanyang bagong silang na anak ay labis na kasiyahan ang kanyang naramdaman. "A-anak ko," hindi makapaniwalang iyak ni Jasmin na hawak na niya ang kanyang anak. Umiyak ang sanggol kaya naman nataranta si Jasmin. "Nararamdaman kasi ni baby na umiiyak ka," biglang sabi ni Leandro sabay punas sa luha ni Jasmin kaya naman napatango sa kanya si Jasmin dahil naintindihan niya ang ibig sabihin ni Leandro. "Tahan na baby, hindi na iiyak si mama," kausap ni Jasmin sa kanyang anak na umiiyak at hinalikan niya sa noo ang sanggol. "Masaya lang si mama kasi sa wakas nakita na kita. Mahal na mahal kita anak ko," muli ay hinagkan ni Jasmin sa noo ang anak at bigla na lang tumigil sa pag iyak ang kargang anak ni Jasmin. "Nakikita ko na mabait siyang bata Jasmin," natutuwa si Leandro sa anak ni Jasmin. "Tignan mo kamukha mo siya pero yung mata niya sa akin niya namana," dagdag pa na sabi ni Leandro at minulat niya ang kanyang mata gamit ang kamay kaya naman napatawa si Jasmin. "Maraming salamat sa iyo Leandro. Ang laki ng utang na loob ko sa'yo," seryosong sabi ni Jasmin kay Leandro. Hindi agad nakapagsalita si Leandro. Gusto na sana niya sabihin ang tungkol sa nararamdaman niya pero pinapangunahan siya ng takot. Pakiramdam rin niya ay hindi pa ito ang tamang oras para umamin kay Jasmin. Kaya naman mas pinili na lang ni Leandro na ngumiti kay Jasmin at iniba ang usapan. "May naisip ka na bang ipapangalan sa kanya?" napatango si Jasmin sa tanong sa kanya ni Leandro. "Meron na. Tiyak akong babagay sa kanya ang pangalang napili ko," masayang pahayag ni Jasmin saka muling nagsalita. "Roch Ian Gomez." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD