Papasikat pa lang ang araw sa AVIAB Resort ngunit marami ng tao sa beach. Ang iba ay upang mag swimming. Ang iba naman ay nag-e-exercise katulad ng pag jojogging. Kanya-kanya sila ng ginagawa. Karamihan ay grupo-grupo, ang iba ay solo lang. Tila tumigil sila sa kanilang ginagawa dahil sa pagdaan ng isang lalakeng nag-jojogging
Lahat ng madadaanan ng lalakeng nag-jojogging ay napapatingin sa kanya. Sinusundan pa nga nila ito ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin nila. Ang ibang mga babae ay hindi mapigilan ang kilig kaya naman napapatili sila. Ang iba ay napapatigil sa kanilang ginagawa at napapanganga na lang sa paghanga. His jaw-dropping looks make every girl fall for him. Even boys look up to him and want to know his fitness secret.
Paano ba naman tanging beach board short sport jogging lang ang suot niya na hanggang itaas lang ng kanyang tuhod. Bumagay din sa kanya ang kulay ng kanyang short niya na gradient blue. Naka-topless lang siya kaya naman marami ang naglalaway na kababaihan dahil na din sa six pack abs. Talagang mahahalata mo na maalaga ito sa kanyang katawan.
He gets his envious body shape by sweating out at the gym regularly and at the same time, by giving proper rest to his body. Yun nga lang minsan ay hindi siya nakakatulog ng maayos dahil sa busy schedule niya dahil isa siyang businessman.
He is Roch Ian Fajardo one of the hottest billionaires in the Philippines and the CEO of Fajardo Automotive Group, Inc. Roch is known as a competitive businessman at all times and doesn't know how to give up easily. May pagka perfectionist din minsan si Roch. Ayaw niya kasi napapahiya sa kanilang mga clients at investors. Higit sa lahat gusto niya na ipagmalaki siya ng kanyang lolo. Ang Don ng Fajardo Clan.
Tinanggal ni Roch ang earphone na nakalagay sa kanyang tenga. Tiningala niya ang sikat ng araw. Napadako naman ang tingin ni Roch sa karagatan. Napakapayapa ng dagat. Wala pa masyadong alon dahil hindi pa gaanong kalakasan ang hangin. Hindi alintana ni Roch ang mga lantarang kumukuha ng kanyang litrato. Dahil habang nakatingin siya sa dagat ay may naaalala siya. A bad memory he will never forget.
"Roch," bumalik sa wisyo si Roch ng tawagin siya ng kanyang kaibigan na siyang may-ari ng AVIAB Resort.
"Bro," sabay fist bump nilang dalawa.
"Umagang-umaga nang aakit ka na ng mga girls," pabirong sabi ni Giordano sa kanya.
He is Giordano Matthew Andrade, a CEO and the owner of Andrade Villa Island and Beach Resort also known as AVIAB Resort located in Islands on different mainland nationwide. He is also one of the hottest billionaire best friend of Roch since college.
There are seven of them in the group, and they are all colleagues. All of them is a drop-dead gorgeous successful billionaire businessman what girls dream of.
"Kusa naman silang naaakit kahit wala akong ginagawa," natatawang sagot ni Roch kay Giordano habang sabay silang naglalakad sa dalampasigan ng resort.
Mas lalong naulol na parang aso ang mga kababaihan dahil dalawa na ngayon ang mala-diyos sa kagwapuhan at pagkamaskulado ang rumarampa sa harap nila. Bukas kasi ang tatlong butones na suot ni Giordano na printed polo kaya bahagyang kita ang kanyang abs.
"Nga pala bro, salamat pumayag ka na dito namin gawin ang transaction at contract signing with Jarexx Group," wika ni Roch at tinapik ang balikat ni Giordano.
Nang malaman ni Roch na naghahanap ng kumpanya ang Jarexx Group of Companies upang makabusiness partner dito sa Pilipinas ay ginawa ni Roch ang lahat upang ang Fajardo Automotive Group, Inc. ang makakuha ng deal.
Kilala ang Jarexx Group of Companies sa buong mundo lalo na sa Asya sa kagalingan nito sa pagmamanufacture ng kotse, sport car, motor at maging helicopter at engine ng mga eroplano.
"No worries, basta akin ang kalahati jan! 'Wag lang panay kalokohan ang ipinupunta niyo dito sa resort ko," buntong-hiningang saad ni Giordano.
"Mag invest ka para may makuha ka. Ang yaman-yaman mo pinang chichix mo lang ata yaman mo," natatawang ganting biro ni Roch kay Giordano kaya naman sinuntok ni Giordano si Roch ng mahina sa kanyang braso kaya mas lalong natawa si Roch.
"Gago loyal to, ang kuripot mo talaga," kunwari ay napipikon na sabi ni Giordano.
"Palibhasa ay lagi ka nakakulong dito sa lungga mo. Kailan mo ba balak na lumabas dito bro?" kantiyaw ni Roch kay Giordano na ngayon ay nakakunot na ang noo.
"Mag-paparty si Maximo sa suite ni Pariston baka hindi ka nanaman makapunta," seryosong dugtong ni Roch.
Dito na kasi sa Isla nakatira si Giordano para matutukan niya ang resort niya. At simula noon ay hindi na siya umalis pa sa resort niya. Kaya naman ang anim pa niyang mga kaibigan ay laging pumupunta sa resort niya upang mag bonding lalo na mag-inuman. Bagay na minsan ay kinaiinisan niya dahil kapag magkakasama sila ay makukulit ang mga ito. Bagay na ayaw niya. Ayaw ni Giordano na kinukulit siya. Pero sa totoo lang ay namimiss din niya ang mga kaibigan. 'Yun nga lang ay kailangan niyang tutukan ang kanyang resort
"Bahala na bro. Pero mukhang makukumpleto tayo ngayon," napahilot na lang sa kanyang sentido si Giordano bago muling nagsalita.
"Sabay-sabay sila pupunta dito sakay ng yate ni Octavo."
"Mabuti mahaba-habang inuman ito!" excited na sabi ni Roch.
Natigil ang kwentuhan ng magkaibigan ng lumapit ang lalakeng secretary ni Roch.
"Sir, the Jarexx Group are already in the resort with the engineers. And they want to meet you immediately," pahayag ng kanyang secretary.
"Okay, prepare the proposal and we will start in 20 minutes," bahagyang nag-bow ang secretary ni Roch sa kanila at tinanguan naman ito ni Roch kaya umalis na ang secretary niya para maghanda.
"Sige Roch una na rin ako tatawagan ko pa si Chanel," paalam ni Giordano.
"Sisid well," napahagalpak naman si Roch sa kanyang sinabi kahit na pabiro lang iyon.
"Gago! Paano makakasisid magkalayo kami," sabay na humagalpak sa tawa ang magkaibigan. Nasanay na silang magkakabarkada na magbiruan na may ibang kahulugan. Natural na iyon sa kanila.
Pabalik na sana si Roch sa kanyang suite ng may madaanan siyang babaeng tantiya niya ay nasa 50's na ito. Alam niyang isang staff ito ng resort dahil sa suot nito. Pagewang-gewang ang lakad. Pilit niyang inaayos ang lakad niya dahil may hawak pa siyang tray na puno ng pagkain.
Dahil likas na kay Roch ang pagiging matulungin kapag alam niyang kinakailangan ay di na siya nagdalawang-isip na lapitan ang babaeng staff.
"Okay lang po ba kayo?" tanong ni Roch habang nakahawak sa babae upang alalayan dahil kung hindi pa siya lumapit ay baka natumba na ang ale.
"Nahihilo po ako Sir, marahil ay sa init ng sikat ng araw." sagot sa kanya ng ale.
Kita rin ni Roch na tumatagaktak ang pawis ng ale. Pansin din niya na hindi normal ang paghinga nito. Inalalayan niya ang ale at pinaupo sa upuan yari sa bato. Maingat din inilapag ni Roch ang tray na may lamang pagkain.
"Mabuti pa ay umuwi na lang kayo at magpahinga," hindi kasi talaga mabuti ang pakiramdam ng ale.
"Kailangan ko pa pong ihatid ang order ng guest. Kung hindi ay baka sa akin i-charge ang mga iyan kapag hindi nakarating sa guest. Wala ho akong pambayad jan," napabuntong-hininga si Roch sa sinabi ng ale.
"Sige ho ako na lang ang maghahatid nito para hindi kayo ang malagot," kumislap ang mata ng ale sa sinabi ni Roch pero bahagya pa din itong nahihiya dahil alam niyang guest din ang binata at kaibigan pa ng may-ari ng resort.
Lumingon-lingon si Roch upang tignan kung may ibang staff pa ang nasa lugar na iyon. Mabuti na lang ay may napadaan na isang housekeeping staff. Sinabi ni Roch na ihatid ang ale dahil masama ang pakiramdam. Saka kinuha ang tray na may lamang pagkain. Tinignan ni Roch ang card dahil alam niyang doon nakasulat kung saan dadalhin ang pagkain.
Madali niyang nahanap ang tinutuluyan ng nag-order ng pagkain. Sa isang villa house tumutuloy ang nag-order ng pagkain. Kumatok si Roch ng ilang beses at lumayo siya ng maramdaman niya na pabukas na ang pintuan. Isang babae ang lumabas sa mula sa loob ng villa house.
"Here's your order."
Napangisi si Roch ng mapansin niyang masyado na atang nakatingin sa katawan niya ang dalaga. Unang napansin naman ni Roch ang mapupulang labi ng dalaga at ang mga matang parang nangungusap. Ni hindi nga pinansin ng dalaga ang pagkain niya.
"Enjoying the view ma'am?" nakangising tanong ni Roch sa babaeng kaharap.
Bumalik sa wisyo ang babae dahil napakunot ito ng kanyang noo. Tila hindi nagustuhan ang sinabi ni Roch. Lalo napangisi si Roch ng tumaas ang kilay ng dalaga.
"Tama bang mag serve ka nang pagkain na naka-topless in front of your guest, as employee of this resort, you should know the proper hygiene and manners!" tila sinesermunan siya ng dalaga sa kanyang posisyong nakahalukipkip ang mga kamay at nakataas ang isang kilay.
Natawa sa kanyang sarili si Roch kahit may konting nararamdamang inis sa dalaga dahil inakala ng dalaga na isa siyang staff ng resort. Mas gusto pa tuloy ni Roch asarin ang babae dahil sa reaksyon nito.
"Saan ko po ba ilalagay ito MA'AM?" at talagang inemphasize ni Roch ang word na ma'am para mas asarin ang dalaga.
"Akin na!" walang ganang sabi ng babae pero may pagkamasungit pa din ang boses.
Mas lalong naasar ang dalaga dahil sa ngisi ni Roch. Kaya mas minabuti na lang niya na tumalikod na lang ngunit nagsalitang muli si Roch.
"Wala man lang thank you? Ganyan ka ba magpakita ng gratitude sa STAFF na nagserve sayo?" nakangising tanong ni Roch.
Ayaw pa niyang mawala sa kanyang paningin ang dalaga. Tila nakalimutan ni Roch na may naghihintay sa kanya na kanyang ka-meeting. Hindi malaman ni Roch kung ano ang meron sa dalaga bakit siya nagkakaganun kaya yun ang kanyang aalamin.
"Edi thank you. Tss." sabay irap kay Roch.
Mas lalong nainis ang dalaga sa huling sinabi nito bago siya iwanan na nanggagalaiti sa inis.
"Enjoy staying here ma'am. And I'm looking forward to seeing you again and to serve you." ngumising muli si Roch bago muling nagsalita.
"Just be ready kitty because you got my attention," sabi ni Roch sabay kindat sa dalaga bago umalis.
---