"Kuya, huminahon ka nga. Baka mamaya ay ikaw naman ang magkasakit," sabi ni Thalia sa kanyang kuya Roch na kanina pa naglalakad na pabalik-balik. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din nalabas ang doctor ni Vivoree sa O.R at hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin sa mga oras na ito. Halos gusto na nga ni Roch na pumasok sa operating room upang matignan niya ang kalagayan ng kanyang mag-ina. At si Thalia ang naisip niyang tawagan upang samahan siya dahil hindi na siya makapag-isip ng tama din. "Sa tingin ko ay dapat malaman na ito nina mama at papa," sabi ni Thalia sa kanyang kuya dahil naaawa na ito sa kanyang itsura. "Huwag na. Ayoko na silang bigyan pa ng problema," sabi ni Roch at umupo na lang siya sa upuan sa labas ng operating room. Kaya naman nilapitn ni Thalia ang kanyang

