Chapter 6
Habang nakasakay sa taxi at nasa biyahe si Roch papunta sa kanyang opisina ay tumunog ang kanyang cellphone. Hindi naman maarte si Roch kung saan siya sasakay. Kahit nga pasakayin mo siya ng jeep ay kaya niya. Sanay naman kasi sa hirap ang katawan ni Roch. Bago siya naging matagumpay na bachelor ay madami muna siyang pinagdaanan na hirap at sakit.
Bagay na alam ng kanyang mga kaibigan dahil hindi iyon nilihim ni Roch sa kanila. Sa batang gulang pa lamang kasi ay kinailangan na magtrabaho ni Roch upang mabuhay sila ng kanyang ina at tinuturing na ama. Lalo na at may isang bangungot noon ang nangyari sa pamilya nila na bagay na pinipilit kalimutan ni Roch ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya magawa.
Kaya nga kung minsan ay gusto niyang mapag-isa muna kahit na kasama niya ang mga kaibigan. Madalas din na nagiging tahimik at moody si Roch bagay na tinanggap ng mga kaibigan niya na ugali ni Roch. Minsan joker, palatawa pagkatapos ay bigla na lang magseseryoso at hindi makausap na gusto mapag-isa. Hindi rin nila mabasa kung ano ang nasa isipan ni Roch dahil pabago-bago nga siya ng isip at ugali. Kapag nangyari iyon ay iniintindi na lang siya ng mga ito lalo na at alam naman nila kung ano ang pinaghuhugutan ng binata. Tanggap naman nila ang ugali ng isa't isa kaya naman kahit na may kanya-kanya na silang pinagkakaabalahan at pinapalagong negosyo ay nananatiling matatag ang pagkakaibigan nila na nagsimula noong nag-aaral sila ng kolehiyo.
Basta huwag lang pasakayin o papuntahin ng masyadong mataas na lugar si Roch dahil mayroon siyang fear of heights. Agad niyang kinuha iyon at tinignan kung sino ang tumatawag. Agad niyang sinagot ang tawag ng makilala niya kung sino iyon, ang Kuya Hunter niya, isa sa mga pinsan niya.
"Hello Kuya Hunter," bati niya sa kanyang pinsan. Si Hunter Fajardo ang pinakamalapit niyang pinsan sa lahat, isa rin ito sa mga nagtatanggol sa kanya kahit noong mga bata pa sila kapag pinapagalitan siya ng Lolo nilang si Don Rodolfo. Mas matanda si Hunter ng tatlong taon kesa sa kanya.
"Nasaan ka na Roch?" napakunot naman ang kanyang noo sa tanong ng kanyang pinsan. Nagtataka siya kung bakit naitanong iyon sa kanyang Kuya Hunter niya.
"I'm on my way. Bakit kuya? May problema ba?" seryosong tanong niya. "Malapit na ako sa opisina."
"Bilisan mo Roch, nandito kami sa opisina mo at si Tito Leandro lang ang inabutan ni Grandpa. Hinahanap ka. Mag-ingat ka rin dahil mukhang wala nanaman sa kanyang timpla si Grandpa," hindi na nagulat si Roch sa sinabi ng kanyang Kuya Hunter.
"Sanay naman na ako kay Sir Rodolfo," saglit na natigilan si Hunter dahil may nararamdamang awa siya sa tinuturing na pinsan at kapatid na si Roch dahil hanggang ngayon ay Sir pa din ang tawag niya sa kanilang Grandpa. Pakiramdam kasi ni Roch ay wala siyang karapatan na tawagin itong Lolo o Grandpa man lang kahit na isa na siyang ganap na Fajardo.
"Hindi ko kailangan ng awa Kuya," kalmado ngunit madiin na sabi ni Roch sa kanyang Kuya Hunter na kausap niya sa kabilang linya. Nararamdaman kasi nito ang emosyon ng pinsan batay sa kanyang paghinga. Isa pa sa mga katangian ni Roch ay ang kanyang malakas na pakiramdam.
Pagkatapos iyon sabihin ni Roch ay bigla niyang ibinaba ang tawag atsaka siya tumingin sa labas ng bintana ng taxi na kanyang sinasakyan. Kahit kailan ay ayaw na ayaw niyang kinaaawaan siya o ipinaparamdam na isa siyang mahinang tao. Tama na ang mga naranasan at naramdaman niya noon. Hindi na niya hahayaan na maranasan ang pagdurusang iyon lalo na ang mama at papa niya higit sa lahat si Thalia.
Ipinapangako rin ni Roch sa kanyang sarili ay balang araw magagawa na din siyang tanggapin ng kanyang lolo Rodolfo kaya naman gagawin niya ang lahat para matanggap at kilalanin siyang ganap na apo nito. Mahal niya ang kanyang lolo Rodolfo simula pa noong bata siya hanggang sa maikasal ang kanyang ina at ama. Si Don Rodolfo Fajardo ang ama ng kanyang amang si Leandro Fajardo at tutol ito sa relasyon ng kanyang ina na si Jasmin Gomez sa panganay na anak ni Don Rodolfo na si Leandro. Pero hindi nito nahadlangan ang pagpapakasal ng dalawa at iniwanan pa ng kanyang ama ang pagiging isang tagapagmana ng kumpanya ng mga Fajardo upang makasama ng maligaya ang kanyang ama. Hanggang sa sinabi sa kanya ng kanyang ama na gagawin siya nitong Fajardo. Mas lalong tumutol doon si Don Rodolfo dahil ayaw niyang madungisan ang pangalan nila ng isang batang galing lang naman sa isang disgrasya kaya mas lalo silang tinutulan ni Don Rodolfo at ang mas masaklap ay itinakwil sila nito.
Tumunog ulit ang cellphone ni Roch hudyat na may tumatawag sa kanyang muli. Pagtingin niya ay hindi naman iyon nakarehistro sa kanyang contact ngunit kanya pa ring sinagot dahil baka importante at tungkol sa kanilang negosyo ang tawag. Sa pangatlong ring ay kanya na itong sinagot.
"Kuya Roch!" napangiti naman si Roch ng mabosesan niya ang tumawag sa kanya.
"Zen! Kamusta? Mabuti at napatawag ka. Kailan ka nakauwi?" siya si Zen Sneddon, ang nakakabatang kapatid ni Zach na kanya ring kapatid.
Tatlong taon rin kasing nanirahan si Zen sa Tennessee upang asikasohin ang kanyang negosyo doon. Kaya naman natutuwa si Roch dahil nakauwi na pala ito dito sa Pilipinas. Noong nasa bansang Tennessee pa si Zen ay madalas naman silang nagkakausap sa video call.
"Ngayong araw lang din Kuya Roch. Ahm, bonding naman tayo nila Kuya Zach. Yung tayong tatlo lang," diretsahang sabi sa kanya ni Zen kaya naman bahagya siyang natigilan dito. Bumigat din ang kanyang paghinga. Kapag kasi napunta ang usapan sa mga kapatid niya sa ama ay hindi siya nagiging kumportable.
"Kuya? Are you still there?" rinig niyang tanong ng kapatid sa kabilang linya.
"Maybe next time, sorry Zen," malungkot na pagkakasabi ni Roch saka niya mabilis na ibinaba ang tawag nito. Hindi naman gusto niyang gusto gawin iyon kay Zen ang kaso hindi pa siya handa. Hindi pa ngayon.
Pagkababa ng tawag ay pinakalma niya agad ang kanyang sarili dahil malapit na siya sa kanyang opisina. Kailangan niya maging handa sa anumang sasabihin sa kanya ng Lolo. Kailangan hindi siya maging mukhang katawa-tawa sa paningin nito kaya naman inayo niya din ang buhok pati na ang suot nitong damit na pang office.
"Good morning Sir Roch," bati sa kanya ng security guard nila. Isa pa sa mga ugali ni Roch ay ang pagiging magalang sa mas matanda sa kanya. Kaya naman halos lahat ng empleyado nila ay kasundo siya. 'Yun nga lang ayaw niyang inaabuso ang kanyang kabaitang ipinapakita.
"Good morning din po," ganting bati ni Roch saka naman napadako ang tingin niya sa isang maliit na kuting na ngumingiyaw. Kulay ginger ito at mukhang nanghihina. Natitiyak ni Roch na hindi pa ito nakakain sa mga oras na ito. Alam din ng binata na dapat sa ganyang liit pa lang niya ay dapat nasa tabi pa siya ng kanyang ina.
"Naku! Naiingayan po ba kayo? Gusto niyo ba ay iligaw ko?"
"No!"
Biglang sigaw ni Roch kaya naman bahagyang nagulat ang security guard dahil doon. Saka naman natauhan si Roch sa kanyang naging reaksyon. Saka siya mabilis na kumuha ng ilang piraso ng papel na tig-isang libo. Nag-aalangan naman iyong tinanggap ng guard.
"Sir, para saan po ang perang ganito karami po?"
"Dalhin mo yung kuting sa malapit na vet dito. Banggitin niyo lang po ang pangalan ko at alam na nila ang gagawin. Bilhin niyo po ang mga pangangailangan ng kuting at kung may sobra sa 'yo na po," nakangiting wika ni Roch sa guard saka naman nalinawan ang hindi naman gaanong katandaang guard.
"Oo nga pala mahilig nga pala kayo Sir Roch sa mga pusa."
---