Chapter 82 "Kailangan kong pigilan ang papa ko!" "Wala na siya sa kanyang katinuan Vivoree! Umalis ka na!" sigaw na muli ni Roch pero hindi siya pinakinggan ni Vivoree sa halip ay mas lalo pang lumapit si Vivoree sa kanyang ama. "Vivoree! Ang tanga mo talaga! Bakit pumunta ka agad?! Dapat mamaya pa! Para masaksihan mo kung paano ako patayin ng lalakeng yan! Ang tanga mo! Hindi mo ba natanggap ang text ko ha?!" napapailing na lang si Vivoree sa inaasal ng kanyang papa. Sa kabila nito ay nasasaktan din siya kaya naman napaluha siya. Tama nga si Roch wala na sa katinuan ang kanyang ama. "Ibig sabihin kayo ang nagtext no'n at hindi si Roch?" "Ayos din 'tong tatay mo Vivoree ah. Gagawin niya pa akong mamatay tayo!" galit na wika ni Roch saka niya pinagplaplanuhan na agawin ang baril sa ama

