Chapter One
ISANG malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Hyde bago tumingala at tingnan ang arko ng bagong school niya kung saan nakalagay ang malaking pangalan niyon.
University of Rizal…
Ang walang tunog na pagbigkas niya sa pangalan niyon. New school. New environment. New classmates. Lahat bago at alam niya na maninibago talaga siya. Mas malaki kasi ang school na papasukan niya ngayon kaysa sa state university na pinasukan niya sa probinsya noong doon pa sila nakatira.
Excited ba siya? Oo. Siguro. Malamang, hindi rin.
Ang totoo ay hindi siya excited dahil sa ideyang siya na lang ang papasok nang mag-isa sa bagong school niya. Hindi na niya makakasama ang kakambal na si Clyde sa araw-araw na pagpasok. Ngayon lang kasi siya malalayo sa kakambal niya. Sa tagal ng pagsasama nilang magkapatid, mula elementarya hanggang high school ay ngayon lang ito mangyayari sa kanila. Hindi pa naman siya sanay na nag-iisa. Nasanay na siya kasi na palaging nasa tabi niya si Clyde.
Iba kasi ang kursong kinuha ni Hyde sa kurso ni Clyde. Meron rin naman niyon sa URS ngunit mas pinili ni Clyde na mag-aral sa Saint Ambrose University o mas kilala sa tawag na SAU.
Nalulungkot at nag-aalala siya sa pwedeng kahinatnan ng unang araw niya sa bago niyang school bilang freshman tudent.
Ang dalawang pakiramdam na naghahari sa kanyang puso ay nagbibigay sa kanya ng uneasiness. Hindi siya sanay sa ganito. Aaminin niya na sa kanilang dalawa ni Clyde ay ito ang mas matapang. Siya ang madalas na ipinagtatanggol nito dahil siya ang madalas na nasasabak sa mga taong mahilig mam-bully.
Mahinhin siyang kumilos kaya naman ay madalas siyang asarin ng mga mahilig mang-asar na 'bakla'. Madalas na iyon ang napupuna sa kanya. Wala naman siyang ginagawa na aksyon tungkol doon. Para sa kanya ay hindi na kailangan. Lately lang niya na-realize, nang makita niya ang Kuya Vin niya na kasama ang Kuya Joen niya na magkasama, na attracted siya sa same-s*x, kahit na attracted rin siya sa opposite s*x. Dahil sa nakita niyang pagmamahalan sa pagitan ng Kuya Vin at Joen niya ay na-realize rin niya na pwede pala ang magkaparehong kasarian magmahalan. Sabihin na may tututol doon pero kapag mahal mo ang isang tao at kapag usapin na pampuso ay wala kang pakialam sa sasabihin ng iba. Siya at ang taong mahal mo lang ang mahalaga.
Alam naman niya na walang kaso sa pamilya niya, lalo na sa mama niya kung katulad siya ng Kuya Vin niya. Tanggap siya ng mga ito. At isa pa ang pagiging parte ng ikatlong kasarian ay wala namang masama. Oo, sa ibang tao na makikitid ang utak ay laging mabibigyan ng malisya ang katulad nila. Laging makikita na masasama sila pero naiisip niya na bakit niya iintindihin ang sasabihin ng ibang tao samantalang wala namang kaso sa pamilya niya kung ano siya.
Nagpapakatotoo lang naman siya sa sarili. Kung pipigilan niya kasi iyon ay siya lang naman ang mahihirapan. At ang ganoon na bagay ay ayaw niyang mangyari sa kanya.
Nag-umpisa na siyang maglakad papasok sa bago niyang school. Huminto siya saglit saka bumunot ng malalim na paghinga. Mula sa kanyang likuran ay may bumangga sa kanya. Dahilan para mawalan siya ng balanse na kamuntikan pang maging sanhi ng pagkakadapa niya. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya at nakatayo siya agad.
Nang matiyak niya ang kalagayan niya, nakatayo na siya ng tuwid. Kinalma niya ang sarili. Hinarap niya ang taong nakabangga sa kanya. Walang makikita na emosyon sa mukha niya.
Nakatingin rin sa kanya ang lalaki.
"'Wag ka kasing haharang-harang sa daan. Alam mo naman na daanan ito talagang nakaharang ka pa."
Mababakasan ng sobrang iritasyon ang mukha nito pati ang paraan ng pagkakasabi nito sa mga salitang iyon. Maliban kasi sa pagkakabangga nito sa kanya ay natapunan pa ang damit nito ng malamig na inumin na hawak nito. Sa kabilang kamay naman nito ay nakita niya ang cellphone nito.
Gusto niyang sagutin ito kaso pinigilan niya ang sarili. Hindi niya ito kilala. Baguhan pa lang siya sa URS at hindi niya kilala kung anong klase ng estudyante meron ang URS. Isa pa ay ibang lugar na ito. Malaki ang pagkakaiba ng probinsya nila sa lugar na ito lalo na ang mga tao. Anong malay niya? Baka kasali ang lalaking ito sa gang o kaya sa fraternity. Mahirap na. Baka sa isang mali niyang kilos ay mapahamak siya. Kailangan niyang mag-ingat. Iyon ang palaging itinatanim niya sa isipan. Lalo na at wala siyang kilala sa bagong school.
"Ano ba naman `yan? Pipi ka ba? Bakit pumayag ang URS na magpapasok ng katulad mo dito sa school? Kung hindi ka sasagot, pwede pakitabi na lang. Nakaka-badtrip! Ang aga-aga, kamalasan kaagad ang sumalubong sa akin. Sa tapat pa talaga ng school," palatak nito.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng bag na nakasukbit sa balikat niya. Nakakainsulto ang lalaking ito! Wala itong karapatan na hamakin ang mga katulad ng sinabi nito kahit na hindi siya kabilang doon. Ang pagtitimpi niya ay hinabaan niya. Ang inis na nararamdaman niya para dito ay ibinaling na lang niya sa higpit ng pagkakahawak niya sa strap ng kanyang bag.
Isinisiksik rin niya sa isipan na kailangan niyang mag-ingat. Magpakumbaba kahit na alam niyang wala siyang kasalanan. Well, partly ay may kasalanan naman talaga siya pero hindi tama na sa kanya nito isisi ang lahat. Pareho silang may kasalanan na dalawa. Kung hindi ito nagte-text habang naglalakad, sana ay nakita siya nito na nakaharang sa daan at naiwasan siya.
"I'm sorry," sabi niya. Iyon lang ang tanging nasabi niya saka yumuko at tumabi.
Bago siya yumuko, nakita niya ang pag-ismid ng lalaki. "Marunong ka palang magsalita. Hindi ka sumasagot. Sa susunod mag-ingat ka para hindi ka makaabala," anito. Sarkastiko ang pagkakasabi. "`Wag kang haharang-harang sa susunod."
Nilampasan siya nito.
Nang likuran na nito ang nakikita niya. Binigyan niya ito ng isang masamang tingin. Simpleng pag-irap na alam niyang hindi nito makikita.
Inumpisahan niya ulit ang paglalakad nang makalayo na ito sa kanya. Kahit na natatakot siya, kailangan niyang maging matatag. Ganito naman kasi talaga kapag unang araw ng klase. Talagang maiilang ka. Alam niya na mapaglalabanan niya ito.
Kailangan lamang niyang mag-ingat sa mga katulad ng lalaking nakasalubong niya. Ngunit alam ni Hyde na may ibang estudyante sa school na ito ang mababait. Mahahanap at makakasalamuha rin niya ang mga iyon pagdating ng panahon.
Muli siyang bumunot ng isang malalim na paghinga.
Habang maaga pa, kailangan din niyang sanayin ang sarili na nag-iisa. Wala si Clyde para back up-an siya sa oras na may mam-bully sa kanya. He just need to be strong. At isalugar ang mga bagay-bagay sa paligid niya.
DAHIL sa malaki ang school building na kinaroroonan ni Hyde. Nahirapan siya sa paghahanap ng classroom niya para sa kanyang unang klase. Nagkandaligaw-ligaw siya.
Sinipat niya ang suot na relong pambisig. Alas otso na ng umaga! Late na siya ng sobra sa unang klase niya. Unang araw pa naman ng klase at ito ang nangyari. Schucks! Grabe naman ang kamalasan niya.
Una ang lalaki na nakabangga niya.
Pangalawa ang pagkakaligaw niya sa school building na ito.
At pangatlo, ito nga! Ang pagkaka-late niya.
Kung sakali naman na papasok pa siya, in case na mahanap niya ang classroom, baka mapahiya siya ng titser niya. Malay ba niya kung terror ang teacher na iyon. Hindi niya keri ang ganoon. Hindi siya sanay na maging laughing stock ng buong klase dahil lang sa simpleng pagkaka-late.
Masyado kang negative. Kontra ng bahagi ng utak niya.
Hindi niya maiwasan ang maging negative. Maiiwasan ba niya iyon? Wala pa naman siyang alam sa kung ano ang ugali ng mga professor sa school na ito.
Tapos na si Hyde na tumingin sa first floor ng school building na kinaroroonan niya. Patapos na rin siya sa second floor. Nasa ikatlong floor na siya, nagbabakasakali na mahahanap doon ang room sa unang subject niya. Inisa-isa niyang tingnan ang room number.
Wala pa rin!
Hindi niya maiwasan ang ma-frustrate sa kamalasan niya.
Humantong na siya sa pinakadulo ng pasilyo na iyon. Naagaw ang atensyon niya ng tugtog ng isang gitara. Sa tingin niya ay doon nanggagaling ang tunog. Dahan-dahan siyang nagtungo sa harap ng pintuan. In a slow manner, he open the door. Mula sa siwang ng pintuan, malaya niyang nakita ang hitsura ng taong tumutugtog.
Nanlaki ang mata niya nang mapagsino ang taong iyon. Isa sa miyembro ng The Gravity ang tumutugtog. Si Devin Dela Cruz iyon! Isa ito sa hinahangaan at tinitilian na miyembro ng nasabing grupo. Well, lahat naman ng miyembro ng The Gravity ay sikat dahil sa kanya-kanyang looks ng mga ito na walang maitulak-kabigin. Bukod pa doon ay talented ang mga ito. Ngunit naging kontrobersyal ang grupo dahil sa naiibang kulay ng pag-ibig ng mga ito. Well, sa pagkakaalam niya ay na-inlove ang ibang miyembro ng grupo sa kapwa lalaki at proud ang mga ito roon. Well, wala naman kasing mukha ang pag-ibig. Lahat ay pwede basta kayang mapanindigan.
Sa pagkakaalam din niya. Ang pangalan ng mga miyembro ng The Gravity ay sina Christian Castillo, Brax Garcia at Timotheo Perez at panghuli at para sa kanya ay may pinaka hitsura ay si Devin Dela Cruz.
Nalaman niya iyon mula sa isang kaibigan. Bukod pa roon ay may nakita na rin siyang video ng mga ito sa Youtube. Kuha iyon n'ung minsan na tumugtog ang mga ito sa Battle of the Bands kung saan nanalo ang mga ito.
Dahil sa sobrang fascination niya sa nakikita at pakikinig sa malamig na boses ni Devin, nawalan siya ng balanse. Sanhi para maitulak niya ang pinto at makalikha ng ingay na nagpatigil sa pagtugtog at pagkanta ni Devin. Nakuha niya ang atensyon nito.
Bahagya pa itong nagulat sa pambubulabog niya.
"I-i'm sorry. Na-naistorbo kita," nahihiyang sabi niya.
Baka magalit ito sa kanya. May alam pa naman siyang tao na kapag naiistorbo sa ginagawa ay nanininghal at nagagalit. Baka isa si Devin sa ganoon. Kailangan niyang gumawa at makapag-isip ng palusot para hindi nito malaman na eavesdropper siya. Kahiya-hiya iyon! At para na rin kabawasan sa galit nito. Kung sakali?
"May kailangan ka ba?" Tanong nito sa kalmanteng tinig.
Ikinagulat niya iyon. At the same time ay ikinahinga ng maluwag. Hindi naman ito nagalit pero kailangan niyang magpalusot. At tamang-tama dahil nagtanong na ito.
"Me-meron."
"Ano 'yon?"
Kinalma muna ni Hyde ang sarili bago magsalita. "Pwede bang magtanong kung saan ang room 308 sa building na ito?"
Mula sa kinauupuan nito, tumayo ito. Naglakad palapit sa kanya.
"Alam ko `yon. Pero hindi sa building na ito. Siguro namali ka ng napuntahan. Bagong estudyante ka ba rito?"
Agad siyang tumango. Nakakadama pa rin siya ng hiya. Sa pang-iistorbo niya rito pati sa pagkakaharap nilang dalawa. Maituturing na malaking tao si Devin sa paaralan na ito.
"New student at transferee."
"Kaya pala," anito. Half smiling. "Welcome sa URS." Magiliw na sabi nito.
Sandali siyang natigilan sa pagkakatingin dito. Shemay! Gwapo na ito kapag nasa serious mode ngunit mas nagiging magandang lalaki sa pagngiti. Pantay-pantay at mapuputi ang ngipin ng lalaki. Parang modelo ng toothpaste. Hahayst!
Nang mapansin nito na nakatingin siya sa mukha nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Mapaghahalata na may crush siya rito.
"A-akala ko kasi nandito `yon."
"I understand. Madalas naman talagang may naliligaw dito. Usually `yung mga first timer pa."
Sinabi ni Devin sa kanya ang direksyon patungo sa kinaroroonan ng hinahanap niya na classroom. Mabuti naman at klaro ang pagbibigay nito ng direksyon. Hindi siya maliligaw. At salamat din dahil kahit na malapit ito sa kanya, hindi siya na-distract. Slight lang.
"Salamat," aniya.
Ngayong alam na niya ang direksyon ng hinahanap niya. Wala na siyang balak na pumasok pa. Bukas na lang. Ang pangalawang classroom na lang ang hahanapin niya para hindi siya ma-late.
Nagpaalam na siya kay Devin. Ngunit nagulat siya nang pigilan siya nito. Humarap siya rito.
"Ba-bakit?"
"Hindi pa tayo nagpapakilala sa isa't-isa. I'm Devin Dela Cruz."
"A-alam ko," aniya. "Sikat ka kaya sa school na `to, bukod pa r'on may video rin kayo sa Youtube."
Nahihiyang napakamot ito sa tungki ng ilong nito.
"Sabi ko nga, but I prefer to introduce myself in a proper way to you. So bear with it. Again, ako si Devin Dela Cruz."
Natameme naman siya sa sinabi nito. May pagka masungit din pala ang lalaking ito. Pero in a nice way ang pagiging masungit.
Natigilan siya.
Meron ba n'un?
"Harold Yde Ilagan," pagpapakilala niya.
"Ang haba naman ng pangalan mo."
Kung sa ibang pagkakataon, ipapakilala niya ang sarili rito sa pamamagitan ng kanyang nickname. Ngunit iba ang ginawa niya. Mas prefer niya ang magpakilala rito sa buong pangalan para matandaan siya nito. As if.
"Wala ka bang nickname?" Sabi nito.
"Mayroon."
"Ano?"
"Hyde."
"Hide. As `yong nakatago?"
Napangiti siya sa tanong nito.
"Hindi. Pero tama naman ang pagkakabigkas mo, iyon nga lang ay hindi nakatago ang spelling ng pangalan ko. H-Y-D-E, iyon ang spelling ng nickname ko."
"Ah." Tumatangong sabi nito. "H-I-D-E was okay. Hide."
"Ikaw ang bahala," aniya.
Masyadong magaan ang loob niya sa lalaking ito. Siguro dahil na rin sa may crush siya dito. Friendly din kasi ito.
"Sige. Mauuna na ako. Nice meeting you."
"Nice meeting din."
Nagsimula siyang maglakad palayo rito. Ayaw pa sana niyang matapos ang pag-uusap nila dahil bihira ang ganitong pagkakataon. Commoner lang naman kasi siya samantalang royalty na maituturing si Devin. Baka nga pagkatapos nito ay hindi na siya nito makilala sa dami ng nakakasalamuha nito.
Ganunpaman ay masaya siya. Halata naman siguro iyon sa lawak ng pagkakangiti niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng kanyang bag dala ng sobrang kasiyahan.
Bumaba na siya ng hagdan.
Nagulat siya nang tawagin ni Devin ang pangalan niya. Napahinto siya saka napatingin dito.
"Bakit?"
Tumakbo ito palapit sa kanya.
"Bakit?" Ulit niya sa tanong nang makalapit na ito.
"Sasamahan na kita sa pupuntahan mo. Baka maligaw ka na naman."
Natigilan siya. This kind of things rarely happened to an ordinary student like him. Sino ang matinong tao na mag-o-offer ng ganito? Wala naman yata. O sadyang mabait lang talaga ito. Ang kamalasan na nangyari sa kanya ay napalitan ng kabutihan ni Devin. Quotang-quota na siya mula sa kamalasan na napalitan ng kaswertehan sa pagkikita at pagkakaroon niya ng oras na makilala ito.
Ngunit muli siyang natigilan. Bigla niya kasing naisip na hindi na pala siya pupunta sa classroom na iyon.
"Huwag na," tanggi niya.
"Bakit?"
"Hindi na kasi ako papasok, eh." Nahihiya niyang pag-amin.
"Bakit?"
"Nakakahiya kasi na papasok pa ako samantalang sobra na akong late. Isang oras na."
"Come on."
"Huh?" Clueless na sabi niya.
Napangiti si Devin. "Sasamahan na kita sa classroom mo. I'll back you up. Ako ang mag-e-excuse sa `yo kung bakit ka na-late."
"Huh? Hindi ba nakakahiya iyon. Maaabala pa kita."
"Don't worry. Walang kaso `to."
"Sigurado ka ba?"
"1-0-1 percent."
"Ikaw ang bahala. Sobra na akong abala."
"Kanina pa kaya," pagbibiro nito.
Napayuko siya. Sa pakiramdam niya ay biglang namula ang mukha niya. Nakalimutan niya na kanina pa pala niya ito naabala mula nang aksidente niyang mabuksan ang pintuan ng music room.
"Sorry."
"Walang kaso. Tara."
"Sige."
Magka-agapay silang naglakad pababa ng hagdan. Palabas sa building na iyon.