"MUKHANG nagmamadali si ganda, ah..."
Natigilan na lang si Kara nang marinig iyon. Binalingan niya ang nagsalita at nakita ang isa niyang katrabaho na si Kuya Gibbs. Limang taon ang agwat nila kaya kuya ang tawag niya rito. At hindi niya ipagkakaila, talagang nagmamadali siya para sorpresahin ang boyfriend niyang si Marvin. Well, it's their third anniversary that's why she wants to surprise him. But she can't help but think. Ngayong taon lang siya hindi inaya ni Marvin na mag-date sila. Kasi noon, inaaya siya nito tapos ngayon, hindi na. Nagtatampo siya rito. Kanina pa nga siyang atat na puntahan si Marvin sa condo nito para ito ang sorpresahin. Yes, she will suprise that man at talagang nag-abala pa siya. She bought a rocky road cake because Marvin loves it. Even though he didn't ask her for a date, she will ask him for that para maiba naman.
"Ay opo, Kuya Gibbs. Third anniversary po kasi namin ni Marvin," nakangiti niyang sabi saka inayos na ang buhok.
"Wow! Mabuti at umabot kayo ng ganiyang katagal! Happy third anniversary sa inyong dalawa. Sige na, bilisan mo at baka naghihintay na iyon sa iyo. Pasado alas-diyes na ng gabi, o." At itinuro nito ang orasan.
Tiningnan niya ang orasan at tama ito, pasado alas-diyes na nga. Paano ba naman kasi, e kakasara lang ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya kanina kaya nagmamadali tuloy siya ngayon. Hindi na niya nagawa pang umimik, nag-ayos na siya at nang makuntento, sinukbit na niya ang kaniyang bag sa likod at kinuha ang cake sa lamesa. Nagpaalam muna siya kay Kuya Gibbs bago lumabas ng staff room. Nang makalabas, nakita ni Kara ang mga katrabaho niya na nagkukumpulan sa may dining area.
"Bakit hindi pa kayo umaalis?" tanong niya nang malapitan ang mga ito.
Sabay-sabay na nagtingin ang mga ito sa kaniya.
"Ah, wala," sagot ni Keyla, katrabaho na niya, kaibigan niya pa.
"Ganoon ba? Sige, mauuna na ako sa inyo at talagang nagmamadali ako. Kita na lang tayo bukas, bye..." paalam niya at tinungo na ang exit ng restaurant na kinaroroonan niya.
Walang imik ang mga ito kaya naman napailing siya. They are acting very strange. Gusto niya sanang siyisatin ang mga ito pero wala na siyang oras. Nang makalabas, naghanap siya ng taxi. God, she needs to be at Marvin's condo dahil excited na siya. Pero mukhang malas siya dahil wala siyang nakitang mga taxi. Kung wala pa ring titigil sa harap niya, mapapasubo na naman siya sa maha-habang lakaran. Ganoon ang ginagawa niya kapag wala ng mga taxi. Nilalakad niya ang paradahan ng mga ito tapos doon na siya sasakay. Malas, bakit pa kasi walang nadaan?
Napapadyak si Kara dahil sa inis. Pero sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha nang may makitang paparating na taxi sa puwesto. Thank God, she doesn't pray, but he made a way para makapunta kaagad siya kay Marvin. After a few second, the taxi stopped in front of her. The window gradually lowers at sumilip doon ang driver. Pero bahagya siyang napaatras nang makita ito. Nakasuot ito ng bonet, shades, at face mask.
"Step in, miss," sabi nito.
What the hell? This is the first time she encountered na nag-e-english na taxi driver. Nanginig siya sa takot dahil pakiramdam niya'y may masama itong balak.
"Hindi na po, sasakay na lang ako sa iba," aniya saka inilayo ang tingin dito.
"Miss, don't be scared. I'm not bad that you've thinking. Kung saan ka pupunta, ihahatid kita ng buo at walang sugat. At mamaya ka pa makakasakay dahil namamahinga pa ang mga taxi driver. Step in, miss. The door isn't lock."
Pero hindi siya naniwala. Muwang niya ba na modus lang iyon ng lalaki? Paano kung pagnakawan siya nito? O ang mas malala, baka gahasain pa siya nito. No, hindi iyon maaari. She's still a virgin.
"Are you telling the truth?" Tiningnan niya ito. "If so, ipakita mo ang mukha mo sa akin!" madiin niyang sabi.
"It can't be, miss. Pero kung magpupumilit ka, wala na akong magagawa. Aalis na ako." Umayos na ito ng upo at nang akmang papaandarin na ang sasakyan, nagsalita siya dahilan para matigilan ito.
"Kahit iyong kalahati lang ng mukha mo, okay na iyon," sabi niya.
"Okay, fine." Lumabas ito at naglakad palapit sa kaniya.
Well, he's tall and dark. Moreno ang lalaki. Bakit feeling niya ay guwapo ito? Pero bakit kailangan nitong takluban ang buong mukha? Pumamulsa ito at sa hinuha niya'y tinititigan siya nito.
She shaked her head. "Remove your shades and your bonet," utos niya.
The man did what she said. He removed his shades and bonet. Nagulat siya. Wow, he has blue eyes. Tapos ang kapal ng mga kilay nito. Guwapo talaga ito at baka mangisay na siya kapag nakita ang buo nitong mukha. Pero sino ba siya? They didn't even know each other. Pati ayaw ng lalaki na ipakita ang buong mukha sa kaniya.
"Pahawak muna nitong cake. Huwag mong sisirain iyan! That cake is expensive!"
Inabot niya ang cake rito na kinuha naman nito. Nakita niyang nangunot ang noo nito at tiningnan ang cake. Samantalang siya'y kinuha ang cellphone sa bulsa ng jeans. She opened it and click the camera. After that, inangat niya ang cellphone. Ni-landscape niya iyon para makuhanan niya ng buo ang kalahati ng mukha nito.
"What are you doing, miss?" nagtatakang tanong ng lalaki.
"I'll take a picture of your face dahil kapag ginawan mo ako ng masama, mayroon akong ebidensya. So, stay still. Huwag kang mag-alala, isang take lang, okay?" aniya at inayos na ang posisyon ng daliri.
Hindi kumibo ang lalaki kaya naman kinuhanan na niya ito. Pero hindi lang isa dahil pitong take ang ginawa niya. Nakangiti niyang ibinalik ang cellphone sa bulsa saka kinuha rito ang cake.
"Thank you for carrying my cake. Sige na, sasakay na ako."
Hindi umimik ang lalaki. Pinagbuksan pa siya ng pinto sa back seat. Sumakay siya. Tiningnan naman niya ito mula sa labas, sinusuot na nito ang bonet at shades na hinubad kanina. Nang matapos, sumakay na rin ito. The man is weird. Bakit naman kaya ganito ang ayos nito? Naka-shades, pero gabi? Naintindihan niya ang pagsuot nito ng bonet at face mask dahil normal lang iyon pero ang shades, argh, nothing!
"Where to, miss?" mayamaya pa'y tanong ng lalaki.
Sinabi niya ang address ng condo ni Marvin. Tinanguan lang siya nito at pinaandar na ang sasakyan. Hindi na siya makapaghintay na sorpresahin ang boyfriend niya. Pero ang tanong, masosorpresa kaya ito? Sana naman ay oo.
"Your boyfriend is lucky to have you," mayamaya pa'y sabi ng driver.
Lumunok siya. "Masuwerte rin naman ako sa kaniya, e. We stayed for three years now. Ang saya lang, this is the longest relationship that I have in my entire life. Ikaw ba, may girlfriend ka ba?"
From the rare mirror, she saw him shaking his head. "I don't have. Pati wala akong balak na magkaroon ng relasyon dahil sawa na ako. I want to stay single forever— until my last breath," sabi ng lalaki.
Napanguso siya. Sayang naman kung mananatili itong single habang-buhay, e mukhang guwapo naman ito. Hindi naman siya choosy sa mga lalaki na minamahal niya. Si Marvin, guwapo naman ito pero sa tingin niya'y mas guwapo itong nasa harap niya. Kaya niyang magmahal kahit pangit pa ang lalaki o kahit ano, maski bingot, kaya niyang mahalin. Sa totoo nga niya ay nagkaroon siya ng boyfriend na pipi. Oo, nangyari iyon sa buhay niya pero malas siya dahil namatay ito. Matapos noon, nagpahinga muna siya hanggang sa makilala niya si Marvin sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Back to this man, sayang talaga ito. Baka makain lang nito ang mga sinabi sa kaniya.
"You're handsome," saad niya.
"So?"
"May magkakagusto sa iyo. If you think you're ugly, huwag mong isipin iyan. Huwag mong babaan ang tingin sa sarili mo dahil lahat tayo ay pantay-pantay. Bakit ba kasi ayaw mong ipakita ang buong mukha mo? May mare-refer ako sa iyo, marami akong mga kaibigan na single," nakangiti niyang sabi.
"Sorry, hindi ko matatanggap iyon."
Bakit kaya hindi nito sinagot ang tanong niya na bakit hindi nito pinapakita ang buong mukha. Napakibit-balikat na lamang siya saka hindi na umimik. Binalingan niya ang cake na nasa tabi niya. Maayos naman at mabuti na lang ay hindi nasisira. Ayaw niyang ibigay iyon kay Marvin na sira.
Naging tahimik ang isa't-isa hanggang sa bulabugin iyon ng isang tawag. It's her phone. Nangungunot ang noo ni Kara na kinuha ang cellphone sa bulsa saka tiningnan ang caller. It's her mother. Before she answers, she took a deep sigh first.
"Napatawag ka po, mama?"
"Anak, nandito na ang papa mo."
Nanlaki ang mga mata niya. "P-Po? Nandiyan na si papa?" hindi makapaniwala niyang tanong.
"Oo, anak. Nandito na siya kanina lang at hindi na siya makapaghintay na makita ka."
Malapad siyang napangiti. Dumating na ang papa niya. Ibang saya ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Nga pala, nasa Dubai ang papa niya. Sampung taong gulang siya nang umalis ito para magtrabaho roon. Nang dahil doon, napagtapos silang magkakapatid. Ganoon sila kamahal ng papa nila at kahit malayo, ginusto nito mangyari lang ang minimithi nilang lahat. Sa totoo nga niyan ay graduate siya sa kursong nursing. Pero mas pinili niyang maging waitress dahil iyon ang gusto niya. Pero sa susunod na mga taon, babalik na siya sa pagne-nurse niya dahil sayang naman ang ginugol niya matupad lang iyon.