"Huy, Migs! Ayos ka lang ba?" Pansin sa akin ng bestfriend kong si Jack. Kasalukuyan kaming narito sa parke at nanonood sa mga kalalakihang naglalaro ng basketball sa may court. Napalingon ako rito. "Ha?" "Para kasing ang lalim ng iniisip mo. May problema ka ba?" Tanong nito. Ngumiti ako sa kanya. "Wala." "Siguro, natuhog ka na naman, 'no?" Tudyo nito. Mahina ko itong hinampas sa kanyang balikat. "Sira! Namiss ko lang kasi agad ang Kuya ko." Sabi ko rito habang sinusundan ng tingin ang tumatakbong si Kurt. Huminto ito malapit sa ring at na-shoot niya ang bolang hawak hawak. Hindi ko napigilan ang mapapalakpak. Napalingon ito sa gawi namin ni Jack at kinindatan ako. Muli siyang tumakbo nang maagaw niya ang bola. Naka-shoot na naman siya sa pangalawang pagkakataon. "Grabe. Ang galin

