Makalipas ang isang linggong paninirahan ko kay Kuya, nakauwi na rin ako ng Laguna. Pagtungtong ko ng bahay ay agad kong hinanap si Uncle George. Hinanap ko ito sa buong kabahayan pero wala ito rito. Malungkot akong naupo sa sofa nang biglang dumating si Kuya Luis. "Oh, nandyan ka na pala, Migs. Anong oras kang dumating?" Tanong nito na dire-diretso hanggang sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. "Kuya, nasaan po si Uncle?" Tanong ko rito imbis na sagutin ang tanong niya. Inubos muna nito ang tubig na iniinom bago ako sinagot. "Ah, nasa grocery 'yun. Wala parin kasi ang Mama mo kaya aligaga 'yon d'un. Heto nga't umuwi lang ako para maligo. Nag-ayos kasi kami ng mga stocks." Sa sinabing iyon ni Kuya Luis, agad akong lumabas ng bahay at dumiretso sa grocery store. Hindi naman kalayuan an

