Kabanata 41

2066 Words

Sandaling natigilan at napatitig lamang si Amiera kay Henry, matapos nitong marinig ang mga sinabi ng binata sa kanya. Akmang magsasalita sana siya dito nang bigla namang maagaw ng dalawang pamilyar na lalaki ang atensyon niya, nang dumaan ang mga ito sa may bandang likuran ng binata. Pamilyar sa kanya ang dalawang lalaki na iyon. Iyon ang isa sa mga tauhan ni William na siyang kumuha sa kanya noon. “Amiera? May problema ba?” marahang tanong ni Henry sa dalaga na ngayon ay tila nanlalaki lamang ang mga mata. “Ang mga tauhan ni William…” marahan at mahinang sambit ni Amiera. “Huh?” naguguluhang tanong ni Henry kay Amiera. “Paano nila tayo nasundan?” marahang tanong muli ng dalaga sa kanya. “Sino?” kaagad niyang tanong dito. “Ang mga tauhan ni William,” balisang tugon ni Amiera sa kany

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD