Sunod-sunod na napalunok si Axel habang may takot na mga tingin kay Kaiden. Marahang humakbang si Kaiden papalapit sa lalaki pero kaagad din na napaatras si Axel dito. Hanggang sa tumama ang binti nito sa bedside table ng kwarto nito. Nakita ni Kaiden ang marahan na paggalaw ng kamay ni Axel na parang may pipindutin ito doon na kung ano. Kaya naman mabilis na niyang inunahan ang lalaki sa paggalaw. Bago pa man makakilos nang tuluyan si Axel ay mabilis nang binato ni Kaiden ang kamay nito ng nahawakan niyang perfume bottle na nasa organizer cabinet na nasa tabi niya. Nasapul no’n ang kawawang kamay ng lalaki, dahilan upang mapasigaw ito ng malakas dahil sa sakit na natamo. “Ahh! f*****g s**t!” daing ni Axel habang gusot na gusot ang mukha nito. Na tila pinaghalong galit at sakit ang nara

