Chapter 49: Three Princes Natapos ang kanilang usapan nang walang gaanong matibay na hakbang laban kay Lunos. Umalis na ang lahat sa bulwagan at nagpunta sa kani-kanilang lugar na dapat na bantayan. Samantala, lingid sa kaalaman ng lahat ay dumiritso si Raxos sa kulungan ng mga Athapos kung saan gusto niyang malaman kung ano ang ibinabalak ngayon nina Lunos. Malayo palang siya ay ramdam na ramdam na niya ang malakas na pwersa ni Lunos. Kaagad siyang napahinto sa malaking kahot at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Gamit ang kakayahan niyang maramdaman ang mga bagay na malayo sa kanya ay natunton ng kanyang isipan ang mga kalaban. Binabalak na buksan ni Lunos ang pintoan ngunit hindi niya ito magawang buksan. Sobrang layo ng mga bampira sa kanya dahil kung sinuman ang lalapit sa pint

