Chapter 48: Nakaraan "Isang Athapos ang iyong ina, kami lang ang nakakaalam nito at maging ang iyong ama. Kasama ang iyong ina na nakulong at pinarusahan dahil sa nagawang pagkakasala ng mga lalaking athapos." "Sino ang nagkulong sa kanila?" Naikuyom ko ang aking kamao. May kung anong galit na nabuhay sa aking puso. Hindi dapat ganoon ang ginawa nong nagkulong. Dapat nagpatawad na muna siya. "Si Aries," sagot ni ama. "Aries? Ang namumuno sa Kastilyo?" Napaawang ang aking labi. "Oo, Lunos. Siya ang nagkulong saiyong ina at kumitil sa buhay ng iyong ama." "Ang sama niya." Ngunit bakit wala akong ibang balita sa kanila. Habang lumalaki ako ay wala akong naririnig mula sa Kastilyo. Liban nalang sa mga bampirang lumusob sa amin kanina. "Gusto ko rin siyang parusahan kasama ang kanyang m

