Chapter 42: Diwata Kaagad na kaming naghanda. Dinala kami ni Stelian sa kanyang kwarto na diko alam na meron pala siyang sariling nakatago na silid. Nasa pinakailalim ito ng Kastilyo. "Pansamantala ay dito na muna tayo. Ligtas ang kwarto na ito at walang sinumang makakapasok rito. Maaga tayong aalis bukas Alex. Magtipon ka ng lakas dahil kakailanganin mo 'yan." Sumang-ayon ako kay Stelian. Ibinaba ko si Conal sa kama at naupo ito paharap sa amin. "Look at his eyes." Sambit ko at nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. "Yeah, kung makatitig siya ay parang kilalang-kilala na niya tayo. Ang gaan ng pakiramdam ko sa batang ito." Niyapos niya ang aking bewang. "Maging ako Stelian ay ganoon rin." Ngumiti ako sa kanya, "papayag ka ba na magiging ama ka niya?" Tan

