Chapter 43: Mundo ng mga Diwata "Ano ang pangalan ninyo?" Tanong ko. "Ako si Amari at sila naman ang aking mga kamahan." Ang ganda ng kanyang pangalan. Napaka-unique at bumagay ito sa kanyang wangis na sobrang ganda. Matapos ang maikling pagpapakilala ay kaagad na kaming umalis. Gamit ang kapangyarihan ni Amari ay pinalaki niya ang dahon na patay. At iyon ang aming sinakyan. Sobrang nakakamangha dahil nakikita ko lang ang lahat ng ito noon sa telebisyon. Ang akala ko'y walang ganito rito. Pero pinatunayan lang ni Amari ngayon. Naisip kong kay lawak ng mundong ito. Kasing lawak ng mundo kung saan kami namuhay ni Loraine noon. Maging si Stelian nga ay hindi kabisado ang mundong ito. Ang ibig lang sabihin ay sobrang lawak niyon. Hindi ko alam kung alin pang mga nilalang ang nabubuhay

