ALICE Kulay violet na sofa cover, na halatang galing sa tela ng uniform ko, maliit na flat screen TV, at ang kapatid kong bunso na maya-maya kung maglinis ng bahay. Iyan ang sumalubong sa akin sa likod ng pinto ng mansyon. Pinto ba talaga iyon ng mansyon? Paano ako bumalik sa bahay namin noon? Is this still a dream? Marami akong tanong sa aking isipan pero kahit anong gawin ko na pag-iisip ay mga imposibleng bagay lang ang nakikita kong kasagutan. "It's the fountain's doing. Baka naman 'yung ilog? What if I am just drunk? Or is this a hallucination caused by extreme pain from heartbreak?" I mumbled to myself trying to be logical… illogically. "Ate!" sabad ni Andrea, "kung wala kang gagawin dito doon ka sa kuwarto mo," iritado niyang sambit habang nakapamewang. Napakurap na nam

