ALICE
Panay ang pagtilaok ng mga manok sa hindi kalayuan. Bukang-liwayway pa lang ay abala na ang lahat sa paghahanda para sa gagawin naming team building ngayon umaga. This is the reason why we had to rent a whole villa for this seminar. Marami kasing mga bagong teachers and we have to strengthen our bonds together kaya naman bago magsimula ang event proper, ‘yung mismong diskusyon ng magiging agenda namin sa bagong school year, the administrator decided to have a team building.
Nasa lagpas bente ang mga teachers na kasama ko ngayon. That only means we have to move fast since limang banyo lang ang mayroon itong mansyon na ito. Due to the scarcity ay may iilan na inuna muna nag kumain habang naghihintay sa mga naliligo para makatipid sa oras.
I am quite lucky, I am young and fresh, very flexible in different environment. Sa madaling salita, wala akong arte kahit na limang minuto lang akong naligo.
"You're done?" Jessa asked as if bathing in less than ten minutes is uncommon. I guess hindi kagaya ko si Jessa, hindi siya kagaya ko na medyo balahura sa katawan.
"Yup! You're turn!"
"Ang bilis ah," she mumbled upon entering the comfort room.
"Mas mabilis si Eric, kapapasok niya lang, lumabas na kaagad," I said to her while pointing at the door parallel to the one she just gets in.
"Oo nga, no? I guess three minutes lang siya sa loob," she giggled before closing the door.
Mas nauna kasi akong pumasok kay Eric, I heard Jessa talking to him while was still in the bathroom, tapos ngayon sabay lang kaming lumabas.
Lumapit ako sa kanya, nakatapis pa ako habang may bitbit na lalagyan ng sabon. Matuwid din ang aking lakad sa pag-iingat na baka biglang mahulog ang tuwalya na nakabalot sa buhok ko.
"Goodness, Alice! Banyo 'to ng mga lalaki, what are you doing here?" reklamo niya sa akin. He was also pretending to avert his eyes on my bare skin.
"Wow, nahiya naman ako. We're basically neighbors lang naman," irap ko sa kanya habang tinuturo ang pinto ng banyo namin sa tapat ng kanila, "See? It's just there! Ang arte nito."
Para pantay kasi ay hinati namin ang limang banyo sa bawat palapag. May tig-dalawang banyo ng babae at lalaki, pero sa second floor na ako naligo since may mga matatandang teachers naman na sa first floor natulog baka mahirapan pa sila na umakyat dito. At yung natitirang isa ay para sa emergency, which is sure na sure na magkakaroon sa rami pa naman ng kinain namin kagabi.
I grab Eric by the wrist and joyfully said, "Ang ganda ng kutis mo, gurl! Tara na, magbihis na tayo."
Bigla naman siyang nagpupumiglas nang marinig ang imbitasyon ko.
"Gaga, anong tara? Magbihis ka doon sa kuwarto niyo," he told me with disgust.
I don't know what's his deal, but we already slept and bathed together, may suot nga lang kaming bikini noong sabay kaming naligo kasama si Jessa. Not totally walang saplot. Kaya hindi na niya kailangan na mag-inarte pa.
"Hala, ang taray. I am just inviting you to change in our room. Hindi ako magbibihis sa kuwarto niyo, puro kaya kayo lalaki doon. Alam ko kasi na you'll feel awkward if you change wit— OMG!" Napatakip ako ng bibig when I realized the reason of his intense refusal. "Don't tell me gusto mong masolo ang delightful sight ng katawan ng mga newbie na boylet!" wika ko sabay hampas sa kanyang matigas na braso.
"Tumahimik ka nga, baka may makarinig sa'yo ano pang isipin nila," utos niya habang nakapatong sa mapupula niyang labi ang kanyang hintuturo. Sinamaan niya ako ng tingin saka nauna nang maglakad.
Binilisan ko rin ang lakad ko para harangan siya at patuloy na tinukso. "Bakit? Tama ako, no?"
He sighed. I must've pissed him off, baka mamaya hindi na naman niya ako papansinin sa buong seminar. Just like what he did once when we had a trip in La Union. I know it was my fault for ignoring his warning na hindi makipag-usap sa maski sino na lang, but the man looks sorrowful in my eyes. Malay ko ba hold-upper 'yun. But I was fine. Nawalan nga lang ako ng cellphone at purse, pero at least ligtas ‘yung long wallet ko na may laman ng mga importanteng cards. Like for example, my card loan. Importante 'yun sa aming mga teacher.
Kinrus ni Eric ang kanyang mga braso at muling bumuntong-hininga. "No, you're not. May mga kasama kayong newbie sa kuwarto, hindi ba? It could be awkward for them to see a guy changing his clothes inside your room."
Hinawi ko ang aking kamay sa ere na para bang may inaalis na sapot ng gagamba. "Anong guy? Gay ka kaya, hindi naman sa sinisilipan mo sila o ano. They don't have to worry."
"Gaga, first day ng seminar ngayon. Hindi pa nila ako masyadong kilala, next time na siguro, no."
"Anong next time? Like bukas?"
"Tumahimik ka na nga." Pinisil niya ang bahagi ng kanyang ilong na napapagitnan ng mga mata niya tapos inis na sinabing, "Let's just say that I wanna see the new teacher's abs para tumigil ka sa pangungulit."
Napagod na siguro siya sa paulit-ulit kong tanong kaya inako na lang niya ang kamanyakan na hindi naman niya talaga sadyang gawin.
"Hoy! Madaya ka, a!" I exclaimed going along with the joke.
"Advantage!" sigaw niya habang itinuturo ang katawan niyang may anim na pandesal sa tiyan at iilang tinapay sa braso.
Hays. His body is the best disguise for hot guy hunting. Because, honestly, pati ako ay malilinlang sa bruskong pangangatawan ni Eric aakalain ko talaga na straight siya. However, as what the rusty saying says, “Don't judge the book by its cover,” kasi nga may mas maraming ex-boyfriend pa siya kaysa sa’kin.
"Aray," bulalas ko nang bigla na lang niya akong hinawi sa daan.
"Excuse me," anas niya habang pinanlilisikan ako ng mga mata.
Kainis 'tong baklang 'to.
Hindi na rin ako nag-inarte pa at tumungo na sa kuwarto namin. But, of course, I didn't forget to greet our senior teachers and other co-teachers as I stride my way back.
Nagmamadali akong nagsuot ng t-shirt namin na kulay pula na may putting printa na We Build Dreams sa harap at logo naman ng aming eskwelahan sa likod.
"Ma'am Valencia, sino ang sumunod sa iyo sa banyo?" tanong sa akin ni Ma'am Callente, isa rin siya sa mga nakasabayan ko kaya lang hindi kami ganoon ka close.
"Si Ma'am Diaz, Madam," sagot ko.
Diaz ang apelyido ni Jessa.
Ma’am Callente ang tawag ko sa kanya, ganyan talaga rito, mas binibigyan ng respeto ang co-teacher na hindi close.
"May sumunod ba sa kanya?"
"Wala naman, Ma'am. Sabi niya mabilis lang siya, hintayin mo na lang baka maunahan ka pa," suhesyon ko sa kanya. Nginitian niya lang ako tapos ay nagmadaling kinuha ang maliit na bag na hula ko ay lalagyan niya ng mga gamit na pangligo.
Nag-aayos na rin ako nang lumabas na si Ma'am Callente ng kuwarto namin. Hindi naman masyadong maarte ang pag-aayos ko sa sarili dahil alam ko na makukupas din naman ang make-up na iaapply ko sa mukha sa tindi ng activities na gagawin namin sa team building mamaya.
Pagkatapos ay tumungo na ako sa hapag-kainan para kumain. 6:30 am na, isang oras na lang at magsisimula na kami kaya dapat ay bilis-bilisan ko na ang aking pagkilos para hindi ako magmukhang aligagang daga mamaya. I should always have some time to relax. Pero mukhang walang pa ring time na mag-relax ang puso ko.
As I walk to the dining room, I had a glimpse of the picture of the enchanted river. It is the river I saw in my dream last night. Kung tititigan ng mabuti ay parang gumagalaw ang agos ng tubig sa picture, at nagiiba-iba naman ang ekspresyon ng mukha ng babaeng nakatayo.
Kakaligo ko lang pero ramdam ko ang dahan-dahan na pagtulo ng pawis sa gilid ng aking mukha.
"Ma'am Valencia! Tara na!"
Napakurap ako nang bigla akong tawagin ni Sir Ronald, ang senior teacher namin sa Science faculty.
Ngumisi lang ako ng bahagya at kaagad na umupo sa pinakamalapit na upuan sa akin.
"Y-Yes, Sir," tugon ko sa alok ni Sir Ronald, "Pakiabot na lang po," sabi ko habang tinuturo ang pandesal na nasa kabilang dulo pa ng mahabang lamesa.
Lima pa lang kaming nasa lamesa kaya maraming mga upuan ang bakante. Mukhang isa ata ako sa mga early bird sa hapag-kainan ngayong umaga.
Minsan talaga may advantage ang hindi masyadong maarte kagaya ko. Dahil konting pulbo at lipstick lang ay okay na ako. Madalas ay mas mabilis akong matapos kaysa kay Jessa na grabe kung mag-apply ng make-up sa mukha at kay Eric na halos iligo na ang pabango sa katawan.
Pumunta akong kusina para magtimpla ng kape, tapos na kasi akong kumain ng tinapay at pansit na hinanda ng mga staff ng villa.
"Tapos ka na, Ma'am?" salubong na tanong sa akin ni Ma'am Callente nang sakto na pumasok siya ng dining area noong papalabas na ako.
"Oo, konti lang naman inaalmusal ko." Sunod kong inangat ang aking tasa sabay wika ng, "Kape tayo?"
Kaagad naman siyang tumanggi sa pamamagitan ng pag-iling.
"Thank you pero hindi ako mahilig magkape," mahina niyang sagot na para bang nahihiya.
"Aah," malakas kong mutawi sabay tango. "Sige, tambay muna ako sa labas," paalam ko sa kanya at dumiretso na sa may pintuan.
Hindi na ako masyadong nagtaka kung bakit nauna pa na pumasok ng hapag-kainan si Ma'am Callente kaysa kay Jessa at Eric. Again, they're too meticulous. Hula ko inaayos pa ni Jessa ang kilay niya, sinisigurado na pantay ang mga ito. At sa kabilang banda ay nagdedesisyon pa si Eric kung magta-tuck in ba siya ng damit o hindi.
"6:58 na hindi pa rin sila tapos. Seriously?" mahinang sabi ko sa sarili habang humahakbang pababa ng limang baitang na hagdan ng front door ng mansyon.
Napahinto ako nang makita ang matayog na water fountain sa harap.
"Waaah. Kita mo nga naman, kumikislap ang tubig sa liwanag ng araw," mutawi ko tapos ay humigop ng mainit na kape.
Ngayon na maliwanag na ang paligid ay kitang-kita ko na ang mga barya na nasa ilalim nito. Luminga-linga muna ako sa paligid bago ako yumuko at abutin ang ilalim ng fountain. But despite of my long limb, I still didn't reach the bottom.
Mukhang malalim ang fountain, pero ang pinagtataka ko ay napakalinis ng tubig nito. Patuloy naman ang agos ng tubig mula sa tuktok but the bottom is strangely clean kahit na napakarami na ng barya sa ilalim.
Napapitik ako ng dila at nagpagpag sa may puson, huli na kasi nang mapansin ko na dumikit pala sa fountain ang damit ko.
"Magandang umaga po, Ma'am."
Huminto ako sa pagkuskos ng dumi sa damit nang bigla na lang sumulpot ang isang matandang babae. May bitbit siyang walis tingting na itinusok sa mahabang kahoy para humaba ang hawakan, nakasuot din siya ng puting uniform ng mga staff ng villa.
Ngumiti lang ako at binati rin siya. "Magandang umaga rin, Nay."
"Ano po ang atin, Ma'am?" walang padalos-dalos niyang tanong.
"Ah! Nothing. Tinitingnan ko lang 'yung fountain. Ang ganda kasi."
Sa sandaling ito ay siya na naman ang ngumiti sa akin gamit ang papasok at kunot niyang labi.
"Matagal na po iyang pountayn na 'yan, Ma'am. Hindi pa gaanong moderno ang mansyon na ito ay nakatirik na 'yan dito. Sampung taon pa lang ako ay nandyan na iyan."
"Talaga po?" I asked filled with curiosity. "Totoo po ba na tumutupad ng kahilingan ang fountain na ito?" I momentarily stop asking and then, using both hands, I hold my cup of coffee like a warm precious gem. "Marami po kasing barya sa ilalim."
Tumawa ng mahina ang matanda nang marinig ang sinabi ko. Muli siyang ngumiti pero sa pagkakataon na ito ay nakangiti rin ang kanyang mga mata. Kumalat ang kunot na balat na pumapalibot sa dalawang pares ng kulay abo niyang mga mata. Nagmistulan silang mga buwan na kinain ng mga talukap ng matanda.
"Bakit hindi mo subukan, Ma'am? Isang barya lang naman ang hinihingi ng pountayn kapalit ng iyong walang-hanggan na kaligayahan," banggit niya saka ugod-ugod na naglakad patungo sa gilid ng mansyon.
Humarap ulit ako sa fountain.
Hindi naman siguro walang-hanggan na kaligayahan ang ibinigay sa akin ng fountain na ito kagabi. I'm not even sure if it's the fountain's doing why I dreamt about Mike. Not only Mike but my family. The dream was too vivid that I almost believe that I traveled back in time. Akala ko talaga may magic ang fountain na ito at ibinalik niya ako sa nakaraan. Iyon pala napuno lang ng pagsisisi ang utak ko na pati sa panaginip ay dinalaw ako.
Ngunit, hindi man panghabang-buhay o walang-hanggan na kaligayahan ang naramdaman ko sa panaginip na iyon ay sapat na sa akin na masilayan muli si Mike.
Alam ko, nagtutunog tanga ako sa mga sinasabi ko. Pero ano pa ba ang magagawa ng puso kong sawi kung hindi ang humiling na lang sa lumang fountain na ito.
I sighed, like a mother with a problem child. Tiningnan ko ang laman ng tasa ko, paubos na pala ang iniinom kong kape. Saglit ko rin na sinilip ang oras sa aking relo.
7:10 na pala. Oras na para bumalik sa loob ng mansyon at baka kumakain na ngayon sina Jessa at Eric. Mapapagalitan ko talaga ang dalawang 'yon sa bagal nilang kumilos.
Umalingawngaw sa tahimik na paligid ang mga yapak ng plastik kong tsinelas.
Subalit, may bigla akong naramdaman na kakaiba, isang malamig na pakiramdam na kahalintulad ng tubig sa ilog. Pero pinili kong baliwalain ito.
Maybe the place has naturally cold breeze since napapalibutan ito ng mga puno. So, I continue my business. Itinulak ko ang higanteng pinto ng masyon, feeling ko tuloy isa akong prinsesa sa pelikula na may nagtataasang kastilyo dahil sa magarang pagbukas nito. But I confirmed the unnatural feeling I felt seconds ago when I opened the door of the mansion.
Mali ata ako ng pinasukan na pinto. Mali ba? Baka naman tulog pa talaga ako? Nasa panaginip pa rin ba ako?
"Maaa! Si Ate ayaw makinig!"
Napakusot ako ng mata nang tumambad si Andrea sa harap ko.
Imbes na sa entrada ng mansyon ako pumasok ay nasa loob ako ng sala ng bahay namin sampung taon na ang nakakaraan. Teka, sampung taon pa ba ito? 2011 pa ba ito? Nagbago na kasi ang ayos ng mga upuan sa sala.
Nilibot ko ng tingin ang buong bahay para maghanap ng kalendaryo. Kaso nasa likod pala ng nakabukas na pinto ito nakasabit.
"Andrea, how old are you?" mabilis kong tanong sa kapatid ko kahit na 'di ako sigurado kung sasagutin niya ako ng matino.
"Sa tingin mo ilan?" sarkastiko niyang sagot.
Napabuga ako ng hangin sa ilong dahil sa talas ng dila ng batang ito. Confirmed, siya nga si Andrea.
"Ate! Tumabi ka nga, nagwawalis ako e," sigaw niya sabay hampas sa binti ko gamit ang walis tambo.
"Aray!" I mouthed in pain.
Oh no.
Nakaramdam ako ng sakit, this only means that this isn't a dream. Ano na naman ba itong nangyayari sa akin ngayon?