ALICE
Seven thirty na ng umaga nang bumaba ako ng jeepney. I don't know if it's just a habit pero pagkababa ko ay nagmamadali akong bumili ng candy sa tindahan sa kanto ng eskwelahan namin para magpabarya ng buo kong singkwenta pesos.
Kagaya noong una kong ihakbang ang aking paa palabas ng bahay ay nakaramdam ulit ako ng mainit na sensasyon. But honestly, there's nothing heartwarming about walking my way to our school. Masangsang na amoy ng kanal kasi ang bubungad sa akin sa tuwing dadaan ako rito. And despite of its narrow two-lane road ay maraming malalaking sasakyan na dumadaan dito, as well as students who are also on their way to school. Masikip at mabaho, idadag pa ang maduming tubig na na-iistuck sa gilid ng daan tuwing umuulan. Anim na taon ko rin tiniis ang lugar na ito, mula junior hanggang senior high school pero eto ulit ako. Nagbabalik.
"Seryoso ba talaga 'to?" iritable kong tanong habang umiiwas sa pisik ng dumadaang mga sasakyan. Hindi puwede na mas madumihan pa ang madumi ko nang sapatos.
Malapit na ako sa gate nang bigla na lang tumunog ang masiglag tugtog ng bell na anim na taon ko na rin naririnig.
Siguro kung hindi ako naging teacher malamang ay tinatanong ko na ngayon ang sarili ko kung anong oras nagsisimula ang klase namin. Good thing I am an educator, and that only means I also go to school every day at the exact same time as my students.
"Ah, 7:30 nga pala nagsisimula ang klase," bagot kong sambit sa aking sarili habang nakakabit sa magkabilang hawakan ng bag ang kamay ko.
Again, just like a habit ay binilisan ko ang paglalakad patungo sa gate. Pero may isang bagay pa pala akong dapat gawin, siyempre ang pumunta sa classroom ko. Unfortunately, nakalimutan ko na kung saan dapat ako dadaan. I mean I remember how my old school looks like but not everything.
Sampung taon na ang lumipas noong huling bumisita ako rito, marami na ang nagbago. And to suddenly come back here is like walking back in a blurry memory lane.
"This is so weird."
Malamang nagmukha akong naliligaw na bata dahil pabalik-balik lang ako sa mga dinaanan ko kanina.
Bakit ba kasi magkakatulad ang itsura ng mga building dito?
"T-Teka, section Narra? Nanggaling na ako dito, a."
Ito na siguro ang epekto sa akin ng pagbisita ko sa iba't ibang eskwelahan, pati ang eskwelahan na anim na taon kong pinamalagian ay 'di ko na rin kabisado. I mean, magkakapareho kaya ang itsura ng building ng mga public school sa Pilipinas. That’s why they mixed up in my memory and always lost my way.
"Joke ba 'to? Kasi kung oo please pakihinto."
Napupuno na ako, at nahihilo na rin.
Wait. Kung may section Narra ang building na ito, ibig sabihin ay nasa junior high school building ako. Tapos dapat ay senior high na ako ngayon.
"Ay! Anak ng p— bakit ko pa ba pinapahirapan sarili ko?"
Naalala ko na! Mga pangalan ng puno ang section name ng junior high habang pangalan ng mga espesyal na bato naman ang sa senior.
Kaagad akong tumingin sa building na nasa harap lang ng kinaroroonan ko ngayon. Good, nakita ko na. Madali lang sana ito kung malapit lang sila sa isa't isa, pero kung mamalasin nga naman ako ay nasa kabilang dulo pa ng malawak na oval field ang senior high building.
Ngayon ay naalala ko na ulit kung bakit ako laging nagmamadali na pumasok.
Kaagad akong tumakbo sa gitna ng oval field. Taas-baba kung umalog ang aking mabigat na backpack, at napahawak ako sa ID ko para hindi masyadong maging sagabal. I guess, I am lucky enough to remember the way when I have reached the building. Pamilyar ulit ang lahat ng mga nandito, ang nakasandal na plywood sa gilid ng pinto ng isang classroom, ang nabakbak na pintura ng mga bakal na hawakan ng hagdan, at ang mga guhit sa dingding.
Napatingin ako sa ID ko para icheck kung tamang pangalan ba ng section ang naalala ko.
"Agate," basa ko sa pangalan ng section na nasa baba lang ng Learner Reference Number ko. Goodness! Memorize ko pa ito hanggang sa nagtapos ako ng college.
Dahil "A" ay unang letra ng pangalan ng section namin, unang classroom din ng second floor ang aming silid. Faculty kasi ang nasa ground floor kaya hindi ko na sinilip ang mga pinto roon. Pero para makasigurado ay tumingala muna ako sa tuktok ng pinto para tingnan ang pangalan ng section.
Grade 12 - Agate napabuntong-hininga ako nang mabasa ang salita na may limang letra.
"Yes, Ms. Valencia?" tawag sa akin ng babaeng nasa harap ng klase.
Estudyante pala ako sa panahon na ito. Ngumiti na lang ako kay Ma'am Madrid, ang Earth Science teacher namin. Mabait naman siya kaya lang kung natyempuhan ka niya na hindi nakikinig ay hindi siya magdadalawang-isip na tawagin ka sa klase.
Kasisimula pa lang pala ng klase kaya umupo na ako kaagad sa harap para hindi makaistorbo. Buti na lang at naalala ko pa kung saan ako nakaupo, sa grade 12 lang kasi ako nakaranas na nasa unahan ang upuan. Lagi akong nasa likod nakapuwesto dahil sa height ko.
"Girl! Look at yourself!" mahinang sabi sa akin ng katabi ko.
Sa sobrang saya ko na nakapasok ako ng classroom ng hindi napapahiya ay nakalimutan ko ang tungkol sa katabi ko sa panahon na ito.
Bigla akong nanlamig at namutla, dahan-dahan akong lumingon na para bang kapalit nito ang buhay ko sa sandaling makita ko ang kanyang mukha.
"M-Mike," wika ko nang humarap sa akin ang nakangisi niyang mga labi.
"What?" tanong niya na parehong nakataas ang dalawang kilay. "Para ka namang nakakita ng artista," biro niya sabay lagay ng kanyang kamay na nakahugis check sa ilalim ng kanyang baba. At muli ay ngumisi siya ng pagkalawak-lawak. I know it's too much if I say that his smile blinded me but, yes. It does blind me kaya para akong timang na sumigaw sa gulat.
"AAAH!" Ang matinis kong tili sa kalagitnaan ng klase.
"What is it, Ms. Valencia and Mr. Cruz?" istriktang tanong ni Ma'am Madrid habang pinanlilisikan kami ng mata.
Salamat naman at hindi ko nagaya ang ugali na ito ng guro ko. Mabuti na lang at hindi ako nanlilisik ng mata sa mga estudyante ko dahil sa totoo lang ay medyo nakakabw*sit ito.
"S-Sorry po, Ma'am. Nagu—"
"Nagulat siya sa gagambang gumapang sa kamay niya, Ma'am. It seems that there are a lot of spiders under her chair po," pagsisinungaling ni Mike habang sinisiko ako ng palihim.
I get it, he wants me to cooperate. Sana rin makipag-cooperate si Ma'am sa amin.
"Wala akong pakialam sa gagamba na 'yan! Ms. Valencia, dahil late ka I want you to share to the class your thoughts about these terms written on the board!" Sabay bagsak ng kanyang kamay sa puting pisara.
Dumako naman doon kaagad ang aking tingin. At doon ay nakita ko ang apat na salitang nakasulat gamit ang whiteboard marker. Itim na mga letrang nakasulat sa malalaking titik.
"What now, Ms. Valencia? You don't have any idea?"
Halata sa boses niya ang satisfaction. She's satisfied to see me embarrassing myself in front of the class.
Bumuntong-hininga muna ako bago tumayo. May isang dahilan pa pala ako kung bakit ako palaging maaga kung pumasok tuwing Monday, Wednesday, at Friday — unang subject namin sa umaga ang Science. At ayaw sa akin ng teacher namin sa Science kaya naman as long as possible I do my best not to anger her. Before, I thought it was natural. She's an educator her role is to teach me to do the right thing. I thought she was hard on me because she wanted me to learn great things from her. Pero sa nakikita ko ngayon, sa nakikita ko bilang isa ring guro at 27-year old na Alice ay hindi ito ang gusto niyang iparating sa akin. Mali ako ng inakala.
She was hard on me simply because she wanted to. She hates me to the core. Iyan lang ang rason niya.
Napapitik ako ng dila nang marealize ko ito. She must have heard my silent protest when she asks me again, "I guess you're only familiar with the words but not their definitions."
Nagmamarunong na naman ang teacher na ito.
Itinaas ko ang aking kamay na siyang ikinagulat ko dahil nagawa ko ito sa sarili kong kagustuhan. Yet, I don’t have time to be surprise.
"Ma'am! Alam ko po," mabilis kong sabad bago pa man niya ako utusan na umupo.
"You know?" hindi makapaniwala niyang tanong. Mataray kasi na nakataas ang isa niyang kilay habang bahagyang napaatras ang kanyang ulo. "Okay, tell us what you know about monosaccharide, disaccharide, oligosaccharide, and polysaccharide."
"Yes, Ma'am," mabilis kong tugon.
Tumayo ako ng maayos at saka tumikhim ng mahina. Mukhang may magaganap na mahaba-habang diskusyon ngayon.
"First of all, these four words on the board are types of carbohydrates or saccharides. Derived from Greek word sakcharon meaning sugar," pagsisimula ko tapos ay tumalikod kay Ma'am Madrid para makaharap ang mga kaklase ko at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Monosaccharide, as its name suggests, contains single polyhydroxy aldehyde or ketone unit. Also, they can’t be broken down into simpler substance by hydrolysis, for anyone who doesn't know hydrolysis we can just put it as simple as a reaction with water. Glucose and fructose are examples of monosacharride. Disaccharides, on the other hand, contains two monosacharrides units covalently bonded to each other, and upon hydrolysis they produce monosaccharides. Examples of which are table sugar or sucrose and milk sugar also known as lactose. Oligosaccharides naman, has three to ten monosaccharides also covalently bonded to each other. However, unlike the previous saccharides, they are less common in nature. Ibig sabihin they're not the same as the mono and di na madaling makita. Lastly, polysaccharides have much mon—"
"OKAY!" Ma'am Madrid suddenly interrupted.
"M-Ma'am?" mutawi ko.
"You've said a lot of information. Too much information, and too advanced." Tinaasan niya ako ng kilay bago sinabi na, "You can sit down now. Thank you for sharing your knowledge about the sugars and carbohydrates."
Nginitian ko lang siya at saka umupo na rin. Napakapit naman ako sa aking dibdib sa kaba. Akala ko talaga ay mapapahiya ako sa harap ng klase at sa harap ni Mike.
Ah, naalala ko ulit na wala namang kaso sa akin kung mapahiya ako sa harap niya. Wala pang kaso sa akin dahil sa panahon na ito ay wala pa akong espesyal na nararamdaman para kay Mike. Isa lang siyang malapit na kaklase na madalas ko rin kakulitan. Isang kaibigan.
Napalingon ako sa kanya nang bigla na naman ako sikuhin.
"Uy! Saan galing knowledge mo sa mga asukal kanina?"
"A-Asukal?" nalilito kong tanong.
Hindi ako maka-focus. Ang hirap kung siko lang ang pagitan namin sa isa't isa.
Dali-dali akong nag-isip ng palusot at aligagang sumagot ng, "Ah! Oo! Y-Yun? Tsamba lang 'yon, nakapanood kasi ako ng short video tungkol sa glucose sa mga halaman tapos may ganun din na content."
Napakunot naman siya ng kilay sa sagot ko. Hindi na nakapagtataka dahil malayo sa pagiging studious ang character ko noong high school.
I am not too smart and too dumb. I am an average student that's why teachers like Ma'am Madrid hates me whenever I suddenly boost my grades beyond their own expectations. Hindi naman kasi ako nag-aaral para makakuha ng mataas na grado. I study because it is fun. Naalala ko pa nga noon na hindi ako nag-aaral sa ibang subject maliban sa subject na paborito ko dati — ang Araling Panlipunan.
I don't know why I used to like the subject, but I immediately hate it when I reached Grade 10. Ito 'yung time na may Economics na ang Araling Panlipunan. So, I decided to hate it. Since then, I don't have a favorite subject anymore. Kung ano 'yung madali iyon na lang ang pinagtutuunan ko ng pansin.
It's not bad to be an average student. Iyan ang mindset ko. Simple lang. Walang stress. At hindi naman ako naghihirap sa eskwelahan, walang bumubully sa akin, wala rin naman akong binubully. But I sure have a lot of anxiety pero hindi ko pa nga lang alam kung paano icope up ang mga ito. I was too young back then. I know 17 is near young adulthood. But for me who was born happy go lucky, the word young in young adult is much emphasized than the last one.
Natapos ang buong araw ko sa eskwelahan ng normal. Wala chill lang. Nakinig ako sa mga turo ng mga guro ko. Kung hindi nga lang nila ako tinatanong sa recitation o pinapasagot ng quiz ay malamang isipin ko na nasa evaluation class ako. Kasi kung nagkataon ay bagsak silang lahat sa akin sa sobrang tamad nilang magturo.
But I can't blame them. Even I also have those times that I feel less of me and become lazier than usual.
Naglalakad ako papuntang sakayan ng jeepney nang biglang may kumalabit sa aking balikat.
"Jusko kabayo!" gulat kong bulalas.
"Hey! Alice!" bati sa akin ni Mike na humahagikgik sa pagkagulat ko.
"He. He. Nakakatawa," inis kong sabi. "Anong ginagawa mo rito?"
Hindi kasi kami sabay na umuuwi dati. Sa pagkakaalam ko ay sabay silang umuwi ni Ana noon o kaya naman ng mga barkada niya. Senior high lang kami naging magkaklase kaya naman hindi pa kami ganoon kalapit sa isa’t isa, at kahit magkatabi kami ay hindi rin naman kami sabay kumain. Sa panahon na ito ay hindi pa namin gaanong kakilala ang isa't isa.
"Maaga akong uuwi ngayon, do you mind if I wait here with you?"
Ah. Naalala ko tuloy kung gaano ako naiinis sa English niya.
"Sige. I don't care," sambit ko.
I don't have any reason to refuse him. That only means I don't have any choice but to agree.
As far as I can remember he live farther. Minsan ay parehong jeepney ang sinasakyan namin pero mas matagal naman ang babaan niya.
Maya-maya lang ay may maluwag na jeepney na huminto sa tapat naming dalawa. He quickly grabbed me by my hand, and just like a small electric current, I suddenly felt a static flowing as his hand comes close to mine. Mag-iisip na sana ako ng kung ano-anong kaharutan nang bigla akong napabitaw sa kanya. I thought he would notice but he did not, he continued to climb in the jeepney. I wanted to scream and call his name, but no words could escape out of my mouth.
Sunod ko na lang narinig ang nasasakluban na tunog ng tubig mula sa ilalim ng ilog.
At kagaya ng biglaan kong pagkalunod ay biglaan din akong nakaahon. Pero hindi sa ilog ng villa, kung hindi sa maliit kong kama sa loob ng kuwarto ng mansyon.
Napahawak ako sa aking dibdib, then I quietly uttered, "Shuta naman oh! Kinabahan ako doon, panaginip lang pala."