ALICE “Si Ma'am Castro ba anong sabi niya?” “Nasa Batangas pa rin siya pero nag-chat na siya sa GC na payag siya na ang maging adviser this year.” “Oh, okay. Sige, biglaang meeting din naman ito kaya understandable na may mga hindi makakapunta dahil bakasyon,” sabi ni Ma’am Laroscain na siyang nag-organize ng abrupt meeting namin ngayon. “Mabuti naman at pumayag siya. Sayang nga lang at hindi mabibigay ni Ma'am Luis ang files ngayon,” dagdag pa na sabi ni Ma'am Laroscain. Alas siyete ng gabi kahapon nang nag-chat siya sa group chat namin na kailangan naming magkita-kita para mag-meeting tungkol sa susunod na magiging adviser ng RCY o Red Cross Youth Organization ng paaralan namin. Usually ay dapat noong unang linggo ng simula ng bakasyon na kami nagpulong para rito, pero dahil nagin

