S03: CHAPTER XXIII

1991 Words

ALICE Tahimik ang buong paligid noong iminulat ko ang mga mata ko. Hindi ako sigurado kung umaga na ba o gabi pa rin ba dahil sa kapal ng maroon na kurtina ng mga matatayog na bintana ng silid. Hindi ko inaasahan na sa ganitong uri ng lugar ako dadalhin ng mga kidnapper. Akala ko sa isang warehouse o lumang bodega, o kahit man lang sa isang abandonado at mabantot na bahay. Pero mukhang hindi kailangan ng mga kidnapper ng pera dahil sa ganda at gara ng bahay na pinagdalhan nila sa akin. Malawak ito na kuwarto, nasa gilid ko ang isang king sized na kama na may bronze na frame at malalaking pulang unan. May mamahalin din na bedside table at lampara na gawa pa ata sa porcelana. Napatingin naman ako sa kinaroroonan ko. Nakatali ako sa bakal na upuan na kulay bronze at may masusing disenyong b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD