ALICE "You see we have three men here. What do you think about them? They look good, aren’t they?" Noong una ay akala ko may kukunin na namang bagay si Max mula sa lamesa niyang tila lalagyan niya ng mga abubot. Rinig na rinig ko ang pagtakatak ng latang lalagyan at kalantog ng iilan pang bagay na nandoon. "Do you have a light?" Ito ang huling kataga na narinig ko mula kay Max, mahina niya itong sinabi sa isa sa mga tauhan niya pero malamang sanhi ng suot niyang earphones ay hindi niya napansin na napalakas ng kaunti ang bulong niya. Tumahimik ang buong kuwarto, nawala ang magulong ingay ng ginagalugal na mga gamit sa lamesa. Hindi rin kumikibo ang mga lalaki na kumidnap sa akin. Bumangon ako at umupo sa sahig, gusto ko man na tumakbo ng mabilis at makatakas ay hindi ko ito magaw

