ALICE "Valencia, may naghihintay sa'yo sa labas," sabi sa akin ng kaklase kong nakatambay sa labas ng classroom. "Si Marie?" hula ni Andrew. Nagkibit-balikat lang ako at tumayo sa upuan para silipin kung sino iyong naghihintay sa akin. Nasa College of Technology building ang klase ko ngayon kaya panay ang iwas ko sa mga matataas na drawing desks. Baka masagi ko pa itong mga kaklase ko na abala sa drawing nila. Technical Drawing ang subject namin ngayon. Mukhang madali sa pandinig kasi drawing, pero sa totoo lang ito talaga ang nagbigay ng malaking trauma sa akin noon. Sa aming lahat ng mga kaklase ko. Wala namang kahit anong interesadong bagay sa loob ng silid ba ito, maliban sa maraming drawing desk sa loob ay isang white board at teacher’s table lang ang nandito. Pinapanatili kasi i

