ALICE "Ano naman ang gagawin ko sa bahay niyo bukas?" tanong ko kay Mike na namumula na sa harap ko. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig bago siya tumalikod sa akin. Akala ko ay umiiyak siya dahil sa mga naririnig kong hikbi niya. Isa pa, taas-baba rin ang kanyang balikat. Pero muntik ko nang makalimutan na baliw din itong si Mike. Isa nga pala sa hobbies niya na inisin ako. "Huy, Mike," alala kong tanong tapos ay lumapit sa kanya at hinila ang balikat niya para harapin ako. Noong una ay akala ko ay iiyak siya o kaya ay magagalit dahil sa manhid na batang Alice. But I only got disappointed when I saw him suppressing his laughter by covering his mouth and quietly moaning in joy. "Ba't ka tumatawa?" nalilito kong tanong sa kanya. "N... Noth... Nothing. You're too innocent!" At

