ALICE "Saan ba kasi sila banda? Kitang ayaw kong maglakad dito, e," angal ko kay Andrew nang dalhin ako sa tambayan. Tambayan ang tawag namin sa parte ng campus na maraming kiosk na tinatambayan ng mga estudyante. Madalas dito ang mga gumagawa ng group activities, mga naglalast minute study, at ang mga kulang sa tulog. Maganda naman ang atmosphere dito, maaliwalas dahil maraming puno at halaman. Kaso nga lang tambak ng gravel ang lupa dito, as in puro bato na kulay gray na kapag inapakan mo ay masisira ang sapatos na de takong dahil sa dulas. Paika-ika nga akong naglalakad sa tuwing nagagawi kami rito dahil wala akong choice. The place is just perfect para sa mga kagaya naming estudyante na walang permanenteng classroom. "Saang kiosk ba sila?" sabi ni Andrew. "Huh? Hindi mo pala alam?

