ALICE Time check, 3:05 pm. Ten minutes na lang at matatapos na ang klase nina Mike at Marie. Nasa labas ako ng classroom nila at naghihintay sa kanila. Ito naman talaga ang madalas na gawain ko kapag naunang matapos ang klase ko kay Mike, at ganoon din naman siya sa akin. Bale, salitan lang kami kung sino ang maghihintay sa aming dalawa. Nakatayo lang ako sa gilid ng pinto nila, nararamdaman ng balat ko ang sumisingaw na lamig ng aircon mula sa loob. Hindi rin ako mapakali dahil sa dami ng taong dumadaan at panay ang tingin sa akin. As a teenager I am incredibly conscious, kagaya lang din ng iba. Kaya lang may mas mababang kumpiyansa nga lang ako sa sarili. I always pretend that I am strong and smart. But I am actually the complete opposite. I am not strong at all nor smart. Average l

