ALICE I hate the campus' early morning and after class atmospheres. Ito ang nga oras na parehong kaunti na lang ang estudyante sa campus, at madalas ay may mga kakaibang pakiramdam na nagpapalungkot sa akin sa tuwing tahimik ang paligid. I hate silence, I always do. I was even scared of living alone when I first took my house. Pero nasanay na rin naman ako. Nasanay na ako kung paano idistract ang sarili ko, my thoughts stopped wandering anywhere as long as there's something to keep me busy. Kaya siguro nagustuhan ko ng husto ang abala kong trabaho. Hindi ko lang gusto na kailangan ko na naman danasin ang malungkot na umaga sa campus na ito. Maagang nagbubukas ang gate ng campus namin. Six o'clock pa lang ay pinapayagan nang pumasok ang mga estudyante. Kaya ito ako ngayon, naglalakad

