Syl
Joaquin looks stressed out since he received a message from Don Narciso. Dalawang araw ko na siyang napapansing malalim ang iniisip. Kumikibo naman kapag kinakausap ngunit kapag napag-iisa na naman ay nagiging malayo ang tanaw.
I put down the spoon and then headed towards him with a cup of coffee I made for him. Naroon siya sa may kubo at malalim na naman ang iniisip.
He looked up at me as soon as I placed the cup in front of him. Pinilit ko ring ngumiti bago ako naupo sa kanyang tabi.
"Naihanda ko na 'yong mga gamit," sabi ko.
Babalik na kami sa mansyon ni Don Narciso tutal ay tapos na ang pyesta. Dadalaw-dalaw na lamang kung hindi siya abala sa mga bagay na kailangan niyang asikasuhin habang naririto sa Sta. Ana.
Joaquin inhaled a sharp breath then nodded as he released it. Hinawakan niya ang tangkay ng tasa saka siya humigop ng kape.
I tucked my hair behind my ear as the fresh morning air caressed my cheek. Tahimik ko isyang pinagmasdang uminom ng kape hanggang sa tuluyan niyang sinalubong ang aking tingin.
"Ihahatid kita sa mansyon bago ako umalis," aniya nang maibaba sa kawayang mesa ang tasa.
"Saan ka pupunta?"
I saw his eyes softened. Bumuka ang kanyang bibig ngunit imbes na magsalita ay umiwas siya ng tingin saka siya bumuntonghininga. Tila ba nahihirapan siyang sagutin ang tanong ko.
Ilang sandali pa siyang natahimik, pumikit at makailang ulit na humugot ng matalim na hininga bago niya ako nagawang tingnan muli.
"Pupunta ako ng Maynila," sa wakas ay sagot niya sa tanong ko.
"Maynila? May . . . kailangan bang asikasuhin sa . . . negosyo?" tanong ko kahit na iba na ang kutob ko. Mysha is in Manila. Pakiramdam ko ay may kinalaman kay Mysha ang pagluwas niya.
Joaquin pursed his lips for a moment as he released a heavy breath. Ibinaling din niya ang lumamlam na mga mata sa tasa ng kape bago niya ako sinagot.
"I have to check on Mysha. She's having panic attacks lately. Her therapy sessions aren't helping at all. She needs me by her side."
Those words felt like physical blows. Pakiramdam ko ay sinuntok ang dibdib ko kaya nanikip at nahirapan akogn huminga.
I tried to act cool about it. Pilit kong nilunok ang namuong bara sa aking lalamunan kahit na sa totoo lang ay para akong dinudurog.
Pupuntahan nga niya si Mysha gaya ng inaasahan ko . . .
"O-Okay." My answer nearly came out as a whisper.
Joaquin tilted his head to look at me but I immediately dodged his gaze. Humapdi na rin ang sulok ng aking mga mata kaya bago pa man ako maluha sa harap niya ay nagpasya na akong pumasok sa loob.
No, no. I should not feel defeated. May pag-asa pa naman ako, hindi ba? We've been making progress. We're starting to get along again. Kahit paano ay bumabalik na ang lambing niya sa akin. Kaya ko pa namang kunin ulit ang loob niya, hindi ba?
I shove my tears as soon as I got inside the house. Dumiretso ako sa kwarto at pinili na lamang i-double check kung nailagay ko na ba sa bag ang lahat ng gamit namin.
Maya-maya ay bumukas ang pinto. Rhyz came in with puffy eyes. Tila ba kagagaling lamang niya sa pag-iyak bago nagtungo sa akin.
"P-Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya. Ang tinig ay muntik nang maaos.
I inhaled a sharp breath then nodded. Tinapik ko ang espasyo sa kama na katabi ko upang doon siya pauwiin.
Rhyz walked the length towards me. Naupo siya sa pwestong sinabi ko saka niya naluluhang tinitigan ang pader.
There was a moment of silence between us. Maya-maya ay tuluyang binasag ng pagsinghot niya ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa.
"Gusto kong . . . mag-abroad," panimula niya. "May agency nang nairekumenda sa akin si Una. Pupwede akong magtrabaho bilang vegetable picker sa South Korea."
Lumamlam ang mga mata ko. "Hindi mo naman kailangang umalis--"
"Gusto ko." She met my gaze. "At aalis ako, pero ang kaibahan nating dalawa, gagawin ko 'to para kina Mama. Hindi lang para sa sarili ko."
Parang tinadyakan ang aking dibdib. I shut my eyes for a moment before I let out a sharp breath. "When will you ever forgive me?"
Rhyz sniffed. "Unti-unti na kitang napapatawad. Nagiging totoo lang ako sa mga sagot ko. Aalis ako para kina Mama. Lumalaki na ang gastusin at ayaw kong umabot si Mama sa punto na wala siyang maiipon. Kahit sabihing nandiyan si kuya Joaquin para umalalay, hindi pupwedeng humilata na lang ako rito at walang gawin. Gusto ko ring makapagtabi para kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan, mayroong mahuhugot."
I sighed. "Pero hindi naman madali ang buhay sa ibang bansa."
She wiped her tears. "Wala namang madali. Pipili lang tayo kung saan natin gustong mahirapan. Mahal ko ang Sta. Ana, pero hindi lahat ng tao ay narito ang swerte. Isa pa ay gusto ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. Napatunayan ko nang kaya kong punan ang pwesto mo. Siguro panahon naman para kilalanin ko ulit ang sarili ko."
Lumamlam ang mga mata ko. "S-Sinasabi mo ba sa akin 'to ngayon dahil . . . gusto mong suportahan kita?"
Rhyz sniffed as she stared into my eyes. "May kaunting galit pa ako para sa'yo pero tanggap ko nang hindi ako magugustuhan ni kuya Joaquin kahit na hindi ka bumalik sa buhay namin. Na-appreciate ko rin ang pagpapaliwanag mo sa isip ni Mama tungkol sa pagiging unfair niya. Siguro 'yong paghingi lang naman ninyo ng tawad ang kailangan ko, eh dahil wala namang gustong mabuhay na puro sama ng loob ang dala-dala." Nagpunas siya ng pisngi. "Kaya oo. Sinasabi ko sa'yo ngayon kasi gusto kong suportahan mo ang desisyon ko dahil . . . d-dahil gano'n naman ang magkakapatid, 'di b-ba?"
Tuluyang nangilid ang aking mga luha. My lower lip trembled as my heart exploded with all the emotions wanting to fill it. Nang hindi ko na kinaya ay tuluyan ko siyang kinabig para yakapin. Nag-iyakan kaming dalawa habang nakayakap sa isa't isa. Tila ba pareho nang handang magsimulang muli bilang magkapatid.
"Sorry, Rhyz. Sorry wala si ate sa mga panahong kailangang-kailangan mo ko . . ." I cried. "Pero pangako, susuportahan kita kung ito ang makakapagpasaya sa'yo.
She sniffed. "O-Okay na. Kaya ko nang . . . talikuran ang nakaraan . . . a-ate."
Her last word just made me sob. Nahalikan ko ang gilid ng kanyang ulo saka ko siya niyakap nang mas mahigpit. It's a bittersweet feeling to be reunited and to be forgiven. Dahil alam ko sa sarili kong hinding-hindi ko na mababago pa ang nakaraan. My decision affected all of us, but that's all in the past. Ang kaya ko na lamang gawin ngayon ay ang yakapin ang resulta ng mga naging desisyon ko't magsimulang muli.
Joaquin went in. Nang makita namin siya ay kumalas ng yakap si Rhyz saka siya tumayo. "Sa labas muna ako. Tutulungan ko si Mama na magluto," ani Rhyz bago kami iniwan sa silid.
Isinara ni Joaquin ang pinto bago siya naupo sa aking tabi. "Nasabi niya na sa'yo?" he asked.
"Alam mo na . . . may balak siyang mag-abroad?"
Joaquin pursed his lips then nodded. "Yes . . . and I also made it clear to her that I could never treat her more than a sister--"
Naputol ang sinasabi niya nang umilaw ang hawak niyang phone. I was able to see the chat he received, at malinaw kong nabasa kung ano ang sinabi ni Mysha sa kanya.
Mysha: I don't mind staying at the beach house with her as long as you're there with me.
Lumamlam ang aking mga mata. "Hindi mo ba siya kayang mahalin dahil ako ang mahal mo o . . . dahil may Mysha sa buhay mo?"
Joaquin dodged my gaze then sighed. "Maliligo na ako nang makaalis na tayo pagkatapos mananghalian."
Naninikip ang dibdib ko na lamang siyang pinanood na tumayo at magtungo sa banyo. Nang sumara ang pinto ay saka ko pinakawalan ang aking hikbi.
Oh, God please give me strength to fight for this man because you know how hard it is to hold onto a faltering thread of hope . . .