bc

HERMOSA CLUB SERIES: Trick or Tears

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
dark
fated
sweet
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Sylestia wanted nothing but a good future. Sick and tired of her poor provincial life, Syl left her hometown without bidding goodbye to anyone-pati na sa long-term boyfriend niyang si Joaquin.

Nakipagsapalaran sa Maynila hanggang sa nawalan ng pagpipilian kun'di ang pumasok sa madilim na mundo ng Hermosa Club-isang lugar na dinarayo ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang kalalakihan sa bansa.

Five years in the industry and Syl had already gone familiar with how her industry works. Dahil malaki naman ang bayad sa kanya sa pagiging mananayaw ay ni minsan hindi siya nakumbinsing sumama sa mga customer na nahuhumaling sa kanya.

Not until a familiar man walked inside the club. His piercing brown eyes watched her with nothing but disgust . . . and undeniable desire to devour her the way he used to do.

No, Joaquin Descartel didn't come just to watch her dance with nothing but her mask covering the upper part of her pretty face. He wants to make a deal. A deal that crushed her already aching heart.

"Fifty million. Pretend to be my fiancee so people will stop bothering the woman my Dad wants me to marry." Umigting ang panga ni Joaquin. "Take it or leave it, Syl."

Scared to lose the man she loves for good, Syl accepted his offer. Hindi para sa pera kun'di upang kuning muli ang loob ni Joaquin. Magtagumpay kaya si Syl sa pagsungkit sa pusong minsan na niyang sinaktan?

chap-preview
Free preview
Prologue
Sylestia Have you ever wandered around your hometown and realized that you don't really fit in? Iyong tipong doon ka naman lumaki, kilala mo naman halos lahat sa komunidad ninyo, marami ka namang kaibigan at doon mo rin unang naranasan kung paano umibig, pero parang . . . may kulang? Parang hindi ka masaya? Parang may hinahanap ka? Hindi ko alam kung gaano na katagal mula noong napagtanto ko ang bagay na 'yon. Basta ang alam ko, hindi ko gustong sa lugar na ito ubusin ang buhay ko. Naramdaman ko ang marahang pagpiga ni Joaquin sa aking palad habang nasa duyan kami. His brown eyes flickered with worry as he studied my face. "May nangyari na naman ba sa inyo?" tanong niya habang itinutulak ang ilang hibla ng buhok ko patungo sa likod ng tainga. Napabuntonghininga ako kasabay ng pag-iwas ng tingin. May nangyari? Wala naman. Kalmado nga sa bahay. Kalmado kahit na wala nang laman ang bigasan. Kahit magkakaputulan na ng kuryente bukas o kahit na araw-araw nang kumakatok sa bahay ang mga pinagkakautangan ni Mama. Labag sa loob akong umiling. "Wala, babe. Napapaisip lang ako kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, ako pa talaga ang isa sa ipinanganak sa buhay na ganito." His brows twitched. "Ano ba talaga ang nangyayari, Syl? Ilang linggo ka nang ganito mag-isip. Hindi ka ba talaga masaya rito sa'tin?" I swallowed the lump forming in my throat. Paano ba ako magiging masaya kung araw-araw na lang akong nasasampal ng katotohanang binigyan nga ako ng talento sa pagsasayaw at katalinuhan pero hindi ko naman magamit sa lugar na 'to para umangat ang buhay namin ng pamilya ko? Siguro kung ginawa akong bobo, hindi ko maiisip ang mga bagay na nakapagpapasikip ngayon sa dibdib ko. I wouldn't give a damn if my parents would fight because we don't have enough food. Hindi ko dadamdamin tuwing ako ang inaaway ng mga pinagkakautangan ni Mama. Hindi rin ako magrereklamo kung palagi na lang tumutulo ang ulan sa loob ng bahay namin kapag may bagyo. Most people in my hometown don't see those things as problematic. Probably because they'd gone so familiar with it that they saw all of it as mundane things. But just because it's normal doesn't mean it we should settle for it. Hinagod ni Joaquin ang aking braso saka ako kinabig para sumandal sa kanya. "Huwag ka nang ga'nong mag-isip. Kapag sumahod ako, mamimili tayo ng mga kailangan n'yo." I sighed. Tiningala ko ang gwapo niyang mukha. "Joaquin, sa tingin mo ba magiging masaya tayo rito sa Sta. Ana oras na maging mag-asawa na tayo?" Bahagyang kumunot ang noo niya. "Oo naman." I don't. This place screams poverty. Wala pang umangat sa buhay na nanatili lamang sa bayang ito. Ang mayaman lang naman dito ay iyong talagang galing na sa marangyang pamilya gana ng taong pinagtatrabahuhan niya. Napaiwas ako ng tingin. As much as I love this man, I could never find poverty romantic. Hindi ako naniniwalang mapapakain ako ng pag-ibig kasi bakit ang mga magulang ko, mahal na mahal daw nila noon ang isa't isa pero lumaki ako na halos araw-araw ko silang nakikitang nagtatalo kasi wala nang maisaing? Kayang-kayang patayin ng gutom ang pag-ibig . . . Pinatakan ni Joaquin ng halik ang tuktok ng aking ulo. "Ihahatid na kita sa inyo. Ipagmamaneho ko pa si Don Narciso sa lakad niya mamaya." Tanging tango ang naisagot ko. He helped me get on my feet. Sumakay kami ng kanyang motorsiklo pauwi sa bahay. Nasa kabilang barangay lamang iyon. Wala pang sampung minuto ang layo mula sa kanila. Joaquin works as an all-around helper to a wealthy old man. Don Narciso lives in a large house near the beach. Isa ito sa kakarampot na may kaya sa aming lugar. Walang anak dahil maagang namatayan ng asawa. Ibinuhos lamang ang buhay sa pagpapatakbo ng poultry business at dalawang beach resort na pag-aari nito. Matagal na nanilbihan ang nanay ni Joaquin sa matandang Don. Noong na-stroke ang nanay niya ay tumigil si Joaquin sa kolehiyo para rumelyebo sa trabaho nito. Ayos naman ang sahod niya roon kaya lang dahil nagmi-maintenance ang nanay niya at sa kanya inaasa ng tatay niya ang dalawa niyang kapatid, natatakot ako para sa kinabukasan namin kung kami man ang magkatuluyan. Paano kung naging mag-asawa na kami? Siya pa rin ba ang tutustos sa mga pangangailangan ng pamilya niya? Kung oo, hindi ko naman siya pipigilan dahil alam kong ganoon din ang magiging sistema namin ng pamilya ko dahil pareho lang kaming panganay pero paano kami ni Joaquin at ang pamilyang bubuuin namin? Paano ang mga pangangailangan namin? Paano ba namin dapat pagkasyahin ang sasahurin namin? Ang hirap maging mahirap. Hindi ka pwedeng magdamot kasi may utang na loob ka sa mga magulang mo. Masama kang anak kung uunahin mo ang sarili mo. That's the mindset that people have in this place, and if you would dare change the narrative because you find it wrong, they'll call you selfish. Crazy even. "Tawag ako mamaya, babe." Humalik si Joaquin sa akin. It was supposed to be a quick kiss but I wrapped my arms around his nape to deepen it. No, I wasn't planning to turn him on. It was me wanting to taste his lips because this might be the last. Nagdadalawang-isip pa ako sa aking plano kaya hindi ko masabi sa kanya pero kung matuloy man, siguro, hindi ko pa rin magagawang magpaalam dahil alam kong tututol siya. His eyes glistened with love as soon as our lips parted. Gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi habang itinutulak niya ang ilang hibla ng buhok ko patungo sa likod ng tainga. "Mahal na mahal kita, Syl," he said with nothing but honesty. Basag akong napangiti. Pigil na pigil din ang emosyon na maging luha. "Mahal din kita." Halos pumiyok ang tinig ko dahil sa nararamdamang sakit. Joaquin gave me another kiss on my forehead before he finally left. Hinayaan ko nang tumulo ang mga luha ko habang pinanonood ko siyang lumayo mula sa aking pwesto. As much as I want to keep him, I am scared of the future that's waiting for me here. For us. Natatakot akong magaya sa mga magulang ko. Sa mga ibang kamag-anak. Pati sa mga kapitbahay na natuto na lamang makuntento sa buhay na mayroon kami rito. Maybe my mother was right. Masyado akong ambisyosa. Hindi niya ako masisisi. I grew up feeling bad because I don't have recess money. My teachers would pity me for not being able to have funds for my projects. Ni wala akong matinong black shoes noong nag-aaral ako. Si Joaquin lamang din ang nakatuntong ng kolehiyo sa aming dalawa dahil hindi naman ako kayang paaralin ng mga magulang ko. Pagod na rin akong magtrabaho sa grocery bilang kahera tapos iyong sahod ay hindi pa tumatagal ng isang linggo. Pagod na akong mag-isang kahig, isang tuka. Pagod na pagod na. I wiped my tears and was about to come in when I heard a familiar voice. "Syl! Hoy, Syl!" Lumakas ang kabog ng dibdib ko. "A-Aleng Marla." Nagpamaywang siya. Kumalansing pa ang mga burloloy sa kanyang palapulsuhan. "Ano na? Kailangan ka magbabayad? Sabi ng nanay mo magbibigay ka sa sahod mo?" Nalukot ang noo ko. "Ho? Ano hong magbabayad?" Umismid siya at ang kilay ay tumaas. "Aba, bigla tayong nakalimot, ah? Hindi ba ay inutusan mo ang nanay mong mangutang noong nakaraang buwan? Ang pangako sa akin ay dalawang linggo lang. Aba, higit isang buwan nang namumuti ang mata ko kahihintay!" Parang nilamutak ang puso ko. Si mama? Nangutang na naman na ako ang ipinangsangkalan? Tinalakan ako nang tinalakan ni Aleng Marla. Halos hindi ko na masikmura ang ibang sinasabi niya. Hindi ko naman masabing si Mama lang ang nangutang at wala akong alam doon dahil baka kung sabihin ko ay lalong tumalak. I found myself staring at her while I think of more reasons to leave this place. Maybe this is the last sign I was asking for. Kaya kahit ang sakit isiping lilisanin ko talaga ang bayan namin, mukhang kailangan ko nang gawin dahil pagod na pagod na ako sa sistemang ganito. Humugot ako ng hininga. "P-Pasensya na po. H-Hindi ho bale sa . . . sa susunod na linggo ho, magbabayad ho ako." Idinuro niya ako na animo'y nabili niya ang pagkatao ko. "Siguraduhin mo lang, Syl kun'di ipababarangay kita!" I pursed my lips while clenching my fists on my sides. Pigil na pigil ko ang tuluyang pagsabog ng emosyon ko habang pasakay si Aleng Marla sa tricycle nila. Pagkaalis niya ay mabilis kong pinunasan ang pumatak kong luha. I'm done. Sagad na sagad na ang pasensya ko kaya kahit ang sakit-sakit iwanan ni Joaquin, nina mama at papa pati ang mga kapatid ko, patago akong nag-empake at tumakas pagsapit ng madaling araw. Nilakad ko hanggang sa sakayan ng jeep at nagtungo sa bus stop. I kept my hoodie and my face mask on until I was able to ride the bus in the next town. Wala nang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha habang unti-unting umaandar ang bus na patungo ng Maynila. I know this is a huge risk but I'd rather gamble with life than stay at the same place that drains the life out of me each day. Nagpunas ako ng luha saka ko dinukot ang mumurahin kong cellphone. Nagtungo ako sa messenger at pinindot ang pangalan ni Joaquin. I typed some words, telling him that I'm leaving Sta. Ana. Ngunit sa huli ay natagpuan ko rin ang sarili kong binubura ang lahat ng salitang naitipa ko. Muli kong ibinulsa ang cellphone ko saka ako sumandal sa salaming bintana. Hindi ko kayang magpaalam sa kanya dahil baka isang sabi lamang niyang susunduin niya ako ay sumama ako kaagad. He will always be my weakness, but I'm not getting any younger to still let life push me around. I shut my eyes and pursed my lips, and as the bus sped up on the highway, I imagined my boyfriend's face as tears streamed down my face. Patawarin mo ko, Joaquin. Pero marami pang bagay na mas mahalaga kaysa sa pag-ibig . .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rocking With The Bratva Brat

read
30.4K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
23.5K
bc

Crazy Over My Stepdad

read
1.2K
bc

The Slave Who Owned The Moon

read
2.2K
bc

The Baby Clause

read
3.0K
bc

Ava

read
2.7K
bc

The Lost Heiress's Glorious Return

read
6.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook