Kabanata 1

1872 Words
Syl "Magkano ang na-tip sa'yo kagabi?" usyoso ng kasamahan ko sa Hermosa Club na si Suzie habang naglalakad kami patungo ng dressing room. "Nasa isandaang libo rin kaya lang alam mo na. Fifty percent ang cut ng club tapos twenty percent sa manager," sagot ko. She folded her arms in front of her chest. "Bakit kasi nakukuntento ka lang diyan sa paglambitin mo sa pole? Kung nagpapa-table ka't nagpapa-take out, eh 'di malaki sana palagi ang naiuuwi mo? Tingnan mo si Elona. Naka-jackpot na ng parokyano. Ang aga siyang inilabas para lang ipag-shopping!" "Hindi na. Malaki naman ang kita sa pagsasayaw," saad ko. As much as I want to earn enough so I could leave this place already, I don't want to be like the rest of my co-workers. Nilunok ko na ang pride ko noong tinanggap ko ang offer na maging mananayaw. One of the agents found me joining a screening for a show. She took me somewhere fancy and gave me a big cheque. She said I can have it as an advance payment should I accept her offer to work at Hermosa Club. Desperada na ako noon dahil dalawang araw nang walang kain. Wala rin akong ibang trabahong mapasukan kaya sa istasyon ng bus nagpapalipas ng gabi. Dala ng gutom at kagustuhang may mapala sa paglayas ko sa amin ay pikit-mata kong tinanggap ang alok niya sa isang kundisyon. I will just be a regular dancer. Nothing more, nothing less. "Sabi ni Sir Tuck may mga bagong parokyanong nag-book ng VVIP. Kung matipuhan ka ay sumama ka na! Mahina ang tip na isang milyon kapag sa VVIP ang pwesto," pangungumbinsi ni Suzie pagpasok namin ng dressing room. I sighed. Nagsasayaw pa lamang ako nang nakahubad ay diring-diri na ako sa sarili ko. Paano pa iyong sasama ako sa iba't ibang lalake kapalit ng mas malaking kita? Yes, most of my co-workers earn six to seven digits a month. Iyong pinakamalakas kumita ay abot pa ng eight digits ang kayang kitain. Nakakainggit, oo pero bago ko pinirmahan ang kontrata sa Hermosa Club, ipinangako ko na sa sarili kong wala nang ibang makagagalaw sa aking lalake. I will let other men see me naked, but they will never have what Joaquin had. Kahit na ilang taon na ang lumipas, kahit na wala na akong balita sa kanya, kung may bago na ba siyang nobya o wala, nananatili siya sa puso ko. "Hey," bati ko kay Elona. She was already doing her look for tonight when we came in. Mahinang kaway lamang ang isinagot niya. Sanay na ako dahil siya naman ang pinakatahimik sa lahat ng babae rito. There's about thirty of us but not everyone comes to work often. Iyong iba ay on-call kapag maraming customer. Dalawa kami ni Elona sa unang batch. Nauna lamang siya sa akin dito ng isang buwan pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam sa kanya maliban sa pangalan niya. I don't even know her last name. She talks to me sometimes but only when it's work-related. I guess she's not really that much of a people-person. Elona pushed a sealed lipstick towards me. Napaangat ako ng tingin sa kanya, nagtataka. "May sale." She straightened her back. "I uhm thought you'd like the shade." I flashed a half smile. "Thanks." Nahasa nang husto ang pakikipag-usap ko ng Ingles sa Hermosa Club. Dahil hindi naman pipitsuging lugar ay nag-undergo kami ng trainings bago tuluyang isinalang sa entablado. Elona breathed in a sharp breath. "This might be my last night." Napatigil ako sa akmang pagbubukas ng moisturizer ko. "Magre-resign ka na?" Nakita ko ang paglunok niya. "'Yong... customer ko kasi, ayaw na niya ko rito." He sighed and looked away for a few seconds. "He's buying me out." Napaawang ang mga labi ko. "Dalawampung milyon ang buyout, 'di ba?" Tumango siya. "He's a doctor and he has his own businesses as well. He said he's gonna pay me so I won't have to go back here but..." Bahagyang nalukot ang aking noo. This is the first time that we had an actual conversation, and I felt like she initiated it because she's about to say goodbye. "Sasama ka ba talaga?" tanong ko pagkalipas ng ilang segundo. Kumislap ang lungkot sa mga mata niya kasabay ng basag na pagngiti. "I... don't know." I saw her purse her lips as if she's having a hard time deciding. "Gusto niya akong gawing girlfriend. Ipakilala sa mga magulang niya at... pakasalan pagkalipas ng ilang buwan." "Oh, eh mukhang seryoso naman pala sa'yo. Wala ka namang boyfriend sa labas, 'di ba?" Umiling siya. "Wala pero..." She met my eyes. "I don't think I'm ready to meet his parents when I know I met him in this filthy place." Lumamlam ang mga mata ko. Look at that? Hindi lang ako ang nakararamdam ng pandidiri sa sarili. Ganoon din pala siya. Yes, we're earning big bucks but reality still haunts us. Mga bayaran kaming babae, at naaapektuhan ng katotohanang iyon ang tingin namin sa aming mga sarili. My conversation with Elona was stuck in my head even during the show. Sa kalagitnaan ng performance ko ay naiisip ko ang balak niya. I have a feeling that she will just take the money and then dump the guy. I've seen him several times. Siya ang tipo ng lalakeng hinding-hindi mo aakalaing papasok sa ganitong uri ng lugar. I swallowed the lump forming in my throat as the music became more sensual. The spotlight focused on me as I teasingly pulled the strings of my bikini. I heard some men whistled. Ang ilan ay nagpaulan ng pera. I smiled in a flirty way, trying to lure them to give me everything they have in their pockets. Lalong naaliw ang mga customer nang mahubad ko ang tumatakip sa aking dibdib. I held onto the pole then sexily bent to give them a good look on my bum. Iginiling ko ang katawan ko bago ako lumuhod. I shut my eyes and bent my body while I'm pulling the string of the last piece of clothing covering me. Naghiyawan ang ilang parokyano nang ihagis ko sa audience ang bikini. I stood up, now fully naked and only wearing a fancy red mask. Malandi ang naging ngisi ko habang gumigiling sa pole. I imagined the place empty, hoping that this will be the last time I'd let my morality go this low. Muli kong isinara ang mga mata ko habang hinahaplos ko ang sarili. The music caressed my ears as more money were thrown to the stage. Pagmulat ng aking mga mata ay aksidente akong napatingin sa bandang itaas. Bigla akong natigilan at ang mga mata ay bahagyang nanlaki nang masalubong ko ang tingin ng lalakeng nakaupo sa VVIP couch. He was holding a glass of an expensive whiskey in one hand while his other arm was stretched on the backrest of the sofa. Mahigpit na nakaigting ang kanyang panga habang madilim ang pagkakatitig sa aking direksyon. He was watching me like a hawk as if he's already tearing me apart in his head. Nalunok ko ang sarili kong laway nang mangatog ang aking mga tuhod. I tried to look away and continue dancing. Maybe I was just hallucinating. Uminom ako kanina bago sumalang nang hindi na kabahan. Siguro epekto lamang ito ng alak. I went back to my routine. Ngunit nang mapatingin akong muli sa kanyang direksyon ay naroroon pa rin siya at nakatitig sa akin. His tie was already loosen this time. Mas tumalim na rin ang titig sa akin na tila nag-aapoy sa galit. My lips pursed as I stared into his eyes. No, it wasn't just anger that's glistening in his eyes. There was also disgust... and desire. Uminit ang aking pakiramdam ngunit mas lumamang ang aking takot. Siya ba iyon? Kung oo, bakit nasa VVIP siya? How could he afford that seat? This place is very exclusive to rich people. Last time I checked, he's doing chores and driving for an old man. Nakita ko siyang sumenyas sa aming manager. He whispered something to Sir Tuck. Maya-maya ay nag-radyo si Sir Tuck sa kung sino. I looked away and tried to finish my show. Ngunit pagkababa ko ng stage ay kaagad akong sinalubong ng isa sa mga assistant ni Sir Tuck. "Requested ka sa VVIP," bungad niya. Napalunok ako. "S-Sino ho ang... nagrequest?" "Joaquin Descartel." Muntik nang tumalon palabas ng aking dibdib ang aking puso. Joaquin... Descartel? Bakit Descartel na ang apelyido niya ngayon? "Handang mag-buyout ngayong gabi kung papayag kang makipag-usap sa kanya sa VVIP," dagdag ng assistant. Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking roba. He's going to buy me out? Hindi ba siya galit sa akin? Did he come here to save me? Was he... looking for me? Napuno ng napakaraming tanong ang aking isip. A part of me felt ashamed to accept the request but my longing for him won over my mind. Kaya kahit hindi ako pumapayag na mai-table ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong naglalakad patungo sa pwesto ni Joaquin. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib lalo na nang makatayo ako sa harap niya. Sir Tuck introduced me but Joaquin kept his intense gaze at me despite my manager speaking to him. Joaquin sighed. "You can leave us now. I'll settle the payment after we talk." Piniga ni Sir Tuck ang aking braso. "Galingan mo," bulong pa sa akin bago ako iniwanan. Dumoble ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung mananatili lang ba akong nakatayo o ngingitian ko siya. Joaquin slouched on the sofa before he drank his whiskey. Noong naubos ang laman ng baso ay matalim niya akong tinitigan. "Sit the f**k down." Nalunok ko ang sarili kong laway dahil sa narinig. This isn't the Joaquin I left several years ago... Nangangatog akong naupo sa kanyang tabi. Ni hindi ko alam kung kukumustahin ko siya dahil ramdam ko ang matinding galit niya para sa akin. He's very different now. From the way he moves to the way he presents himself, I could really tell that he's no longer that provincial guy I left without a word. "B-Babe..." sa wakas ay tawag ko. Napahinto siya sa akmang pag-inom ng alak. His brows twitched as irritation crossed his handsome face. "Babe?" He scoffed. "You're still calling me babe, hmm? Why? Because I got money now?" Parang tinadyakan ang dibdib ko. "S-Sorry..." He inhaled a sharp breath. "I didn't call for you here to reconcile with you. I'm not that stupid, Syl." Kumuyom ang isang kamao niya habang matalim na nakatitig sa bagong hawak. "I'm here to offer you a deal tutal nabubuhay ka na lang para sa salapi." My chest hurt. Humigpit ang hawak ko sa aking roba habang pigil ko ang pamumuo ng aking mga luha. I know his anger is valid, but it still hurts to hear him talk to me this way. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. "A-Ano ang... kailangan mo?" His piercing brown eyes met my gaze. "Fifty million. Pretend to be my fiancée so people will stop bothering the woman my Dad wants me to marry." Umigting ang panga ni Joaquin. "Take it or leave it, Syl." Parang tumigil ang aking mundo. He's... getting married?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD