Kabanata 22

1293 Words
Syl Nakiusap ako kay Joaquin na dumaan muna kami sa sementeryo bago niya ako ihatid sa beach house. Pumayag naman siya. Idinaan pa nga ang sasakyan sa bilihan ng mga bulaklak at kandila nang makapagtirik kami sa puntod nina Tita at Papa. I went to my Dad's resting place first before I offered flowers and a candle at Joaquin's mother's grave. Nag-alay rin ako ng panalangin at humingi ng gabay sa kanya pati na sa aking ama. Hinaplos ko ang nitso ni Tita habang nakatindig sa aking tabi si Joaquin. His phone has been keeping him busy. Bakas din sa mukha na mayroon siyang pinoproblema. Kanina pa siya gano'n. Ni hindi ko nga siya makausap nang maayos habang nasa daan kami patungo rito sa sementeryo. "Joaquin?" tawag ko nang hindi na nakatiis pa. "What?" he responded while he's busy typing a chat to God-knows-who. I sighed. "Hindi ba pwedeng sumama na lang ako sa'yo papunta ng Maynila?" He looked at me with his forehead creasing. "You know I can't take you with me, Syl." Lumamlam ang mga mata ko. "Dahil magagalit si Mysha?" He sighed. Ibinulsa niya ang kanyang cellphone bago muling sinalubong ang aking tingin. "Hintayin mo na lang ako sa beach house. Sisikapin kong umuwi kaagad tuwing aalis ako." I don't know why but I somehow felt like there was an underlying guilt in his voice when he said it. Hindi na lamang din ako nakipagtalo pa. Parang wala rin namang pupuntahan dahil halatang kahit anong pakiusap ko ay hindi niya ako isasama. We left the cemetery and then headed to the beach house. Gaya ng inaasahan ay iniwanan niya rin ako kaagad. Ibinaba lamang niya ang mga gamit at nagbilin na huwag akong basta magpapatuloy ng kung sino. I watched his car leave. Nang tuluyang naisara ng gwardya ang malaking gate ay nagpasya na lamang akong pumanhik sa itaas. I grabbed a pair of swimsuits and went for a swim. Ilang oras din akong nagbabad sa tubig hanggang sa nanawa. Bumalik ako sa itaas at naligo. Wala pa ring paramdam si Joaquin kahit isang chat man lamang kaya sa totoo lang ay nilalamon na ako ng selos at lungkot. A part of me wants to think that he's not worth fighting for anymore because there's another woman involved, but the bigger portion of my heart is stupid enough to still hold on. Inabala ko na lamang ang sarili sa pagluluto kahit na walang kasiguraduhan kung may Joaquin bang uuwi ngayong gabi. Para akong tanga na nag-set up ng dining table para sa amin. I even lit a couple of candles to make the vibe more romantic even when my mind has been overthinking things since Joaquin left. Tanga nga yata ako. Oh baka martir na. Ewan. It feels like I am being lower than I ever stooped. Mas mababa pa sa isang mananayaw sa isang club. I ate the food I made with tears trailing down my cheeks, ngunit sa kalagitnaan ng pagkain ay nakarinig ako ng pagdating ng pamilyar na sasakyan. My heart jumped out of excitement. Ibinaba ko kaagad ang mga hawak na kubyertos saka ako mabilis na naglakad patungo sa main door. "Joaquin, mabuti na lang dumating ka. Nagluto ako--" Naputol ang sinasabi ko nang masalubong ko ang titig ni Joaquin. His eyes seemed apologetic while staring at me. There was a hint of guilt, too written on his face as he walked towards the other side of the car. Nang mabuksan niya ang pinto sa shotgun seat ay saka ko naintindihan kung bakit ganoon ang ekspresyong nakaguhit sa kanyang mukha. A beautiful woman in an elegant maxi dress went out holding Joaquin's hand. She took one look at me before she tilted her head to meet Joaquin's gaze. Tila ba nag-usap sila sa kanilang mga isipan habang napako ako sa aking kinatatayuan, parang nauupos na kandilang gusto na lamang matunaw habang pinanonood sila. Joaquin brought Mysha here even when I am with him. Even when I asked him to give me a chance to prove my love for him. Yes, I am not in any position to demand anything but it still hurts to see her here! Dahil pakiramdam ko ay inalisan na ako kaagad ng pagkakataong mabawi ang lalakeng mahal ko! God, I am being unreasonable right now. Maybe that's what really happens sometimes. You lose your morals for love. Joaquin inhaled a sharp breath. "Mysha, that's . . . Syl. I already told you about her." Para akong sinuntok sa dibdib nang ngitian ni Mysha si Joaquin. "I know. You don't have to worry so no need to remind me who she is." Humikab ito. "I'm sleepy. Can we go upstairs na?" Naestatwa ako sa kinatatayuan habang pinanonood ko si Joaquin na umaktong nobyo sa harap ni Mysha. Who am I fooling anyway? Of course, he's going to act like a boyfriend? Sila na ang tunay na magkarelasyon. Ako itong anay na nagpupumilit bawiin ang lalakeng mahal ko. "Mauna ka na sa loob. Kukunin ko lang ang mga gamit mo," ani Joaquin kay Mysha. I saw Mysha nodded before she walked towards the front door where I was standing. Para akong nanghina nang lampasan ako ni Mysha. Tila kahit wala naman siyang sinabi o ginawa sa akin ay nasampal pa rin ako ng katotohanang siya ang tunay na may karapatan kay Joaquin. I wanted to sink into the ground as embarrassment clawed my aching heart. Nanghihina ang bawat kalamnan ko habang pinakikinggan ang papalayong mga yapak ni Mysha. Joaquin met my gaze. Hindi ako nakapagsalita ngunit hindi ko na rin napigilan pa ang pagbuhos ng aking mga luha. I felt betrayed even when I am in no position to demand anything from him. Siguro dahil alam kong mas liliit lang ang tyansa ko ngayong mabawi siya dahil naririto na si Mysha. I wiped my tears as soon as I was able to gather my strength to speak. "Mananatili na siya rito?" Joaquin sighed. "Yes." Lalong kumapal ang aking mga luha. "P-Paano ako? T-Tayo? Nakiusap ako sa'yo, Joaquin. Sabi ko bigyan mo ko ng pagkakataon. Sabi ko wala munang Mysha--" "She's unstable, alright? She needs me, Syl." Napahikbi ako. "At paano ako? Joaquin, paano na ako?" His eyes softened as guilt crossed his face. Ipinikit niya ang mga mata niya saka siya humugot ng matalim na hininga. Maya-maya ay muli niyang sinalubong ang aking tingin saka niya sinagot ang aking tanong. "I'm sorry, but Mysha needs to be here. Ako lang ang makakatulong sa kanya." My tears fell heavier. "Hindi mo ko sinasagot nang maayos, Joaquin. Paano ako--" "Enough, Syl." Halos mamaos ang boses niya. "Mysha needs me right now and there is nothing you can do to change my decision to bring her here so please stop. I don't wanna hear another word." Nag-unahan na lamang ang aking mga luha sa pagpatak nang tuluyan niya akong nilampasan. Joaquin went inside while I was left on my spot, barely hanging by a thread as I watch my heart break into pieces. I clutched the cloth in front of my chest as I cried. Napaupo na lamang din ako sa baitang na nasa harap ng front door. Umiiyak dala ng matinding sakit na nararamdaman. I don't know how long I've been sitting there feeling so helpless and defeated. Namalayan ko na lang na tumabi na sa akin si Joaquin saka niya ako kinabig. Para akong bata na humagulgol sa kanyang dibdib habang hinahaplos naman niya ang likod ko. "I'm sorry," namamaos niyang sabi. "If you can't do this anymore then . . . then I'll cancel our deal and take you to your mom." Umiling ako't yumakap sa kanya. "Kaya ko pa." Humikbi ako't desperadang hinigpitan ang yakap sa kanya. "Kakayanin ko pa . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD