Syl
Pakiramdam ko ay masyadong lumiit ang mundo nang dumating si Mysha sa beach house. I know it was a stupid decision to still stay and fight for Joaquin, but maybe I cannot just give up on him without draining out all of my strength.
Maybe this is the worst way to express my love for him, pero sa likod ng aking isip, gusto ko itong gawin nang kapag dumating ang araw na tuluyan akong mapagod, masasabi ko sa sarili kong ginawa ko muna ang lahat bago ko siya isinuko.
Siguro dala na rin ito ng guilt na nararamdaman ko dahil sa pag-iwan ko sa kanya noon. Sana kung dumating ang araw na wala na akong lakas pa para ipaglaban siya, mawala na rin ang guilt na ilang taon ding lumamon sa akin.
I hugged my knees as I listened to the crashing waves. Kanina pa ako naririto sa dalampasigan dahil hindi ko magawang labanan ang selos na nararamdaman ko.
Joaquin spent most of his time attending to Mysha in the past couple days. Hindi raw maganda ang pakiramdam ni Mysha kaya inaasikaso nang husto ni Joaquin. Lalabas lamang siya ng silid na tinutuluyan ni Mysha kapag kukuha siya ng tubig, gamot, o kaya ng pagkain.
I felt someone approaching my direction. Naaninag ko sa sulok ng aking mata ang pamilyar na bulto kaya mabilis kong pinunasan ang bakas ng luha sa aking pisngi.
Hangga't maaari ay ayaw kong ipakitang nasasaktan ako. Baka isipin kasi niya na mas makabubuti kung doon na lamang ako sa amin. Mas lalo lamang akong mamamatay sa selos kung hindi ko alam ang nangyayari rito sa mansyon.
"You haven't had your dinner yet," basag ni Joaquin sa katahimikang bumabalot sa amin matapos niyang umupo sa buhanginan.
I swallowed the lump forming in my throat. "Wala pa akong gana."
"'Yan din ang sinabi mo kaninang tanghali, Syl," he answered.
Pinilit kong ngumiti. Maya-maya ay umusog ako palapit sa kanya saka ako sumandal sa kanyang balikat. "Dito muna tayo, Joaquin. Gusto kitang . . . makasama bago ka ulit kailanganin ni Mysha."
Joaquin sighed. Akala ko ay tatanggi siya kaya halos tumaba ang aking puso nang akbayan niya ako. He then pulled me a little closer before he cupped my cheek. Mukhang naramdaman niya ang bakas ng luha sa pisngi ko kaya pilit akong pinatingala nang matitigan niya ang aking mga mata.
His eyes glistened with guilt as he let out another sharp breath. "Umiyak ka na naman."
A broken smile made its way to my lips. "Hindi ko lang maiwasan." Uminit na naman ang sulok ng aking mga mata. "M-Mahal kita, eh."
The glint of pain in his eyes made me more emotional . . . and confuse.
Nandito si Mysha sa beach house pero gumagawa siya ng paraan upang lapitan ako, gaya ngayon. He would hold me close just like what he's doing right now. He seems worried when I skip my meals because I am sad, but every time I have a little hope that he's ready to choose me, Joaquin would choose to shut his mouth and dodge the topic concerning the three of us.
Hinaplos niya ng palad ang aking braso. "Halika na sa loob. Lumalamig na at kailangan mo nang kumain."
Tumayo siya't inalalayan akong tumindig. Ayaw ko pa sanang umalis sa tabing-dagat ngunit hindi ko naman siya matanggihan.
He brought me to the kitchen and made me sit on a stool. Pinanood ko siyang kumuha ng pinggan para sa aming dalawa. Siya rin ang naghain ng pagkain namin bago siya naupo sa aking tabi.
"Kain na, Syl. Hindi mo pwedeng pabayaan ang sarili mo," he said as if he's concerned about me.
I held my utensils and nodded. Tanga na siguro talaga ako dahil kaunting pagpapakita lamang ng pag-aalala sa akin ay gusto ko na namang tatagan ang kapit ko sa kanya.
We ate our dinner together. Gusto ko sanang ako na ang magligpit at maghugas ng mga ginamit namin ngunit hindi siya pumayag. Tila nais niya akong asikasuhin dahil alam niyang nagselos ako sa ilang araw niyang pag-aasikaso kay Mysha.
I think I'm becoming delusional. Gumagawa na ako ng excuse sa isip ko para lamang magkaroon ako ng mas malalim na dahilan para patuloy na manatili. I know, in the back of my mind, that this is getting more and more unhealthy, but I just can't force myself to wake up to the painful truth yet. Hindi ko pa kaya sa ngayon dahil masyado pang lumalamang ang lintik na pagmamahal ko para sa kanya.
Pinanood ko na lamang siyang magligpit sa kusina hanggang sa natapos siya. Paminsan-minsan ay nagkakausap kami tungkol sa mga simpleng bagay gaya ng kung ano ang gusto kong ulamin bukas o kung may nais ba akong ipabili.
Iniligpit niya ang pamunas na ginamit niya sa island counter. Nang masigurong malinis na ang kusina ay sabay na kaming pumanhik sa itaas. I wanted to ask him to come with me into my room. Ngunit bago ko pa man nagawa ay nakatanggap na siya ng phone call.
"Magpahinga ka na. Sasagutin ko lang 'to bago ko silipin si Mysha," aniya.
Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan saka ako tumango. I was about to turn my back on him when Joaquin held my arm then pecked a gentle kiss on top of my head.
Tinitigan niya ako pagkatapos. Tila ba mayroong nais sabihin o ipagtapat. Ilang beses na iyon ngunit sa tuwing tila malapit na niyang sabihin kung ano ang nasa isip niya ay bigla siyang iiwas ng tingin na tila pinipigilan niya ang kanyang sarili.
Joaquin sighed. "Go get some rest," he said before finally turning his back on me.
Natulala na lamang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo sa aking pwesto. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa ginawa niyang iyon. Kikiligin ba o maiinis sa sarili dahil pakiramdam ko ay nagtyatyaga ako sa mga simpleng bagay na ganoon.
I sighed before I went to the room I was using. Naligo ako't naghanda na para matulog, ngunit dahil masyadong maraming bagay na gumugulo sa aking isip ay naisipan kong bumaba muli.
Kumuha ako ng tubig sa kusina't ininom. Babalik na rin sana ako kaagad sa itaas nang nagawi ang tingin ko sa bukas na study room. Akala ko ay naroroon si Joaquin kaya sumilip ako. But the room was empty and only a couple of lights were on.
Pumasok ako't isinara ang pinto. Something seems to be pushing me to explore the room. Napadpad ako roon sa desk. There were several documents on top of it. Reports and records of transactions. Siguro ay sa mga negosyo ni Don Narciso na ipinahahawak kay Joaquin.
I opened the drawer and saw an envelope with Mysha's name on it. Kinuha ko iyon at akmang bubuksan na nang marinig ko ang tinig mula sa labas. Dali-dali akong nagtago sa likod ng makapal na kurtina habang yakap ang envelope. I didn't mean to eavesdrop but I didn't want Joaquin to think I went here on purpose.
"I know, Papa. Huling dalawang transaksyon na lang at tapos na ang problema natin sa kanila. There's just something I need you to know. It's about her." He sighed. "I think she's pregnant . . ."
I felt like a whole bucket of iced water was poured on my head. Umawang ang aking mga labi at unti-unting sumikip ang aking dibdib.
Buntis? Sino ang . . . buntis?