Kabanata 17

1503 Words
Syl I decided to wait for Joaquin instead of heading to bed. Kahit pagod na ako ay ayaw ko siyang iwan dahil baka malasing at kailanganin ang tulong ko. "Oh, bakit gising ka pa? Maaga tayong magsisimba bukas bago magsimula ang pyesta," paalala ni Mama nang maabutan niya akong nagtitimpla ng kape sa kusina. I held my cup and leaned against the kitchen counter. "Hinihintay ko lang po si Joaquin na matapos makipag-inuman. Baka ho kasi kung hindi ko maasikaso ay matulog lang sa sofa. Kawawa naman ho." "Gano'n ba? Oh, hindi bale at nasilip ko 'yong iniinom nila. Kaunti na lang naman ang laman ng bote. Baka maya-maya ay tapos na rin sila." I sipped on my coffee while my mom grabbed a glass of water. Dala niya ang lagayan niya ng gamot at vitamins. Siguro ay iinom ng mga iyon bago siya matulog. Sandali kong inilapag sa kitchen counter ang tasa ng kape saka ko itiniklop ang aking mga braso sa tapat ng dibdib. I was hesitant at first, but I realized that this might be the best time to talk to her about what's on my mind. "Ma?" tawag ko. "Oh?" sagot niya habang tinitingnan ang label ng mga bote ng gamot at vitamins. I swallowed the lump forming in my throat. "Ma, a-alam mo ba 'yong . . . nangyari kay Rhyz dahil sa . . . mga dating utang natin?" Natigilan si Mama. Gumuhit ang lungkot at pagsisisi sa kanyang mukha. Hindi rin siya makatingin sa akin na tila nahihiya siyang makita ko nang maayos ang kanyang ekspresyon. She sighed. "Alam ko, anak. Kaya lang . . . wala naman din kaming nagawa noon ng tatay mo." Lumamlam ang mga mata ko. "Sinubukan n'yo na ho bang . . . humingi ng tawad kay Rhyz?" "Tinanong ko siya noon kung nagtanim siya ng galit sa akin dahil sa nangyari. Ang sabi niya ay hindi kaya hindi na ako humingi ng tawad." I breathed out a sharp breath. "Ma? Huwag sanang sasama ang loob mo sa akin pero minsan ho, ang anak, kailangan ding makarinig ng sorry mula sa magulang. Hindi ho kasi madaling aminin sa magulang na nasaktan ang anak kasi 'di ba, Ma noon kahit mali na ang magulang, hindi pwedeng kumibo ang anak." Tumingin sa akin si Mama. Mukhang handa namang makinig dahil wala akong ibang makita sa mga mata niya kun'di lungkot at pagsisisi. Umayos ako ng tayo saka ko tinawid ang pagitan namin. I held her by her arm before I flashed a faint smile. "Putulin na natin 'yong gano'ng mindset, Ma. Kaya naman natin, eh. Kasi ho, hindi man direktang maamin ni Rhyz sa inyo, makikita ho natin sa mga kilos at pananalita niya kung gaan talaga kalalim 'yong sama ng loob na meron siya sa'ting dalawa." I breathed in deeply. "Dahil kahit po bali-baliktarin natin ang mundo, dalawang klaseng anak lang ho ang kayang bastusin ang magulang niya. Iyong hindi naturuan ng magandang asal, at 'yong hindi nabigyan ng pagkakataong ipaalam sa magulang na nasasaktan siya. Mahirap lang tayo noon, Ma, pero kahit paano naman naturuan n'yo naman kami ni Papa ng magandang asal." Namula ang mga mata ni Mama. She put down her meds and then pulled me for a motherly embrace. "Salamat, anak." She sniffed before she pulled away. Pilit siyang ngumiti saka niya inilapat ang isang palad niya sa aking pisngi. "Alam mo, Syl? Hindi pala talaga madaling maging magulang. Hindi madaling balansehin ang responsibilidad at pagmamahal. Minsan, may mga bagay na nagagawa ang magulang na hindi naman sinasadya kaya patawarin mo ako. Huwag kang mag-alala. Bukas na bukas ay kakausapin ko ang kapatid mo." I smiled back. "Thank you, Ma ha?" Dinampot ko ang vitamins niya. "Inom ka na ng mga gamot mo at vitamins, Ma nang makapagpahinga ka na. Ayaw kitang paiyakin." She nodded before she took her meds. Kinuha ko naman ang tasa ko ng kape at itinuloy ang pag-inom. Saka lang ako lumabas ng kusina para puntahan sina Joaquin noong nagpaalam na si Mama na magpapahinga na siya. Joaquin saw me as soon as I went out of the service door. Nakita ko siyang tumuwid ng upo habang nakasunod ang titig sa akin. Umusog din siya na tila binibigyan ako ng mauupuan doon sa kawayang upuan sa kubo. Hindi lang naman ako ang babae roon kaya hindi ako nailang. May tatlo pa na pawang mga asawa ng ilang kasama niyang nag-iinom. Sumandal siya sa sandalang gawa rin sa kawayan saka niya hinagod ng palad ang likod ko. "Bakit hindi ka pa natutulog?" he asked. Mukhang nakarami na ng inom kaya medyo malambing na kung magtanong. I placed one hand on his lap as I looked him in the eye. "Hinihintay kita. Gusto ko sabay tayong matulog." Joaquin nodded before he played with the tips of my hair. "Paubos na rin ang alak." "Sige lang. Nagkakape pa naman ako." I slightly leaned against him. Nang magtagal ay nakasandal na rin ako sa kawayang sandalan habang nakaakbay siya sa akin. Somehow, I felt like we've closed the distance between us. He acts more casual right now. More welcoming even. Mukhang maganda rin ang mood dahil sumasabay sa kwentuhan. This. This is the Joaquin I know. Malutong kung tumawa, magaling magbakod, clingy, at higit sa lahat, napakalambing. Kung pwede lang lasingin 'to palagi para mapalabas ang kilala kong Joaquin, naku parang ang sarap gawin. "Akala ko may iba ka nang jowa, Joaquin. Napanood kasi namin sa isang video sa internet 'yong tungkol doon sa napapabalitang girlfriend mo," anang isa sa asawa ng kainuman ni Joaquin. Napayuko ako't nagpanggap na nakatitig sa paubos nang tasa ng kape. Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Joaquin. Maya-maya ay humugot siya ng hininga bago niya inilagay sa aking batok ang palad niya. "Hindi ko kayang palitan 'to, Majoy," he said while he's massaging my nape. Kumabog naman nang husto ang dibdib ko kahit na hindi ko alam kung totoo ba iyong sinabi niya o ayaw lamang niyang maniwala sina ate Majoy sa balita tungkol kay Mysha. Umalingawngaw ang kantyawan. My cheeks slightly burned while Joaquin just smirked as if he's enjoying how everyone is teasing us. Lasing na nga yata talaga. "Oo nga naman, Majoy. Kahit batuhan mo ng isandosenang babae sa harap niya 'tong si Joaquin, nakaluhod 'yang uuwi kay Syl," anang pinakamatandang kainuman ni Joaquin. Napainom ako ng kape. Sana nga, kasi sa totoo lang ay miss na miss ko na 'yong dating kami. 'Yong hindi niya kayang magalit sa akin. Kung may tampuhan nga kami at ako ang may kasalanan, si Joaquin pa rin ang manunuyo dahil ayaw na ayaw niyang nagkakasamaan kami ng loob. "Maswerte pala talaga si Syl," sabi ng isa pang babaeng kasama namin. "Maswerte sila sa isa't isa," sagot naman ng asawa nito. I leaned my head against Joaquin's neck. Maya-maya ay tumaba ang aking puso nang patakan niya ng halik ang tuktok ng aking ulo bago niya hinagod ng palad ang aking braso. "Inaantok ka na?" he asked in a gentle and sweet way. "Medyo lang," I answered while I'm drawing small circles on his lap. "Then let's get inside," he said before he gently guided my body to sit properly. "Bukas na lang ho ulit. Maaga pa kaming magsisimba bukas," paalam niya sa mga kasamang uminom. Tumayo kamin pareho at tuluyan nang iniwanan ang mga ito. Joaquin placed his palm on my lower back as he guided me inside the house. Joaquin went to the bathroom. Kumuha naman ako ng damit niya't ihinanda na iyon para makapagbihis kaagad siya pagkatapos maligo. Nabuksan na ni Mama kanina ang aircon kaya malamig na sa silid. I waited for him to finish taking a shower before I walked inside the bathroom to brush my teeth. Pagkalabas ko ay suot na niya ang boxers at t-shirt niya. He's sitting on the edge of the bed with his eyes fixated on the screen. Nang maramdaman ang pagsara ko ng pinto ng banyo ay ini-lock niya ang phone niya't ipinasok iyon sa dresser. He then looked at me with his sleepy eyes before he gently patted his lap. Lumunok ako bago tuluyang lumapit sa kanya. I sat on his thigh while we're looking at each other. Hinaplos niya ang aking hita at likod bago niya tuluyang hinalikan ang aking mga labi. I shut my eyes and answered his slow and tender kisses. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay niyakap ko siya saka ako nagsalita. "Na-miss ko 'to." I sighed. "'Yong . . . ganito tayo." Akala ko ay susumpungin na naman siya ng kasungitan, ngunit hindi. Instead, he lifted me and put me on the bed. Inayos niya ang comforter saka niya ako hinatak upang umunan sa kanyang dibdib. My heart swelled when Joaquin wrapped his arms around me. He then pecked a gentle kiss on top of my head before he let out a sharp breath. I smiled. "Goodnight, Joaquin . . ." He caressed my back before heaving another sigh. "Goodnight . . . baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD